Roleplayer

58 1 0
                                        

A/N:First and foremost, kinuwento lang to saken ng friend ko. Hindi ko alam kung totoo pero sabi nya oo daw eh so eto. Hahaha medyo iniba ko lang ng konti pero di parin nawala yung totoong nangyari. XD

 Alys

"YEEEEEEEEEEEESSS!"

Halos mapatalon ako nun sa tuwa nang maka log in ako sa facebook. Akala ko nanaman kase mad-disable na naman ulit yung account ko. Eh pang-9 na yun. Lagi akong nad-disable e. Hindi ako OA, okay? XD

Tiningnan ko agad ang notifications ko. Ok naman. Naka join na ko sa group. Hehe tapos yung mga in-add ko kagabi, in-accept na ko. Tapos yung friend request, in-accept ko lang yung mga kapwa Roleplayer ko. Ay, oo nga pala. Wendy(Red Velvet) roleplayer ako.

Napakunot ang noo ko nang may biglang nagchat saken. 

Siya: Hi. Pwedeng makipagkaibigan?

Taehyung(BTS) RP siya. Napangiti naman ako. Ops. Hindi ako malandi ah. Hindi ako yung tipo kakagawa lang ng RP account, RS na agad ang hanap. It's just that first time may naunang mag approach saken para makipagkaibigan. Lage kase ako ang nauuna. Tapos minsan nas-snob lang ako. Alam niyo yun? Pag Boy RP ang nagpost, daming likers and comments agad. Pero pag girl RP, nilalangaw. Kung Roleplayer ka, maiintindihan mo ko.

So ayun nga, nireplyan ko sya.

Ako: Hello din. Oo naman :)

Siya: Yun oh. Thanks. Bestfriend na tayo ah?

Simula nun, lage ko na siyang nakaka-chat. Pagkauwing pagkauwi ko palang ng bahay galing school, facebook agad ako.  Naging mas close kami. Yuichi. Yuichi ang name ng OP niya. Yep, nag aminan kami ng mga names ng OP namin. Pag nag status ako, lage syang nagc-comment. Makulit siya. Lage niya akong napapatawa.

Kakauwi ko lang nun galing school, kaya nag log in agad ako sa facebook. Nagulat ako nang may nag request saken ng relationship status. 

 Tapos may biglang nagpop sa message ko. Tiningnan ko yun.

Luhan Roleplayer siya.

Kinukulit niya ako. Gusto niya daw akong maging ka-RS. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Sakto namang nag-OL si Yuichi/Taehyung RP kaya ni-chat ko nalang siya at nanghingi ng kaunting advice kung ia-accept ko ba yung RS request. Sabi niya ako nalang daw bahala kaya ayun, ni accept ko.

After ilang days, hindi ko alam kung bakit pero alam ko, ramdam ko, galit siya saken. Hindi na siya yung dating makulit na Yuichi. Hindi na niya ako chinachat, Hindi na niya ako kinukulit, kahit pa ako ang unang mag-hi sakanya, ini-snob lang niya. 

Kinabukasan may ka-RS na siya. Hindi na kami nagch-chat.

Hanggang sa napagdesisyonan kong kumprontahin siya. Tinanong ko siya kung bakit siya naging cold bigla. Kung bakit nawala yung closeness namin. Sabi niya, hindi naman daw. Sinabihan ko siyang magkalimutan nalang kami pero hindi ko naman sinasadya yun, nadala lang ako sa galit ko. Pero napaiyak nalang ako nang sabihin niyang

"Edi sige."

Wala lang ba sakaya yung lahat ng pinagsamahan namin? Yung pagkakaibigan namin? Ako? Then it hit me. Why am I crying over him eh kaibigan ko lang naman siya? Sa facebook lang naman kami nagkakilala. 

I realized I love him.

Pero wala na.

Huli na..

Wanna know why people fall inlove over the internet? Because they fall in love with the personalities not with the looks.

ONE SHOT COLLECTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon