Chapter 2
Nagpunta ako ng resto para kumain kasi gutom ako. Pero nung nakita ko yung eksenang yun ay nawalan ako ng gana at biglang bumaligtad ang sikmura ko. Iniisip ko padin kung bakit magkasama sila at kung anong meron sakanila.
Lumipas ang ilang araw at ito na ang huling araw namin sa pag shooting. Hindi ako mapakali habang patungo ako sa lugar kung saan gaganapin ang shooting.
Iniisip ko kung sasabihin ko ba to kay Jimin or hindi. Kaso sobrang laki ng tiwala niya kay Alodia at malayong maniwala siya sakin gayong hindi namin kami close at we're not in good terms.
Pagkadating ko sa set ay nandoon na si Jimin kasama na naman ang Alodia niya. Bakit ba ganitong eksena na lang palagi ang naaabutan ko? Yung masaya sila sa isa't isa, holding hands, nagyayakapan. O edi kayo na!
Tinanggal ko ang sunnies ko at dumaan sa harapan nila. “Let's go guys. Simulan na natin to para matapos na.” Sabi ni Direk Louie na halata mong masaya dahil sa wakas ay natapos na din ang paghihirap niya.
May binigay saming papel na nakalagay doon ang scripts at kung ano ano pa. Since eto na ang ending ng storya ang dalawang bida ay nagkaayos na ulit. Buti pa dito oh, nagkakaayos eh kami ni Jimin kahit ilang beses akong magpapansin ni tignan ako hindi niya magawa.
Nasa dulo na ko ng pagbabasa ay nabasa ko ang salitang, “Insert kissing scene” Holy hell. Is this real?!
“What the fuck? Why do we need this kind of scene direk? Hindi ba pwedeng yakapan lang?” Nagulat din si Jimin nong nabasa niya yon. Yes, this is our first time to have a kissing scene. Ang mga dating storya kasi namin ay puro kilig lang pero walang kissing scene dahil under age pa kami pareho.
“Wala ng reklamo. Makakadagdag kilig yan sa makakapanood. Simulan na!” Sabi ni direk at pumayag na lang kami.
Tulala padin ako habang nag re-ready kami para sa last shooting. Namumutla si Jimin dahil alam kong nag-aalala siya para sa girlfriend niya.
“It's okay baby. Trabaho lang naman yan.” Rinig kong sinabi ni Alodia kay Jimin at ngumiti naman agad si Jimin.
“Syempre okay lang kasi magkalandian kayo ng ex ko. Tss.” Bulong ko sa sarili ko at umirap ako.
“Huh?” Tanong ni Jimin sakin. Tinignan ko naman siya at ngumiti na lang ako.
“Okay! Ready na. Lights! Camera! Action!”
Tumingin sakin si Jimin at hinawakan at hinaplos niya ang pisngi ko.
“Damn. I miss my girl.” Sana totoong ako lang. Sana hindi lang hanggang dito. Pero alam kong impossible.
Agad akong ngumiti. “Sorry for hurting you Kelly. I'm really a jerk for hurting you big time. Hindi ko man lang inisip ang halaga mo. Ikaw lang yung nandiyan para intindihin ko but I chose to hurt you. I'm so sorry Kelly. I love you and I really do. Please give me one last chance baby.. Just one last chance..” Shit. Sana totoo na lang. Sana totoong mahal mo ko.
Lumandas ang luha sa mga mata ko. Unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin hanggang sa magkadikit ang ilong naming dalawa.
“I love you too.” Ngumiti naman siya at tinignan ko siya sa mata.
Damn! Bakit parang totoo lahat ng sinasabi niya? Tangina.
Natigilan siya saglit at ngumiti hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Jimin kissed me! Oh my god!
“CUT!” Bumitaw agad si Jimin sa halik namin at agad umalis sa set.
Anong nangyari dun?
Matapos ang last shooting ay kanya kanya na kaming uwi sa bahay. Nagpapasalamat ako na makakapag pahinga ako ng maayos.
After nung last shooting namin ay hindi na bumalik si Jimin. Hindi rin namin alam kung bakit bigla siyang nawala after nung shooting.
Tulala padin ako sa kwarto habang hinahawakan ko ang labi ko. Dalawang araw na ang nakalipas nung nag shooting kami at nung naganap yung first kissing scene namin. Pero bakit nararamdaman ko padin ang labi ni Jimin sakin?
I need to stop this fantasy. We are both living in reality and I know that it is too impossible for us to be together.
Umiling na lang ako at binalewala ang mga iniisip ko. Hindi rin naman mangyayari yun dahil masaya sila ni Alodia.
Nakahiga ako sa kama ko ng mag vibrate ang phone ko.
Tumatawag si Jimin?
Agad kong sinagot ang tawag niya. “Hello?” Sabi ko sa kabilang linya.
“Kelly, please come here.” Halatang nasa bar siya dahil naririnig ko ang trance music.
“You're drunk. Asan ka?” I don't know pero alam kong kailangan ako ni Jimin.
“Club 999. Please make it fast. I badly need you here.” Then he ended the call.
Nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo. It's 10 in the evening.
Matapos kong maligo ay nagbihis agad ako at kinuha ko ang susi ng kotse ko. Nakalimutan kong magpaalan. Itetext ko na lang siguro si mommy.
Nakarating ako sa bar na sinabi ni Jimin. Kilala ako ng bouncer dito kaya nakapasok agad ako.
Hinahanap ng mata ko si Jimin. Nakita ko siya sa may counter na nakayuko.
“Jimin?” Tawag ko sakanya at inangat niya ang ulo niya. Ngumiti naman siya sakin.
“Kelly...” Tawag niya sa pangalan ko at niyaya niya kong umupo.
“You're drunk. What happened?” Tinanong ko siya at agad nawala ang ngiti sa labi niya na parang may naalala siya na hindi maganda.
“Alodia and I broke up.. Fuck.” Nararamdaman ko kung gaano siya nasasaktan. He really loves Alodia so much.
Dapat ba kong maging masaya dahil sa wakas kahit konti may pag-asa kami? Pero bakit hindi ko magawa? Mas nangingibabaw ang awa at galit ko. Awa dahil nag break sila ni Alodia. Galit dahil may kutob na ko kung bakit.
Nanatili akong tahimik at hinayaan ko siyang mag kwento sakin.
“I saw her... kissing someone... Shit! Ang sakit. Putangina!” Sabi niya at binasag ang wine glass na nasa harap niya.
“Jimin.. Stop! Let's go. Umuwi na tayo.” Hinila ko siya sa kinauupuan niya. Tumawag ako ng bouncer para tulungan ako na isakay si Jimin sa kotse ko.
“Damn Alodia.. She fucking cheated on me. Fuck!” He kept on cussing habang nasa daan kami pauwi sa bahay nila.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila at nakita ko ang guard dun.
“Jimin.. Gising na. Nandito na tayo sa bahay mo.” Sabi ko habang tina tap ko yung pisngi niya. Nagising naman siya at tumingin sakin. Halatang lasing padin siya.
“Thank you for being here for me always Kelly.. Sana ikaw na lang...” Sabi niya at nilapit niya ang mukha niya sakin.
For the second time, I felt his lips on mine. He's kissing me.
Parang sasabog ang puso ko. Sobrang lakas ng epekto sakin ni Jimin. But, should I respond to his kisses? Damn.
Inilapit niya ang sarili niya sakin. Umiinit ang pakiramdam ko. Shit! Pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. He's kissing me like there's no tomorrow.
“I love you....” He said in the middle of our kiss. Damn, lumalakas lalo ang pintig ng puso ko.
“....... Alodia.”
BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin
Romance[bangtan series 1] ;; “I'll never stop chasing you not until you say you love me too.” (c) fabyeahwous xx 2015 ;; @lemonleafs for the cover