Chapter 8: Kael's ex

18 3 0
                                    

Ilang beses na akong nagpapaikot ikot dito sa kama ko. Hindi parin ako makatulog.

Sinubukan kong matulog sa sofa pero yung amoy lang ni Kael ang naaalala ko.

"I like you."

"Ugh!!! Ano ba?! Ano ba, Heira? Maniniwala ka ba sa ugok na 'yon?"

10pm na pero hindi parin ako makatulog.

Hindi parin ako makatulog nang dahil sa Kael na yan.

Well, it's not that I'm emotionally affected ha? Hindi lang siguro ako makatulog sa inis.

Nagulat ako sa biglaang pagring ng phone ko. Tumatawag si Savvy. Hindi 'yon nakasave sa contacts ko pero naging palatandaan narin dahil siya lang ang gumagamit ng Sun na sim samin.

"How are you? Sabi ni Tim sinugod ka raw sa hospital kanina? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Savvy.

Halos masakal ko na si Timothy dahil sa kinwento niya sa Ate niya. Ang OA niya masyado magkwento.

"I'm fine, Savvy. Nafood poison lang daw ako."

Tumayo ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

Pupuntahan ko si Timothy para pagsabihan siyang wag masyadong OA. Sigurado akong bibisitahin ako ni Savvy bukas nang dahil kay Timothy eh!

"No, you're not okay. Tinawagan ko pa sila tita Louissa and pati sila, worried na worried until now," rinig ko pa ang malalalim niyang paghinga na parang hingal na hingal sa pagsasalita.

Damn you, Timothy!

Ayokong bumibisita dito si Savvy. Pag nakita niya tong unit ko, for sure lalaitin niya 'to. Daig niya pa mga tita sa reunion kung maka-puna samin eh.

"I'll visit you tomorrow okay? Tinext narin sa 'kin ni Timothy kung anong room number mo."

Binaba niya na agad ang tawag kaya mabilis akong nagsoot ng jacket at nagmartya papunta sa unit ni Timothy.

Sasakalin ko talaga yon. Ang ingay ingay!!

Nang makarating ako sa unit niya, hindi na ko kumatok at dere-deretyo akong pumasok. May duplicate key ako kaya hindi ko na kailangang kumatok.

Hindi ko naman inaasahang hindi siya makita sa sala. Madalas kasi, nanonood yun ng anine pag ganitong oras na.

Nakapatay ang TV niya ngayon pero may dalawang wine glass sa may center table. Uminom rin siya ng red wine.

Para kanino ang isang wine glass?

May bisita si Tim?

Akmang aalis na ko sa unit ni Tim dahil baka si Savvy ang nandito. Ayokong guluhin niya pa ang gabi ko pero nagulat ako nang biglang lumabas si Claire sa kwarto ni Timothy.

Soot-soot niya parin naman ang damit niya kanina.

Pareho kaming nagulat kaya walang nagsalita sa amin ng ilang segundo.

"Babe nasaan-" natigil ang pagsasalita ni Timothy dahil sa pagkagulat na nandito ako ngayon sa harapan nilang dalawa.

No. It can't be. Oh my!

"Y-you're together?" hindi makapaniwakang tanong ko.

Hindi agad sila makapagsalita kaya inunahan ko na ulit sila sa pageexplain.

"Don't say anything. Bukas. Bukas, mag-uusap tayong tatlo sa restau ko. Before lunch time. Explain every damn thing to me," madiin kong saad bago lumabas ng unit ni Tim.

It's not that I'm against to the idea of them-dating. Sobrang nasaktan lang ako na tinatago nila sa akin 'to.

Kaya pala sabay sila pumunta kanina sa hospital. Kaya pala sabay rin silang umalis sa condo ko nung Sunday.

Chasing the TruthWhere stories live. Discover now