Chapter 3: Step-brother

29 4 0
                                    

"I didn't knew na magkakilala na pala kayo," masaya at di makapaniwalang panimula ni Timothy.

"We've just met yesterday," maikling sagot ni Kael.

"Yesterday? How?"

Kitang kita ang pagkakaroon ng interes sa mukha ni Timothy nang marinig niya ang sagot ni Kael kaya inunahan ko na si Kael sa pagsagot.

"Kael just offered me some help yesterday," simpleng sagot ko na may halong ngiti para maiwasan ang awkwardness.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na restaurant dito parin sa loob ng mall. Nagprisinta si Timothy na ililibre niya raw kaming tatlo ng lunch dahil wala siyang maisip na gift sakin for my birthday.

Katabi ko ngayon si Claire at katapat ko naman si Kael.

"You still owe me some favor, Heira," Kael said with a friendly smile on his face. Lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

Huminga ako ng malalim para mabawasan ang pagkairita ko.

"I'll pay you back as soon as I can or do you have something in mind?"

I won't let this stupid Kael make fun of me.

I know, alam niyang alam ko kung sino siya and I know, nahahalata niyang pinipilit ko lang makitungo sa kaniya dahil nandito ngayon si Tim na walang idea sa mga nangyayari.

"I'll just call or message you when I do."

Nagulat naman ako nang bigla niyang inilatag yung cellphone niya sa lamesa.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Still clueless of what's happening.

"I can't call or message you if I didn't have your number right?" nakataas pa ang isang kilay niya at nakangisi pa.

Naikuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang inis.

What the hell do you want from me Kael Primo?

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Kael, pansin kong kanina pa tahimik si Claire at halos hindi na alam ang gagawin pero sa tabi naman ni Kael ay prenteng nakaupo si Timothy na talaga namang walang idea sa mga nangyayari.

Padabog kong hinablot ang cellphone ni Kael sa lamesa at saka ko sinave ang cellphone number ko. Padabog ko rin 'yong ibinaba sa lamesa.

He's really getting into my nerves!

I really can sense na nag-eenjoy siya sa bawat reaction ko.

Pinagsisisihan ko na talaga lahat ng nangyari kahapon. Lalo na nung humangkas ako sa lalaking 'to!

Ngayon, kung makaarte siya sa harapan ko, akala mo namang napakalaking pabor ang utang ko sa kaniya.

What a stupid piece of a jerk!

Bago pa ko tuluyang maubusan ng pasensya, biglang sumingit naman ang waiter at saka inilapag sa lamesa namin ang mga inorder ni Tim.

Marami-rami rin 'yon sakto para mawala nang tuluyan ang atensyon ko kay Kael.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang sinimulang putulin ni Claire ang katahimikan.

"Kael right? Ano palang course mo?"

Panimulang tanong ni Claire para gumaan ang paligid.

Kanina pa kasi kami tahimik.

"I chose Pharmacy for my pre-med. How 'bout you?" sagot naman ni Kael na parang wala naman sa kaniya kung gaano ka-awkward ang paligid.

"Oh nice. I'm taking up Medical Laboratory Science," kaswal na sagot naman ni Claire.

"Oh so pang pre-med mo lang pala ang Pharma, talagang susunod ka sa yapak ng parents mo ano?" biglang singit naman ni Timothy.

Chasing the TruthWhere stories live. Discover now