Chapter 3
"Yes that's right."
"The word Calculus comes from the Latin meaning Small Stone."
"Small stone, because it is like something by looking for small pieces."
KANINA pa ako tulala at wala sa sariling nakatitig sa harapan kung saan nagtuturo ang aming guro, lumilipad ang aking isipan dahilan para wala akong kahit na anong naintindihan sa kanyang mga tinuro. Mula pa kaninang umaga ay lumulutang na ang aking isip, ikatatlong subject ko na ito ngunit wala akong kahit na anong natutunan.
"Brie, kalimutan mo na yun, mag focus ka nalang sa lesson natin." Pabulong na Sabi ni bokyong na naka upo sa aking tabi.
Nilingon ko ito at ngumiti na lamang ng pilit. Napabuntong hininga ako at napatingin na lamang sa labas ng bintana.
PAULIT ULIT AKONG napalunok habang naka titig sa itim na Rosa's na may nakaukit na letra, bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Abigail.
You'll die?
Hindi ko alam pero sino naman kaya ang nagbigay sa akin nito, unang araw ko palang sa unibersidad na ito ay nagkaroon na agad ako ng problema.
Nagulat ako ng bigla na lamang kinuha ni bokyong sa aking kamay ang rosas. "Brie wag mo nang isipin ito, bulaklak lang naman to e. At isa pa Malay mo naman may nang ti-trip lang."
Umalis siya sa aking harapan at pumunta sa may trashcan. nakita kong itinapon niya doon ang bulaklak at nakangiting lumingon sa akin.
"O diba, problem solve." Anang nito bago lumapit muli sa akin.
"Hindi yun ganun kadali." Anang ni Abigail na kinalingon namin ni bokyong.
Lumapit ito sa may silya at pabagsak na umupo bago lumingon sa akin. " Brianna listen." Bigla akong napahinto ng marinig ang seryoso nitong boses.
"Nagkaroon kaba ng atraso sa isang tao o kaya grupo." Anang nito habang titig na titig sa aking mata.Napa-isip naman ako sa kanyang sinabi. Alam kong wala akong kahit na sinong nakaaway, pinalaki ako ng mga magulang ko na may takot sa diyos at walang karapatang manakit ng kapwa.
I sighed. "No wala akong kahit na sinong nakaaway-------" Napahinto ako ng maisip ang nangyari kanina.
No it can't be him
Vlad.
Nakita kong nasinghap si bokyong at gulat na tumingin sa akin at kay abi. "M-may nakaaway kame k-kanina." Ani nito at umupo sa tabi ni abi.
Gulat namang lumingon sa akin si abi. "Kung ganun sila nga yun." Anito.
Kumunot ang aking noo. "Anong ibig mong sabihing sila."
"T-that black rose you received a while ago is an extreme rare flower, and I know exactly where it came from. Ang bulaklak na iyon ay galing sa Mariposa garden, isa lamang ang taong nagmamay-ari ng bulaklak na iyon."
Napakagat ako ng labi sa kanyang sinabi, nakita ko namang seryosong nakikinig sa tabi si bokyong.
Napalunok ako. "S-sino."
"Si calyx."
Biglang kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang Calyx, napaka pamilyar nito, para bang narinig kona ito sa kung saan.
"C-calyx....who?" Aniko.
"Calyx is the only son of the famous billionaire all over the Asia, siya rin ang kaisa isang apo ng nagmamayri ng unibersidad na ito he's full name is--------------
BINABASA MO ANG
MONASTERIO SERIES #1 (Stay)
Ficción GeneralWARNING: SPG || 18+ || Mature Content I get jealous,I get mad,I get worried That's only because I love you and I'm afraid I might lose you. -Frost Monasterio