Chapter 4NANGINGINIG ang aking mga tuhod habang unti unting ini hahakbang ang aking mga paa papasok sa silid aklatan. Napakatahimik sa loob, walang ibang ingay na maririnig maliban sa tunog ng aking sapatos. Gusto kong umatras at umuwi nalamang ngunit kailangan kong mabawi ang aking cellphone, at isa pa meron akong ibang dahilan kaya ako nagtungo sa lugar na ito.
"So you're here."
Nahugot ko ang aking hininga ng marinig ang maskuladong boses malapit sa aking teynga, bigla nalang akong nanghina ng maramdaman ang hininga nito sa aking batok.
Hindi ako maaaring magkamali kilala ko ang boses na iyon.
"A-alam k-kong nasayo ang
p-hone ko." Napalunok ako. "Kaya p-please ibigay m-mo na ito s-sakin para naman makauwi na a-ako." Dang! Why am I stammering.Naramdaman kong umalis ito sa aking likuran at naglakad papunta sa harapan.
Napakagat ako ng labi ng makita itong nakaupo sa taas ng mesa at matiim na nakatitig sa akin.
Nakita kong may kinuha ito sa kanyang bulsa. "I wonder how really important this thing to you, para lang pumunta ka dito." Malamig na Sabi nito habang tinitingnan ang aking cellphone na nasa kanyang kaliwang kamay.
Nakagat ko ang aking labi habang nakatingin sa kanya. "Pumunta lang ako dito dahil na sayo ang phone ko, mahalaga sakin iyan kaya pakiusap ibigay mo na." Anang ko sa kanya.
Napalingon ito sa akin kaya medyo napaatras ako.
He smirk. "Oh yeah?-------Kung mahalaga nga ito sayo bakit pinabayaan mo." Anito na nagpakunot ng aking noo.
Nilakasan ko ang aking loob at tumitig sa mga mata nito. "Alam mo, w-wala akong panahon para m-makipag lokohan sayo kaya please ibigay mona sa akin yan."
"Why should I."
Nakangisi lamang ito habang iniikot ikot ang aking cellphone sa kanyang kamay.
"Vlad! Pwede ba wag kanang makipag laro sa akin at ibigay mo nala-------------------"
Gulat na napasinghap ako ng malakas niya akong isinandal sa bookshelf, sa sobrang lakas nito ay nahulog ang ilang mga libro. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking likod dahil sa pagkakatama nito sa estante ng libro.
Sa sobrang gulat ko ay nanginginig akong napakapit sa kanyang braso.
"For the second time women, who the hell gave you the goddamn permission to call me VLAD."
Madiin ang bawat bigkas nito sa kanyang mga salita na nag pabigat ng aking damdamin, nanginginig na lumingon ako dito.
"I-ilang b-beses ko bang s-sasabihin sayo na i-ikaw mismo ang nagpakilala sa pangalang iyon." Sambit ko dito habang hindi alintana ang mga mata nitong nakakamatay.
Bigla na lamang tumaas ang sulok ng labi nito. "Seriously? Damn! women, kahit kanino ay hindi ako magpapakilala gamit ang pangalang iyon." Anang nito.
Na estatwa ako ng Inilapit nito ang kanyang mukha sa akin. sa sobrang lapit ay nararamdaman kona ang kanyang hininga sa aking ilong.
Matiim itong tumitig sa akin. "Who the hell do you think you are! you're just one of the bitches out there whose trying to get my attention."
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya, naramdaman ko nalang bigla na pinipiga ang aking puso dahil sa kanyang mga salita.
Bigla itong ngumisi. "Tsk! I knew it. You know what! Hindi mo na kailangang gawin iyon dahil napansin na kita." Anang nito at humiwalay sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita, tila ba natulos ako sa aking kinatatayuan.

BINABASA MO ANG
MONASTERIO SERIES #1 (Stay)
General FictionWARNING: SPG || 18+ || Mature Content I get jealous,I get mad,I get worried That's only because I love you and I'm afraid I might lose you. -Frost Monasterio