Chapter 3

171 10 7
                                    

Chapter 3

Ang gabing iyon ang nagpawarak sa buong pagkatao ko. Inakala kong ang i love you na 'yon ay para sakin yun pala para kay Alodia padin. Akala ko mahal na niya ko. Yun pala si Alodia padin ang iniisip niya habang naghahalikan kami. Sobrang tanga ko at di ko man lang naisip na hinding hindi mangyayari yun.

Kumbaga sa calculator syntax error. Alam kong sinasampal na sakin ng tadhana na hindi kami para sa isa't isa pero eto padin ako nagbabakasakaling mahalin niya din ako pabalik.

Isang linggo ang nakalipas mula nung nangyari sami ni Jimin. Ni hindi ako lumabas ng kwarto. Kahit ang imbitasyon na galing sa mga kaibigan ko ay hindi ko sinipot. Dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nanunuot padin sakin ang pangyayari nong gabing yon.

Pero ngayon kailangan kong lumabas dahil ngayon ang premiere night ng pelikulang ilang buwan naming pinagpuyatan. Hindi pwedeng hindi ako pumunta dahil kami ang bida.

Simpleng white fitted dress above the knee lang ang suot ko para sa gabing ito. Ayoko ng masyadong elegante dahil wala rin namang saysay.

Sinabihan ako ng manager namin na si Cha na magkita kita na lang dun sa may Starbucks. Dahil premiere night ngayon ay kailangan kong magpadala ng body guards. Kung ako lang rin naman ang masusunod mas gusto kong ako lang mag isa pero dahil nga artista na ko ay kakailanganin ko ito.

Pagkababa ko sa kotse ay ang siya din ang sigawan ng mga tao.

“Ate Kelly!! Ang ganda mo talaga bagay kayo ni Jimin!!”

“Ate Kelly!!! Pa autograph!!”

“Perfect match kayo ni kuya Jimin sana kayo na lang!!”

Yan ang mga madalas na naririnig ko sa mga tao. Kumaway at nginitian ko na lang sila. Kung alam nila kung gano ko pinapangarap na maging kami ni Jimin.

“Kelly!” Tawag sakin ni Cha. Halatang kanina pa siya nandito kasi pawis na pawis na siya at bakas sa mukha niya ang pagod.

“Mag retouch ka na dahil after 5 minutes lalakad na kayo sa red carpet.” Sabi sakin ni Cha habang may pinipindot sa cellphone niya.

Tinanguan ko na lang siya at sinunod ang sinabi niya. Naglagay ako ng konting foundation at konting lipstick.

“Ma'am Kelly labas na daw po kayo. Naghihintay si Sir Jimin.” Sabi nung isang staff na medyo may katandaan na.

Nang marinig ko ang pangalan ni Jimin ay parang nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan matapos nung nangyari samin.

Kelly, kaya mo yan. Act normal. Act like nothing happened.

Huminga ako ng malalim at lumabas na. Nakita ko si Jimin na naghihintay sa labas.

Iniiwasan ko na magkatinginan kami dahil baka hindi ko alam kung anong magawa ko. Ayokong bumigay.

“Kelly! Wait! Bakit ka ba nagmamadali? We're supposed to be together kasi premiere night natin ito so why are you acting like that?” Hawak ni Jimin sa braso ko. Shit! Umayos ka Kelly! Huminga ako ng malalim bago humarap sakanya.

Nginitian ko na lang siya ng pilit, “Let's go.” Ayokong magsalita. Ayokong umimik hangga't maaari. Kailangan kong manahimik dahil ayoko ng ungkatin pa yung nangyari dahil mas lalo lang akong nasasaktan.

Nakakapit ako sa braso niya habang naglalakad kami sa red carpet. Puro body guards ang nasa gilid namin para protektahan kami.

Rinig na rinig namin ang sigawan ng mga tao. Ang sigawan nila na nagpapalambot ng puso ko. Ang sigaw nilang sana kami na lang ni Jimin na alam kong hinding hindi mangyayari.

Ngumiti ako sa abot ng makakaya ko. Nagpasalamat din ako sakanila dahil sa suporta na binigay nila sakin. Ganon din si Jimin.

Matapos ang mahabang paglalakad namin ay nagkanya kanya na kami. Ako naman ay naisipan kong mag kape muna bago umalis.

“Here's your order ma'am. Enjoy!” Sabi nung waiter na nag serve sakin na binigyan ko ng tipid na ngiti. Malalim na ang gabi kaya walang masyadong tao. Mas pinili kong dito sa labas kesa sa loob.

Dumampi sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Agad kong niyakap ang sarili ko. Hanggang sa naramdaman ko ang makapal na tela na bumalot sa katawan ko.

“Jimin?” Tawag ko sakanya habang umupo siya sa bakanteng upuan sa harap ko. Tinanguan niya lang ako at tumingin siya sa kawalan.

Matinding katahimikan ang bumalot saming dalawa.

“Uh.. Anong ginagawa mo dito?” Sa wakas ay nagkaron din ako ng lakas ng loob magtanong dahil hindi ko kakayanin ang katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa.

“Sinasamahan kita. Diba halata?” Sarkastiko niyang tanong. Nagkibit balikat na lang ako at humigop ng huling beses sa kape ko bago tuluyang umalis dito.

“Where are you going?” Tanong niya sakin saktong pagkatayo ko. Bakit ba ang hilig niyang magtanong ngayon? As if naman may pakialam siya.

“Uuwi na 'ko. Bye.” Sabi ko at tuloy tuloy na lumakad hanggang sa nahawakan niya ang braso ko.

“Iniiwasan mo ba ko?” Tanong niya sakin. Iniiwasan ko nga ba siya? Pero bakit nga ba? Masyado ko kasing binigyang kahulugan yung halik. Tangina ang bobo mo Kelly!

Pinilit kong ngumiti kahit na nagbabadya nang tumulo ang luha ko, “No. Why would I?”

Natahimik ulit kami. Shit! Hindi ko na kaya. Tinalikuran ko na siya. Pinindot ko ang lock ng kotse ko at bago pa ko makapasok ay pinigilan ako ni Jimin.

Tangina! Hindi niya ba naiintindihan na nasasaktan ako? Na nagagalit ako? Ugh! This is fucking killing me.

“Ano bang problema mo?!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sinigawan ko na siya. Ang kaninang emosyon na pinigilan ko ay kusang kumawala.

Nagulat si Jimin sa inakto ko at hindi siya nakapagsalita.

“I'm sorry...” Sabi niya sa seryosong tono. He's sorry for what?

“Sorry for what?” Kalmante kong sagot.

“Sorry for kissing you... that night... I was drunk.. Sorry for calling you Alodia.. Fuck!” Nagsosorry siya dahil hinalikan niya ko? Tangina. Parang sinasaksak ang puso ko.

Suminghap ako at tinignan ko siya, “Tangina Jimin. Sorry? Bakit? Dahil hinalikan mo ko? Bakit nagsisisi ka? Sino bang nasa tabi mo nong iniwan ka ni Alodia? Ako diba?! Ako Jimin. Ako lang!” Hindi ko na napigilan dahil tumulo na ang luha sa mga mata ko. Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tanginang luha, traydor!

“Sorry...” Yan lang ang tanging lumalabas sa bibig niya. Umiling ako. Bigong bigo dahil akala ko ay magpapaliwanag siya pero hindi.

I'm done for tonight. I need a break. My love for him is breaking me into pieces. My love for him is unhealthy.

I managed to smile at him, “Sorry din. I need to go. I'm tired. Good night.” Sabi ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse. Hanggang sa bumuhos na ang luhang natitira sakin.

Masyado akong nasaktan. I need a break. Kailangan kong lumayo. Pero kahit na ganun hindi padin ako titigil. Like I said my love for him is unhealthy. Kahit alam kong hindi makakabuti ay susugal ako. Susugal ako dahil kahit ilang beses akong masaktan alam kong ito parin ang makakapagpasaya sakin.

Kung may award lang para sa katangahan at kamartyr-an sigurado akong ako na ang valedictorian.

-

Note; naks haba ng ud hahaha

Chasing Park JiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon