Note: May bago na naman akong story. Eto na yun. Kaso may on-going pa kong isa yung Mr. Jejenonymous. Wala akong specific time o araw ng pagu-ud. Kailangan niyo lang maghintay. I'm a lazy and sometimes a busy person kaya tanggapin niyo na. Enjoy reading! Sorry sa grammar errors. :)
--
"The chase is over. I'm tired of loving you. Pagod na kong masaktan. Pagod na kong magmukang tanga. Pagod na kong iyakan ka. Pagod na kong umasa. Pagod na pagod na ko..." Sabi ko habang tumutulo ang luha ko.
"No.. Please.. Give me more time please... I'm sorry for hurting you. I'm sorry please stay with me..." Dinikit niya ang noo niya sakin at naramdaman ko ang hininga niya sakin. Umiling ako habang patuloy na humihikbi.
"Anong time pa ba gusto mo? Binigay ko na sayo eh. Shit lang Jimin! Hindi pa ba sapat yung isang taon? Sobra na. Akala ko kasi mapapalitan ko siya sa puso mo hindi parin pala. Kahit anong gawin ko wala padin. Siya padin. Kaya wag kang magtataka kung susukuan kita kasi kahit kailan hindi mo naman ako pinahalagahan!" Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Ayoko na. Darating din pala sa puntong kahit na gaano mo kamahal ang isang tao kung di ka lang din naman pinahalagahan ay susukuan mo din. Kasi sobrang sakit ang mabalewala. Lahat ginawa mo pero akala mo sapat na pero hindi parin pala.
"CUT!" Sigaw ng direktor namin. Nagpalakpakan naman ang mga staffs dahil sa wakas ay makakauwi na din sila.
"Nice acting guys. Di talaga ako nagkamali sa pagpili sainyo." Puri samin ni Louie ang aming direktor. Nginitian ko na lang siya.
"Kelly! May photoshoot pala kayo ni Jimin bukas. Text ko na lang kayo kung saan at anong oras." Sabi samin ng Manager namin.
"What? Di ba pwedeng sa ibang araw na lang yan Cha? Pagod lang talaga ako ngayon." Pagrereklamo ni Jimin. Pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng gamit ko habang nakikipagtalo siya sa manager namin.
"No. Hindi kasi pwede i delay yung photoshoot. Tandaan niyo almost one month na kayong wala sa magazine. Alam niyo namang kayo lang ang mabenta sa mga teenagers diba?" Pagpapaliwanag samin ni Cha.
Almost one month na nga kaming walang labas na album dahil nga may upcoming movie kami. Halos araw araw may shooting kami. Di ko iniinda ang pagod dahil nandito naman si Jimin para mapawi yun. Ay ano bayan Kelly ang harot mo!
"Alis na ko. Bye." Pagpapaalam samin ni Jimin. Tinanguan naman siya ni Cha na manager namin.
"Jimin! Wait lang." Nag half run ako para maabutan siya. Bakit ba ang bilis maglakad neto?
Nilingon niya ko. "Ano na naman Kelly?!" Pagsusungit niya sakin. Hmp, kelan ba ko masasanay dito? Eh sa isang taon ko dito wala namang ginawa yan kundi sungitan ako.
"Ang init naman ng ulo mo. Pwede ba makisakay sayo?" Mukha namang nagtaka siya sa tanong ko.
"What I mean is kung pwede bang makisakay sa kotse mo kasi nakalimutan kong magpasundo sa driver ko." Bakit ba kasi ganon yung sinabi ko? Parang ang baboy pakinggan. Ugh, whatever.
"Tss." Tanging sagot niya lang sakin. Sa ilang taon na naming pagsasama dito sa showbiz world tinatak ko sa utak ko na ang katumbas ng tss niya ay yes.
Sinundan ko na lang siya sa parking lot. Binati naman kami ni Manong guard nung makita niya kami.
"Magandang gabi po Sir Jimin at Miss Kelly." Nginitian ko na lang si Manong guard bilang pagbati at tinanguan lang siya ni Jimin.
"Thanks for the ride Jimin." Akmang hahalikan ko na siya sa pisngi pero iniwas niya ang mukha niya sakin.
"What are you doing Kelly?" Galit na tanong sakin ni Jimin. Nginitian ko siya. "Kissing you? Masama ba? Thank you kiss lang naman."
"Are you crazy? May girlfriend ako tas bigla bigla mong ilalapit yang mukha mo?" And now he's mad. Alam ko naman na may girlfriend siya at masakit para saking makita siyang masaya sa piling ng iba. Pinasok ko ang mundo niya dahil gusto kong makilala ko siya ng husto. Isang taon na din kaming magkatrabaho pero isang taon na din akong umaasang may mamumuong samahan samin. Pero hindi eh. Hanggang pelikula lang kami. Kahit nga magkaibigan wala eh.
Nginitian ko na lang siya. Hangga't maaari ayokong ipakita na nasasaktan ako. Para saan pa't naging artista ako diba? I can pretend that I'm okay. I can pretend everything's alright eventhough it's not.
"Good night." Yan ang huling katagang sinabi ko sakanya bago ako tuluyang lumabas ng pinto ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin
Romance[bangtan series 1] ;; “I'll never stop chasing you not until you say you love me too.” (c) fabyeahwous xx 2015 ;; @lemonleafs for the cover