Nakatayo lang ako at nakatingin sa stage. Hinihintay kong lumabas sa stage ang pinakaunang grupo na hinangaan ko. Ang nagdala sakin sa mundo ng KPOP. Napangiti nalang ako nang maalala ko kung gaano ako kaadik sakanila noon. Talagang lahat ng videos na naroroon sila ay hindi ko pinapalampas. Hindi rin ako nagpapahuli sa mga updates about sakanila. Nag-iipon pa ako nun para makabili ng mga merch. Laging memory full ang memory card ko dahil sa mga pictures, videos at mga kanta nila. Tapos talagang menimemorize ko ang mga kanta nila.
Nagsimula nang magsigawan ang mga kapwa kong EXO-L kaya napatingin ulit ako sa stage. Nagsimula silang magfanchants kaya nakisabay ako. Nasaan ako? Nasa Reunion concert nila. Napangiti ako. It's been 10 years. Ang iba sakanila ay may asawa't anak na. Grabe. Hindi ko akalaing makikita ko ulit sila ng kumpleto.
Nagsimula silang kumanta ng Peterpan. Nakikisabay kami sa pagkanta. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanila. Tiningnan ko sila isa-isa. Si Xiumin at ang pisngi nyang parang siopao na ang sarap kurutin. Si Luhan at ang kanyang Sparkling deer eyes at pagiging manly 'kuno' nya. Si Kris at ang smile nyang kita gilagid at cool image nya. Si Lay at ang kanyang inosenteng mukha. Si Baekhyun at ang kanyang bibig na nagiging rectangular shape kapag ngumingiti at pagkamadaldal. Si Chen at ang kanyang mga ugat sa leeg kapag kumakanta ng high notes. Si Chanyeol at ang kanyang malalim na boses at derp face. Si D.O at ang kanyang labi na hugis puso. Si Tao at ang kanyang dazzling eyes. Si Kai at ang kanyang awesome dance moves. Si Sehun at ang kanyang Hair porn. And lastly, the leader, si Suho na hanggang ngayon ay maliit parin. Joke! Si Suho at ang kanyang mala anghel na mukha.
Habang tinitingnan ko sila, naalala ko lahat ng pinagdaanan nila. Nasaksihan ko sila through their ups and downs. Hindi ko sila iniwan. Yes, nagkaroon ako ng ibang fandoms but i didn't leave them. I keep on supporting and loving them.
Nagsimulang ilabas sa screen ang mga pictures at mga video clips. Mula nung MAMA era nila hanggang sa last. Yung mga happy moments nila. Yung first win nila. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang lahat lahat ng pinagdaanan nila. Happiness and sadness. Napatingin ako sa paligid ko at napansin kong naiiyak nadin sila. Binalik ko ang tingin sa stage nang biglang namatay ang ilaw. Nagdilim ang paligid. Nagsimulang tumugtog ang napakapamilyar na tugtogin.
Mas lalo akong naiyak dahil sa napakapamilyar na tugtog.
"Careless, careless. Shoot anonymous, anonymous. Heartless, Mindless. No one, who care about me?"
A/N: Naiiyak ako sa imagine nato. Leche! Huehue. I miss EXO, I miss OT12. :cc
![](https://img.wattpad.com/cover/20932923-288-k949646.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SHOT COLLECTIONS
Historia CortaCollection of different short stories. Feel free to read :)