CHAPTER 2

2K 45 2
                                    


Chapter 2

"V-Vlad."

Nagulat ako ng bigla niyang hinila ang aking kamay dahilan para ma bangga ako sa kanyang matigas na dibdib.

Umigting ang kanyang panga at matalim na tumitig sa akin.

"Who the hell gave you the permission to call me Vlad." Matigas na anang nito na nagpakunot ng aking noo.

Hindi ko siya maintindihan, siya ang nagpakilala sa pangalang iyon ngunit bakit ito nagagalit sa akin.

Nakita kong mariin nitong pinikit ang kanyang mata matapos tingnan ang kanyang damit.

"Damn! Women look what you fvcking did to my shirts." Matigas na anang nito.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kamay nito sa aking pulsunan, halos bumaon na ang kanyang kuko dito.

"Dre, tama na yan." Anang ng isang lalake at hinawakan ang kamay ni Vlad na nakahawak sakin.

Lumingon naman si Vlad dito. "Ano! Hindi ko papalampasin ang ginawa ng babaeng ito." Anito.

Hindi ko magawang makapag salita, umurong ang aking dila dahil sa kakaiba nitong aura.

"Calyx that's enough, kanina pa tayo tinatawag ni couch." Anang ng lalake na nasa likuran.

Calyx?

"Nakikita mo ba etong ginawa niya sa damit ko, ha! Sean!." Galit na Sabi ni Vlad.

"Let her go Calyx, sa tingin ko Hindi niya naman iyon sinasadya, at isa pa may practice tayo." Anang muli ng lalakeng nag ngangalang Sean, nakita kong nakipagtitigan silang dalawa sa isat isa.

"Fine!" Mahinang anang ni Vlad.

Napalunok ako ng matalim na bumaling sa akin si Vlad, ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang pagluwang ng kanyang kamay sa aking pulsunan.

Umigting ang panga nito. "Were not yet done." Pagkatapos niyang sabihin ang salitang iyon ay Walang emosyon itong umalis at binunggo ang aking balikat.

Nakita kong lumingon pa sa akin ang mga kaibigan nito bago sumunod sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sila sa aking harapan.

Naramdaman ko agad ang paglapit ni bokyong. "Brie ok kalang."

I sighed. "A-ayos lang ako."

Wala sa sariling napalingon ako sa kinaroroonan ni Vlad.

Ikaw na ba yan? Bakit parang naging iba kana? Hindi mo na ba ako nakikilala? O baka naman tuluyan mo na akong nakalimutan.

Anang ko sa aking isip habang nakatingin sa papalayong si Vlad.

"Brie! namumula ang pulsunan mo." Napalingon ako kay bokyong ng hawakan nito ang aking kamay.

Napatingin naman ako sa aking pulsunan, namumula nga. Ngunit bakit hindi ko nararamdaman ang sakit na dulot nito, dahil ba ito sa kaiisip ko kay Vlad.

"Ayos lang ako, hindi naman masakit e."

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni bokyong kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ayos ka lang ba talaga brie, I'm sorry kung wala akong nagawa kanina." Malungkot na anang nito.

"Ano kaba! Hindi naman ako nasaktan e, ayos lang talaga ako."
Natatawa kong sabi sa kanya.

Napalingon ako sa paligid ng makitang lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin-----no, sa akin sila nakatingin.

Napakagat ako ng labi at inalis ang aking mata sa kanila, napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit.

MONASTERIO SERIES #1 (Stay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon