Chapter 7

1 0 0
                                    

Mula nung sinamahan ako ni Kairus ay naging close na kami sa isa't isa. I followed his advice ns kausapin si daddy and he's right. I was able to put everything on the right place. Hiniwalayan ni daddy ang maarteng babaeng iyon at sinabi niya sa akin na namimiss niya lang si mommy kaya naghanap siya nang iba. Sa tagal tagal nang panahon, ngayon ko lang nalaman na hindi pala si daddy ang unang mahal ni mommy. Na kaya siya lumalayo at laging nagtatrabaho kasi ayaw niyang masaktan si mommy. Dahil kasi sa kanya kaya di sila nagkatuluyan nang totoong mahal ni mommy kaya bumabawi siya sa kanya.
At iyong mga araw na umiiyak si mommy ay dahil nalamn niyang ang first love niya ang nagpakasal na sa iba.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero at least malinaw na sa akin ang lahat. Umuuwi na si daddy sa bahay para daw may kasama naman ako at iyon din naman ang gusto ko kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Kairus.

"Hoy! Madeline ano tong naririnig ko na may kaibigan ka daw na gwapo?"

"Tsk, chismosa ka pala Margareth"

"Malay ko ba, baka siya na ang iyong love of your life"

"Sabi nang hindi eh"

"Sus, mag move on kana kasi kay love note guy"

Nasabi ko na pala kay Margareth ang tungkol kay Dmitri. Tama siya, baka infatuated lang ako kaya ganun. Hindi ko na rin masyadong nakikita si Dmitri pero pag nakita ko naman siya kumikirot pa rin nang konti ang puso ko. Paano ba naman nag expect pa rin naman ako kahit papaano. Kaya nga ang pinagtataka ko, bakit nanglilibre pa rin siya nang cookies and cream shake with the love note kahit na sinabi ko na sa kanyang hindi ako iyong babaeng pinagbibigyan niya nito. Nakakahiya naman tanggihan kaya tinatanggap ko na lang.

"By the way, as promise ipapakilala ko na sa iyo ang hubby ko na nakasungkit sa aking puso"

Kadiri may pahawak hawak pa sa dibdib ang isang ito. Ganyan ba talaga pag in love? Nagkakaroon nang tuliling

"Matagal pa ba?I have something to do"

"Oo nag text na siya malapit na daw nagpapark lang"

Andito nga pala kami sa coffee shop at gaya nung nakaraan may libreng shake na naman ako. Nasabi pa ni Margareth unfair kasi daw bakit may favoritism hindi ko na lang pinansin.

I sip my favorite shake to busy myself

"Hi wifey" "Hi hubby"
Someone kissed Margareth's cheeck

"Oh, baby she's Madeline iyong sinasabi ko sayong friend ko"

"Nice....wait Madeline?"

Bakit siya? With wide eyes, nakatingin ako sa pamilyar na bughaw na mga mata.

"Dmitri?"

Bakit sa lahat nang pwedeng maging boyfriend ni Margareth siya pa?

"I..I'll just go to the comfort room"

Nagmadali akong pumasok sa comfort at ini lock ko agad. I bit my thumb to control my emotion pero wala, bumuhos na agad ang mga luha ko.

I am looking at my reflection on the mirror at habang tumatagal lalo akong naawa sa sarili ko. Bakit ang malas malas ko?

Hindi ko maintindihan..bakit naninikip na naman ang dibdib ko? Di ba tinanggap ko na naman na hindi talaga para sa akin ang mga iyon? Pero bakit ganito? Bakit nasasaktan pa rin ako?

Ilang minuto din akong umiiyak sa banyo pero dapat na akong lumabas.

To remove the remnants of my tears, i wash my face and before going out I breathe heavily.

"Oy tagal mo naman sa banyo friend, ano nalabas mo na ba? Hehehe"

Dmitri was sitting beside Margareth. He also smile and look at me. Ang kapal talaga nang mukha niya pero kasalanan ko naman eh. Hindi naman niya ako kilala kaya okay lang.

Love noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon