Who tf is this?
@Se7en replied to your ig story.
I frowned. Se7en who? Tinap ko agad ang notification to see his reply on my ig story.
RAIKONTOPENI.
RAI-KON-TO-PE-NI? basa ko.
I don't know what was the meaning of this word. Kumunot lang ang noo ko at hindi ko nalang to pinansin.
Ginagago lang naman ata ako.
My ig story is just me. It's a mirror shot. Katatapos ko lang maligo nun, topples ako at twalya lang ang nakabalot sa lower part. Well I know I'm hot
I close my phone and got my laptop. Ok time to watch. Panunuod ng anime ang paborito kong libangan, pero wala pang season two ang pinapanuod ko kaya naman nag browse nalang muna ako ng ibang magandang mapapanuod sa netflix.
It's already 2 pm ng matapos ko ang isang horror movie. Pinatay ko muna ang laptop ko para makapag charge at para makakain na muna ako.
By the way my name is Kane Sy, 22 at graduating student sa kursong Com arts. Sa maynila ako nag aaral at nandito lang muna sa probinsya namin para mag bakasyon.
Ininit ko lang ang adobong manok na niluto ni Mama kanina at iniwan para saakin. Kumakain ako ng maalala kong buksan ang cellphone ko.
Kumunot ang noo ko ng makita ko ang napakaraming notification galing sa ig, meron ding galing sa fb at twitter. May message din ang kuya ko kaya ito ang una kong binuksan.
Kuya Ken: Eat on time, don’t be so stubborn, wag puro nuod.
Iyon ang nasa message niya kaya naman nireplyan ko lang siya ng 'oo kuya' at pagkatapos ay thumbs up.
Who the fudge is this Seven. Kanina pa to ngayon naman ay hineart niya lahat ng post ko sa IG. Nag request din siya sa twitter para mafollow ako at pati sa facebook ko. Shit? Who the fuck is this guy?
I just shook my head at hindi nalang pinansin ang lahat. Pinatay ko ulit ang cellphone ko at tinapos nalang ang pag kain.
Nanunuod ulit ako ng ibang movie at action naman ngayon pero biglang tumunog ang cellphone ko. I checked kung sino ang tumatawag bago ito sagutin.
"Hello? Lance?" My bestfriend Lance is the one who called.
"Pre! Asan ka na? Anong oras na bat wala ka pa?" Rinig ko ang medyo maingay na paligid. I checked my phone at tinignan kung anong oras na.
"Where to go?" litong ranong ko. Alas syete na ng gabi.
"Sabi ko na nga ba at nakalimutan mo. Birthday ni Kuya ngayon." Natahimik ako ng mag sink in ang sinabi ni Lance.
Shit. I cursed in my mind. Nakalimutan ko nga. Ang pag kakaalam ko ay may dinner at inuman sa bahay nila ngayon.
Si Kuya Lay ang may birthday Kuya ni Lance. Mas matanda siya saamin ng 8 taon at barkada din ng Kuya ko, dahil nga wala sila Kuya ay sinabi ko na ako nalang ang pupunta.
"Shit Lance, give me 30 minutes. Darating ako" nakakahiya kasi kung hindi ako pupunta e naka oo na ako. I don't like breaking my words.
Dali dali kong pinatay ang tawag at tumakbo sa banyo para mag shower. After 10 minutes ay lumabas na ako at nag hanap ng masusuot.
Ripped jeans and a white hoodie, pag katapos ay puting sapatos lang ang sinuot ko. I comb my hair na medyo mahaba na. I spray my favorite perfume and check my self again on the mirror.
Pogi ko talaga, I smirk in my own thought. After that ay pinatay ko na ang laptop ko na naka limutan ko na dahil sa pag mamadali. Pag kalabas ko ng gate ay tinignan ko muna ang bahay namin. Hindi naman to mawawala at sinigurado ko naman na naka lock ang gate at lahat ng pinto at bintana.
Lalakadin ko lang ang papunta sa bahay nila Lance, nasa iisang subdivision lang naman kami, pero nasa bungad ang bahay namin at ang kanila naman ay medyo gitna na pero malapit pa din naman.
Maliwanag naman ang subdivision dahil sa mga lampost at mga ilaw sa bawat bahay halos anim na minuto ang ginugol kong oras bago matanaw ang bahay nila. Bukas ang gate, may mga naka paradang sasakyan sa gilid at buhay na buhay ang ilaw at may mga nag kakantahan na din.
Bago ako pumasok ay tinignan ko muna ang pambisig kong orasan. Mag aalas otso na ng gabi. Hawak ko ang paper bag na naglalaman ng regalo, galing sa Kuya ko at sa akin na din. Huminga ako ng malalim bago pumasok.
Mukhang nag uumpisa palang ang Birthday party ni Kuya Lay dahil madami pang tao. Inilibot ko ang paningin ko at si Tita Lisa ang siyang unang nakakita sa akin. Siya ang mama nila Lance at Kuya Lay, ngumiti siya at lumapit sa akin.
"Oh, Kane hijo, nahuli ka ngayon, halika at sumama ka sa akin ng makakain ka na." Ngumiti din ako at bumati sakanya ng magandang gabi. Pumasok kami sa bahay nila, ang ibang bisita ay nasa kanilang living room at ang iba ay nasa garden malapit sa pool.
"Si Lance at Kuya Lay po tita?" Tanong ko sakanya dahil ayokong mag isa at para maibigay ko na ang regalo ko kay Kuya Lay. Ang balak ko lang talaga ay mag pakita at mag tagal ng kaunti bago umuwi.
" Teka nasa garden sila, tatawagin ko, kumuha ka na muna ng pagkain mo at ng makakain ka na" tumango ako at sumandok na ng pagkain sa mesa. Dahil tapos nang kumain ang kanilang mga bisita ay dun nalang ako umupo. Kaharap ko ang mga putahe, dessert at kanin. Nagsisismula na akong kumain ng may tumapik sa balikat ko.
"Pre!" Si Lance, tinanguan ko siya, at sa likod niya ay si Kuya Lay, na nakangiti saakin.
"Happy Birthday Kuya" sabi ko at inabot ang paper bag na naglalaman ng regalo.
"Salamat Kane." Sabi niya lang saakin bago inabot ang paper bag nang makalapit siya sa pwesto ko.
"Late ka ngayon siya nga pala musta ang Maynila? Ang Kuya Ken mo at si Kia?" Sabi niya at umupo sa tabi ko. Si Lance naman ay inabutan ako ng baso na may lamang coke bago umupo sa harap ko at namapak ng Lumpiang Shanghai.
"Ok lang po kuya, wala sila nag punta sa probinsya ni mama sa Bohol, nag bakasyon"
"Ahh sayang naman, ngayon lang din ako umuwi di ko man lang nakita sila Ken lalo na ang cute na si Kia" nagtratrabaho din kasi siya sa Laguna at minsan lang din umuwi dito sa Nueve Ecija.
"Mag kikita din kayo sa susunod kuya. Pag umuwi ka ulit diretso ka lang ng bahay o bangko andun lang yun palagi" sabi ko at tumawa, ang kapatid ko kasi ay accountant at dito lang nag tratrabaho sa malapit na bangko.
"Oo nga naman kuya, tsaka dalasan mo kasi ang day off mo" singit ni Lance na busy pa din sa pag nguya.
"Oo na sige na, Kane maiwan ko muna kayo dito ni Lance, may mga kaibigan kasi ako galing laguna at maynila, sunod kayo dun mamaya pag katapos mo diyan." Tinapik niya ang balikat ko kaya tumango ako at lumakad na siya pabalik sa labas.
"Tapos ka na?" Tanong ni Lance saakin nang maubos ko na ang leche flan sa plato ko, kaya tinanguan ko siya.
"Banyo muna ako Lance" tumango siya.
"Ge pre hintayin kita dito" sabi niya at uminom ng tubig. Dahil lagi naman ako sa bahay nila dati ay alam ko ang CR dito.
Pipihitin ko na sana ang doorknob ng biglang may nag bukas ng pinto. Dahil naka hawak ako ay nahila ako ng bahagya. Nagulat ako at maging ang lalaki sa harap ko ng muntikan ng magdikit ang labi namin dahil sa sobrang lapit ng distansiya ng mukha namin sa isat' isa. FVCKK. Napalunok siya at tumingin sa labi ko.
"E-hem" I faked a cough. "Sorry bro." tinitigan niya ako matapos kong ilayo ang mukha ko sakanya. Pero hindi pa rin siya gumagalaw at umaalis ng pwesto niya.
"Ahh, excuse me, kailangan kong gumamit ng cr" napakurap naman siya at gumilid. Tinignan ko siya ulit bago pumasok sa cr at isara ang pinto.
"Pogi nun ah"
Pero mas pogi ako.
BINABASA MO ANG
OUR STORY (MEWGULF FANFIC)
RastgeleIt all started when a guy replied to Kane's ig story. Do you know what was it? It's Raikontopeni.