Chapter 9: Her anger

13 4 0
                                    

"There you are." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Savvy sa harapan ko saktong pagkabukas ko ng main door ng unit ko.

"How-why are you here?"

Itinaas ni Savvy sa mukha ko ang susing hawak niya, "Duplicate key from my handsome brother?"

Halos murahin ko na si Timothy sa isip ko.

Bakit ba naman kasi gustong-gusto ni Timothy na sundan ako ng ate niya? Napipikon na ko.

"Savvy, I'm not in the mood right now." Sinagi ko ang braso niyang nakaharang sa pintuan. Dumeretyo agad ako sa sofa para magpahinga sandali.

"I know, Heira. That's why I'm here to make you feel better! To make things right!" masigla niya pang sabi.

"Please. Just please, go home for now, okay? Magpapahinga muna ako. I'm so-"

"Will you please hear me out first?" pagputol niya sa sinasabi ko. Nakataas ang isang kilay at mukhang siryoso.

Tamad akong tumingin sa kaniya senyales na pwede na niyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"I just want to apologize," nakayuko niyang saad habang nakahawak pa sa batok ang kanang kamay samantalagang ang kaliwang kamay naman ay nakahawak sa bewang. Paikot-ikot siyang naglalakad na parang may malalim na iniisip.

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magsalita ulit.

"A-about Primo, he's really my ex boyfrie-"

"And so? Look, Savvy, I don't care kung boyfriend mo pa siya. I don't even care kung nagsex na kayo. Hindi ko nga alam bakit mo pa ineexplain 'to sa akin. Hindi naman ako mahilig sa history para malaman past niyo right?"

Inirapan lang ako ni Savvy at saka tumabi sakin sa sofa.

"Sabing ako muna eh! Masyado kang obvious," nakangisi pa siya.

"So ganito nga, totoo na ex ko si Primo. Dati kasi siyang nakatira sa Virginia and pareho kami ng school. Masyadong big deal sa mga kaklase ko kung virgin kapa or hindi. Lalo na kung ilan na ang nagiging ex boyfriend mo. Mas marami, mas okay." Halos takpan ko na ang tenga ko sa mga pinagsasasabi niya.

As if namang gusto kong marinig 'di ba?

"Sakto, may party sa bahay ng isang kaklase ko and we have to bring our boyfriends. Kilala mo ko, wala pakong ex and NBSB ako noon! Saktong nandon din siya sa party and narinig kong wala rin siyang dalang girlfriend kaya nagpanggap akong girlfriend niya without his permission. Kaso, nalaman din ng mga kabatch namin so I ended up being a loser in front of 50 people inside that party! Maniwala ka man o hindi, ex ko nga si Primo pero 3 hours lang! Primo nga lang alam kong pangalan niya," mahaba niyang pageexplain.

Hindi parin ako makapaniwala.

"And ano naman yung sinasabi ni Timothy na muntik na kayong magsex?" straight forward kong tanong.

Tumaas ang kilay niya na parang hindi niya ineexpect na magtatanong ako.

"See? Hindi mo masagot. You're lying!"

"Shut up! Kaya nga ako nabuking na nagsisinungaling kasi nung nasa party na, I need to prove that Primo is definitely my boyfriend. Inutusan nila akong makipaghalikan or worst, makipagsex kay Primo. Alam mo bang lalapitan ko na dapat siya and ikikiss? Tapos nung nasa harap na niya mismo ako, biglang 'Who are you?' ang inabot ko!" namumula si Savvy habang nagkekwento. Namumula siguro dahil sa pagkapahiya o pagkagalit?

Hindi ko mapigilang ngumisi nang marinig ko ang lahat ng narinig ko mula sa kaniya.

"By the way, iniwan kita sa restau 'di ba? Nauna akong umalis sa 'yo ba't nauna kang nakarating?" pag-iiba ko ng usapan. Baka mahalata niya kasing nag-iba ang mood ko bigla.

Chasing the TruthWhere stories live. Discover now