I don't know why I am feeling so nervous right now. Nasa mall ako ngayon, wearing a simple white long sleeve that I folded up unto my elbow. I think its already 12 noon, and my phone is running out of battery. Pero ok lang sandali lang naman ako ditto.
I'm meeting Seven.
Sabi niya ay hihintayin niya ako sa harap ng entrance ng mall. Sa dami ng tao ay hindi ko siya mahanap at masakit pa sa mata ang liwanag galing sa araw kaya naman itinaas ko pa ang kamay ko para makita siya and shoot.
He was leaning on the wall sa may bandang pinaka gilid.
Naka tingin din siya saakin, ewan ko pero nag uumapaw talaga siya ng sex appeal sa katawan. Napalunok pa ako ng tanggalin niya ang salamin niya at lumakad na palapit saakin."Hey!" that's the only word he said yet I gulped.
"H-hey" shet bat ang pogi nito? And why I am even stammering?
Kinurot ko ang kamay ko para naman matauhan ako, at hindi kung ano ano ang tumatakbo sa utak ko.
"Where's my watch?" I casually said. I don't like his effect on my system. Kailangan ko ng makuha ang pakay ko para naman makaalis na ako.
"I'll give it to you later, kain muna tayo" he said, habang nakangiti saakin. Like wtf? Anong nginingiti niya? Ipiniling ko nalang ang ulo ko
"No, baka busy ka , and ayoko nang maka abala pa sayo, so you should hand it to me, para makauwi na tayo pareho" lumungkot ang mata niya, ewan parang nawalan ng sigla.
"I'm not busy, I can always make time for you" natahimik ako, putcha what is he talking about? Damn, parang may double meaning.
"Wala akong budget, may pasok na ako sa monday" palusot ko nalang, may pera ako pero ayoko lang talaga siyang makasama ng mag isa.
"I'll pay for your food don't worry" iiling na sana ulit ako at mag bibigay ng panibagong palusot pero hinawakan niya ang kamay ko at hinilia na papasok.
His hands is kinda rough, so warm and relaxing. I like this feeling, parang may electricity between us lalo na ng higpitan niya pa ang pag kaka hawak saakin. SHIT.
Nanlaki nalang ang mata ko ng marealize na nasa loob na kami ng KFC naka pila sa counter at pinag titinginan ng ibang tao ang kamay naming mag ka holding hands. Damnation!
Binawi ko ang kamay ko, buti nalang at binitawan niya.
"Uhm, I'll find a table for us" tutal nandito na kami, edi sige, enjoyin ko nalang ang panlilibre niya.
"Here, let's eat" Ibinaba niya na ang pagkain namin. Ang dami.
"Thanks" I silently murmured. Nag umpisa na akong kumain, hindi naman required na makipag usap ako sa kanya. Bibilisan ko nalang para naman makaalis na ako. Pero balat ng saging, nabilaukan ako sa sobrang pag mamadali.
"Here, drink this" he calmly said bago iabot saakin ang tubig, agad naman akong uminom. Putek muntik na akong mamatay.
"You should slow down, bat ka ba kasi nag mamadali" umismid ako sa sinabi niya.
"How did you know na nag mamadali ako? Magana lang akong kumain" palusot ko, bwisit kung hindi niya kasi ako hinila para kumain dito ay hindi naman ako mabibilaukan.
"How did I know? because I'm staring at you the whole time." anak ng tinapa, nanlaki nanaman ang mata ko sa sinabi niya, at oo nga wala pang bawas ang pagkain niya.
"Ahm... ah, then you should start eating your meal, iiwan kita dito pag hindi ka pa nag simula"
"You can't do that" siya naman ang ngumisi.
"Why not?" Naiinis kong sabi.
"Hindi ko pa nabibigay ang relo mo." Oo nga pala.
"Oo na sige na kumain ka na hindi na ako mag mamadali" sabi ko nalang at tinuloy na ang pagkain. I don't want to argue, kailangan ko lang naman makuha ang relo ko at huli naman na siguro naming pagkikita to.
"Really?" sabi niya habang nakangiti na parang ewan.
"Yeah, so dig in"
"Ok, sabi mo e, malakas ka pa naman sakin" sabi niya at ngumiti ng malawak, bago mag umpisang kumain. I shook my head, bakit ang cute niya.
"SALAMAT uuwi na ako." Sinuot ko ang relo ko. Nasa parking lot kami, dahil iniwan niya dito sa kotse ang relo ko kaya kinuha pa namin.
"Hatid na kita" binigyan ko siya ng nalilitong tingin. At bakit niya ako kailangang ihatid?
"No, hindi ako babae na kailangan mo pang ihatid, mag bobook nalang ako sa grab"
"Hindi ko naman sinabing babae ka" hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at kinuha ko ang cellphone ko pero shit lang ayaw mag open, hindi ko pa naman dala ang power bank ko.
"Lowbat?" nakakainis, nakita na nga niya tatanungin pa.
"Oo pero ayos lang, mauna ka na mag aabang nalang ako ng taxi o jeep" tatalikod na sana ako pero hinawakan niya nanaman ang braso ko.
"Sumabay ka na saakin, I think its about to rain cats and dog in any minute now." He is so stubborn but I wont. Tama na yung sinabayan ko siyang kumain. Sasabihin ko ulit na ayoko talaga ang epekto niya sa sistema ko. The strange feeling, that makes me confused in many aspects. Kaya naman binaklas ko ang kamay niya saakin.
"Hindi na pre, salamat nalang" I don't know kung tama ba yung ginawa ko kasi parang nag iba yung awra niya, pero ayoko na talaga siyang makasama ng matagal. My hyphotalamus, heart and brain are all in havoc, I don't know why and that's much worser, shit.
I started walking away from him, there's a heavy feeling pilling up in my system and its making me crazy. Mabibigat din ang bawat pag hakbang ko palayo, and I think he is right. Nang makalabas ako sa parking lot ay bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko alam kung tatakbo ako pabalik sa kinaroroonan niya o hahayaan nalang ang sarili ko na maulanan at mag kasakit basta makalayo lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
OUR STORY (MEWGULF FANFIC)
RandomIt all started when a guy replied to Kane's ig story. Do you know what was it? It's Raikontopeni.