CHAPTER TWO

34 3 0
                                    

"Si Kane mga pare, kaibigan ng kapatid ko." Pinapakilala ako ni Kuya Lay sa mga kaibigan niya. Tatlong lalaki ang mga ito, pang apat si Kuya Lay, si Lance ang pang lima at ako ang pang anim. Naka upo kami ng pa bilog, sa tingin ko ay kaedad ni Kuya Lay 29-30. Tinanguan ko lang ang mga ito at tinignan isa isa. Nagulat ako ng makita ko ang lalaking nakasalubong ko sa banyo pero hindi ko nalang ipinahalata.

"Hello Kane, I'm Art " sabi ng lalaking naka itim na T-Shirt at may singkit na mga mata.

"Siya naman si Dwayne" turo niya sa katapat niya sa lamesa nakapabilog kasi sila at nag iinom. Tinignan ko ito, mukha siyang masayahin dahil nakangiti siya saakin, kaya ngumiti ako.

"And this..." inakbayan niya ang nasa tabi niya yung lalaki kanina.

"He is Seven"

Seven ang pangalan niya? Sounds very familliar. Tulad ng sabi ko magandang lalaki nga siya. Matangkad, maputi pero tama lang, may magandang mga mata, matangos na ilong, manipis na labi-- ahh basta gwapo siya.

At teka ano bang sinasabi ko? Parang tunog bakla naman ako. Pero hindi naman siguro mali ang mag sabi ng totoo.

Tawa na ako ng tawa sa mga kwento nila Kuya Lay at Dwayne. Madami dami na ang nainom ko at maging ang mga kasama ko sa mesa pero, alam ko pa rin na kanina pa ako tinitignan ni Seven. Ayaw niya mag patawag ng Kuya dahil hindi ko naman daw siya kapatid. Kapag nahuhuli ko ang tingin niya ay hindi niya iniiwas, nakaka ilang kaya ako nalang ang gumagawa.

Inggit ba siya sa maamo kong mukha? E pogi din naman siya.

"Tapos sabi ko pa sa isang babae na nag sabi saakin na feeling niya daw gusto ko siya ay, feeling mo lang yun, feelingera ka kasi, ayon umiyak" tawanan nanaman kami. Ang saya kasama ng mga engineer na to. Kwela at nakaka aliw. Sa sobrang pag tawa at paginom na rin ay nararamdaman ko na naiihi ako kaya tumayo ako at nag paalam.

Pansin ko halos wala ng bisita, nakapatay na ang videoke, at kami nalang ang narito sa garden. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. It's already, 12:37 am. Ano nga ulit ang sabi ko kanina, mag papakita lang ako at pag katapos ay uuwi?

Scam.

Medyo hilo na ako pero nagawa ko pa naman matapos sa ginagawa ko. Nag hugas ako ng kamay at naghilamos para mahimas masan. Nag tagal ako sa harap ng salamin bago lumabas. Palabas na ulit ako ng banyo ng may humila saakin pa punta sa may kusina.

"Bakit Seven?" Tanong ko sa bago kong kakilala.

"Raikontopeni" he said, he smiled ng nakakaloko and leave me being confused. What? Where did I hear it again? Nanlaki ang mata ko at kinuha ang cellphone. Agad akong pumunta sa mga DM ko sa ig.

@Se7en replied to you ig story.

RAIKONTOPENI.

Se7en

Se7en?

Palabas na siya ulit ng kusina ng hilain at pigilin ko siya.

"Ikaw ba si Se7en sa ig?" kunot noong tanong ko

"Yep" he said emphasizing the 'p' sexily. Wait what? Sexy? Fck what's wrong with me.

"Ah ikaw lang pala yun"

"How did you know my account?" Tanong ko pa

"I saw it on Lance ig story, naka tag ka. You're good in playing ML, I see." ahh pinost siguro ni Lance ang screenshot ng laro namin sa ig at tinag ako, I don't really care.

"Let's play someday." Ewan pero bat parang iba ang gusto niyang sabihin.

"Ah...sure" sabi ko nalang na naguguluhan parin pero isina walang paki alam ko nalang.

"Follow me back." He said.

"Huh?" I asked him. Pero kinuha niya ang cellphone ko. Tinignan ko lang siya, maya maya ay nag ring ang cellphone niya. Anong trip ng Engineer na to?

"Ayan, na follow back mo na ako sa ig, twitter at friends na din tayo sa facebook. Nasaakin na din number mo" ngumiti siya saakin ng nakaka loko at itinaas ang cellphone niya.

"Aanhin mo naman ang number ko?" Adik ata ng lalaking to. Kung gusto niya lang makipag laro ay iinvite niya nalang ako.

"Siyempre para matawagan kita" mag tatanong pa sana ako ng dumating si Lance at nag patulong kumuha ng beer at ice.

Naunang bumalik si Seven sa lamesa namin. Nakangisi na siya at inaasar ng mga kaibigan pero matapos mapansin ang presensya namin ay tumahimik. What's going on here? Pero hindi ko na isinatinig ng mag kwento nanaman si Dwayne ng mga nakakatawang experience niya sa buhay.

"Wag ka na umuwi Kane, dito ka na matulog" sabi ni Tita Lisa. Alas tres na lasing na kaming lahat at sa tingin ko din ay hindi ko na kayang mag lakad pa pauwi.

"Opo Tita salamat po" sabi ko na pinipilit nalang maka pag salita ng maayos. Hindi ako nasusuka pero antok na antok at hilong hilo na ako.

"Akyat ka na sa kwarto ni Lance." Gaya ng sabi niya ay umakyat ako, sa pag kakatanda ko ay ang unang kwarto sa kanan ang kwarto niya. Pumasok agad ako at wala pang tao, nasa baba pa kasi si Lance. Hinubad ko ang hoodie ko, at sapatos. Pag katapos ay binagsak ko ang katawan ko sa Kama. Inaantok na talaga ako. Ipinikit ko ang mga mata ko pero ayaw pang mag pahinga ng utak ko.

Anong ibig sabihin ng mga salitang yun? Bakit ko ba iniisip ang sinabi ng lalaking yun? Ipinilig ko ang ulo ko. Malapit ko ng makuha ang tulog ko. Nang maramdaman ko na may pumasok sa Kwarto.

Pinilit kong imulat ang mata ko. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba dapat si Lance ang kasama ko matulog dahil kwarto niya to?

"Se-ve-n?" Tinignan niya ako at naglakad palapit sa kama.Huminto siya sa harap ko.

"Bat ka n-nandito?" he smirk at nginisian ako.

"This is a guess room for me" he said, so hindi to kwarto ni Lance.

"Gusto mo bang umalis pa ako?" Masungit na natanong ko dahil antok na talaga ako.

"No, hindi naman kita pina paalis." Sabi niya lasing din ba to? E pero parang hindi.

"Mabuti, dahil wala na akong balak na lumipat pa"

"Ok, then suit your self." nangunot ang noo ko ng may maalalang itanong.

"Seven?" Tawag ko.

"Yes?" Ewan pero bakit parang ang lambing ng mga mata niya maging ang tono niya.

"What was the meaning of the word​ you sent me?" I asked.

"It's-" hindi ko na narinig ang huling salitang sinabi niya. Hindi na kaya ng mata ko at nag shutdown na ako ng tuluyan.

OUR STORY (MEWGULF FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon