Note: Don't expect long updates. It means kung ano yung mabasa niyo, yun lang. Yun lang kaya ng utak ko. Haha!
Chapter 1
Pinasok ko ang mundo ng showbiz hindi para sumikat ako. I don't want to be popular nor an artist. Pero dahil kay Jimin pinasok ko ito. Pinasok ko ang mundo niya dahil gusto kong makilala siya ng mabuti. Kung bakit ba ito ang napili niya. I want to know everything about him. I want to know what he likes about a girl. Pero sa isang taon ko dito ni hindi niya ko pinapansin. Maybe once, twice pero palagi siyang cold.
Bago ako pumasok sa mundo niya ay magkakilala na kami. We're classmates since highschool. I like him since we're first year. Until now the feelings I have for him is still here. Walang pinagbago.
Naalala ko din noon kung paano nagtaka ang magulang ko sa naging desisyon ko. They know that I don't like this kind of thing. They also know that I don't want fame nor money kasi meron kami non. But, like other parents sinuportahan na lang nila ako sa gusto ko. Masaya ako dahil sila ang naging magulang ko.
“Good morning baby! Come on you join us here with your dad. Let's eat.” Bati sakin ni mommy pagkababa ko. Nginitian ako ni dad. I gave them both a peck on their cheeks bago ako umupo.
“Anong oras ka na pala nakauwi kagabi? Nagpasundo ka ba kay Manong Erning?” Tanong ni mommy sakin. Pagkarating ko kasi kagabi ay tulog na ang lahat ng tao.
“12 midnight na din po my. Madami kasing shootings eh. No, actually hinatid po ako ni Jimin dito.” Sagot ko habang tumutusok ng hotdogs at bacons.
“Do you want me to send you some bodyguards for your security?” Tanong ni dad sakin sa matigas na ingles.
My dad is a businessman so as my mom. Marami na siyang napatunayan sa business world. Minsan nga ay nawawala sila dito ni mommy ng isang buwan dahil sa business meetings sa iba't ibang bansa. Our family is known as one of the successors when it comes to business. Kaya ganon na lang kung magtaka sila kung bakit mas pinili ko ang showbiz world kesa ang business world.
Pangarap ko ding maging katulad ni dad at mom. Na maging successful sa business and such. But nagbago ito lahat ng dumating si Jimin sa buhay ko. I don't know pero gusto ko talagang malaman kung anong buhay meron siya.
“No dad. I'll just bring my car. I can take care of myself.” Sabi ko habang sumisimsim ng kape.
My dad just nodded habang pinagpapatuloy niya ang pagbabasa sa diyaryo.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na silang dalawa na mauuna na dahil may kailangan silang asikasuhin sa opisina.
“Take care mom and dad. I love you!” Niyakap ko sila parehas bago tuluyang umalis. Habang ako naman ay maliligo na para sa photoshoot na gaganapin.
Simpleng white deep v neck shirt at jeans ang suot ko ngayon. Sinamahan ko ito ng rayban at simpleng sandals. Konting make up at naghanda na ko para umalis.
Nagpunta ako sa basement para kunin ang kotse ko. Ang kulay itim kong mini cooper ang sinakyan ko. Pinagbuksan ako ng mga guards sa bahay namin.
Alas dose ng makarating ako sa Jimenez Photo Studio. Tinanggal ko ang rayban ko pagkapasok ko sa loob. Kilala na ko dito kaya di ko na kailangang sabihin ang pangalan ko. Alam nila kung anong purpose ng pagpunta ko dito yun ay dahil sa gaganaping photoshoot.
Pagkapasok ko sa loob ay naka ready na silang lahat. Late ba ko? Tumingin ako sa wrist watch ko at sakto naman ang pagdating ko.
Nakita ko sa kaliwang gawi ko si Jimin.... with Alodia. His non showbiz girlfriend. I admit that they look cute together as a couple pero di ko din mapigilang hindi mainggit. 2 years na silang dalawa at wala akong nakikitang senyales na maghihiwalay sila. Damn! Ang sakit pala.
Nginitian ko na lang ang staffs at ang aking manager at binalewala ang dalawa doon.
“Let's start! Come on guys.” Sabi nung baklang parang namamahala doon. Kung di ako nagkakamali siya si Chamoro.
Pumwesto na kami ni Jimin sa may puting tela na nagsisilbing background namin. Dahil february ngayon ang expected na theme ng magazine ay all about love. Speaking of love, kelan kaya mapapansin ni Jimin ang pagmamahal ko sakanya?
“Kayo na bahala sa mga posing niyo basta make it sweet, okay?” Dagdag pa no Chamoro samin. Tinanguan na lang namin siya.
Kilala kami ni Jimin bilang famous love team. Lahat ng pelikula namin ay mabenta lalo na sa mga kabataan. Kahit isang taon pa lang ako dito ay kilalang kilala na talaga ako. Kahit mas matagal si Jimin at may dati pa siyang nakakatrabaho at nakalove team bago ako ay nawala agad yun dahil napalitan ko agad. Akala ko nga ay mababash ako dahil may ka loveteam si Jimin dati bago ako at si Jessica yun. But I was wrong, minahal nila ko at sinuportahan.
Naramdaman ko agad ang braso ni jimin sa bewang ko. Naestatwa ako sa ginawa niya. He is the only one who can make me feel like this way. Agad naman akong naka recover at medyo tinagilid ko ang mukha ko para makita siya. Nakasandal ang mukha niya sa balikat ko kaya nung hinarap ko ang mukha ko sakanya ay medyo malapit na ang labi namin sa isa't isa.
Nagkagulatan kami pareho pero di na lang kami gumalaw sa posisyon namin.
“Nice pose guys. Game. 1...2...3...” Narinig ko na ang flash ng camera. Bumitiw agad si Jimin sakin. Ay oo nya pala, nanonood ang girlfriend niya.
Tinignan ko kung anong itsura ngayon ni Alodia and damn she's still smiling. Hindi ba siya nagseselos? Ugh, ang stupid mo Kelly! Syempre may tiwala siya kay Jimin kaya ganon. Pero kung ako yung nasa posisyon niya I must be damn jealous right now.
Mga ilang pose pa ang ginawa namin bago natapos. Halo gabi na din nung natapos kami.
“Job well done guys. Shooting na lang ang priority natin ngayon.” Sabi samin ni Cha. Habang si Jimin naman ay tumatango at nakikipaglandian sa girlfriend niya.
Bakit ang bitter ko? Ugh.
Sa sumunod na mga araw ay mas lalo akong naging abala sa mga shootings. Madalang na din akong nakakasama sa mga kaibigan ko tuwing may lakad kami. Dahil madalas ay madaling araw na ko nakakauwi at pagod na pagod ako. Past time ko lang ang pag-aartista pero hindi ko alam na sobrang hirap pala. Lalo na kung di mo nakakasundo ang katrabaho mo.
Bukod sa pag-aartista ay nakafocus talaga ako sa business. Dahil 'yon talaga ang gusto ko at do'n ako komportable. Not that I'm saying na hindi ako komportable sa pagiging artista pero mas forte ko ang business. Marami na din akong incoming business meetings. Kaya kailangan matapos agad ang shooting namin.
Medyo natapos ng maaga ang shooting namin ngayon. Dahil medyo patapos na nga storya na isinulat. Nagpaalam na ko sakanila at tinanguan na lang nila ko. Naunang umalisn si Jimin dahil alam naman namin kung sino ang pinupuntahan niya after ng shooting.
Naisipan kong mag lunch sa paborito kong restaurant. Tutal gutom na din ako. Pumasok ako sa resto at sinalubong agad ako ng waiters. Kilala nila ko dahil nga artista ako. Pero binabati ko din naman sila kung kinakailangan. I'm not the other artist na masungit at mataray na akala mo kung sino.
Nilibot ko ang mata ko para makahanap ng upuan pero nakita ko si Alodia kasama si Steve na seryosong naguusap at naghahawakan ng kamay.
Bakit magkasama ang ex ko at si Alodia? Anong meron sakanila? Shit. Pinagtataksilan ba nila si Jimin?
This is not so good. Umiling na lang ako dumiretso na sa upuan.
Am I going to tell this to Jimin?

BINABASA MO ANG
Chasing Park Jimin
Romance[bangtan series 1] ;; “I'll never stop chasing you not until you say you love me too.” (c) fabyeahwous xx 2015 ;; @lemonleafs for the cover