Bestfriend

188 10 1
                                    

A/N: Dedicated sakanya kase idol niya daw ako. Yo Kid!! Hahaha btw, i-play yung nasa gilid para mas ma feel niyo guys! Choss! 

 

Jayson’s POV

“Jay..”  papalapit ng papalapit ang mukha ni Willa sakin. “Mahal kita.” Mahinang sabi niya. Maglapit ng maglapat an gaming mga labi nang biglang…

*PAK*

“ Anak ka ng nanay mo! Nagd-daydream ka na naman jayson?” isang batok ang natanggap ko kay Willa.

“Aray naman.” Sabi ko habang kinakamot ang batok ko. “Hindi ako nagd-daydream noh!” pagd-deny ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang siya.

“Pftt. Alam mo yung hitsura mo kanina? Ganito oh.” Sabi niya habang ngumunguso na nakapikit. Yung parang iki-kiss? Yung ganun. Binatukan ko naman siya. Ginawa ko yun? Takte! Sinamaan niya ako ng tingin. Dinilaan ko lang siya. Gaaganti pa sana siya nang..

“Mr. Delacruz and Ms. Cordova!” napatingin kami kay Ma’am Reambonanza. Lagot na! Aish. Nasa may unahan pa naman kami.

“You are not paying attention to my class. Get out!!” pulang pula na ang mukha ni ma’am dahil sa galit. Siniko naman ako ni Willa. Nag unahan kaming lumabas ng classroom at baka mabato pa kami ni Ma’am ng kanyang sapatos o kaya naman suntukin ako nun. Haha! May napakalaking bato pa naman yung singsing niya. Yung parang sa mga manhuhula? Lol Ewan ko nalang kung hindi ka ma knock out hahaha

“Ikaw kase eh.” Sabi niya saken. “Anong ako? Ikaw kaya!” sabi ko naman. Nagkatinginan lang kami at sabay natawa. Napailing nalang ako. Ganyan na talaga kami ni Willa, ng bestfriend ko. Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan.

 

“Babe.” Tawag sakanya ni Ace. Ang boyfriend niya.

“Sige jay, mauna ka nalang. Mag uusap pa kami ng babe ko.” Saka siya kumindat at mabilis na lumapit kay Ace at niyakap ito. Napabuntong hininga nalang ako. Masokista. Oo na.

Paano ko nga naman masasabi na mahal ko siya? Kung masaya na siya sa piling na taong mahal niya?

FLASHBACK

10 years old lang ako nun. Wala akong kaibigan dito sa subdivision, bagong lipat lang din kase kami. Nakaupo lang ako sa swing habang nakatingin sa sunset.

“BOO!” nagulat ako kaya naman nahulog ako sa swing. Napahawak ako sa ulo ko.  Tumingin ako sa batang babaeng nanggulat saken at sinamaan siya ng tingin. Siguro magkasing edad lang kami. Nakita ko naman na parang naguilty siya at inilahad niya ang kamay niya para tulongan akong makatayo. Pero di ko yun tinanggap.

Tumayo ako mag isa at pinagpag ang damit ko.

ONE SHOT COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon