Chapter 4

1 0 0
                                    

Di ko alam kung anong nangyari basta bigla na lang nawala ang ngiti ni Kairus at tumalim ang mga mata.

Bigla na lang siyang tumayo at umalis. Hala anong nagawa ko?

"Madeline!"
Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Never akong nagpapahawak nang kung sino pwera na lang nung sinamahan ako ni Margareth.

I remove his hands and realized that it was Dmitri. He sitted in front of me, iyong pwesto ni Kairus kani, showing his perfectly white teeth.

"Kilala mo si Kairus?"

"Hindi"

"Kung ganun bakit nakaupo ka dito?"
Anong pinagsasabi nito?

"Maarte kasi ang isang iyong nakakapanibago lang na may babaeng pinaunlakan niyang maupo sa harap niya"

Syempre naman alangang ipagdamot niya ang upuan sa library.

Napansin ni Dmitri na mukhang naiistorbo na niya ako kaya ayon umalis din siya.

Pagkauwi ko sa bahay agad akong tumawag kay Margareth para mangumusta. Sa tinagal tagal naging mag kaibigan na kami ni Margareth. Siguro napagtanto kung di naman masamang magkaroon nang kaibigan.

Natapos ang pag uusap namin tungkol sa lalaking buntot daw nang buntot sa kanya na di niya maintindahan. Binibigyan pa siya nang coffee with love notes. Bigla ko tuloy naalala si Ikarus.

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil nga maaga iyong exam namin ngayon. I am wearing a white long sleeve match with a black jeans

Naglalakad ako papuntang classroom nang nakita ko si Kairus nakahalukipkip at nakasandal sa wall nang hallway habang nakaheadset.

Bakit kinakabahan ako?

My plan was to passed him kaya lang bigla namang nahulog ang id ko. Nasira yata iyong holder at sa kasamaang palad sa harapan pa ni Kairus.

Kukunin ko na sana kaya lang naunahan niya ako.

"Here"
Inabot niya sa akin ang id. Nakababa na ang headset niya.

"Thanks"
Kukunin ko na sana ang id ko nang iniwas niya iyon para di ko mahawakan.

Sira ulo to ah. Sinenyasan niya akong lumapit. Anong trip nito?
Hindi ko siya sinunod kaya siya mismo ang lumapit.

Naranasan niyo na bang makaamoy nang pabango na nanunuot ang amoy sa buong katawan mo? Anong pabango nito para naman mabili ko.

Dahil matangkad nga siya at hanggang leeg niya yata ako. Yumuko siya nang konti. Hinawakan niya bigla ang balikat ko gamit ang kaliwang kamay at  
Umaktong hahawakan nang kanang kamay ang mukha ko.

Napaatras tuloy ako.

"What are you doing?"
Nilapit niya ulit ako gamit ang kamay na nakahawak sa balikat ko. Bakit nanginginig ang tuhod ko?

"Don't move" may something talaga sa boses niya na ang sarap pakinggan.

Akala ko pipitikin niya ang noo ko kaya napapikit ako.

I heard his chuckle. Ang sexy niya namang tumawa. Napadilat tuloy ako.

"I am removing this"
Napahawak ako sa mukha. Gaga Maddy may buhok sa mata palang nahulog at nadikit sa pisngi ko.
Nakakahiya may papikit pikit ka pa.

Nagulat ako nang nas yumuko pa siya para ayusin yung id ko.

"Buy a new sling, that's just a temporary holder baka mahulog na naman yan sa susunod.

He left me after that.

Nakakahiya naman.

Mabuti na lang natapos ko kaagad lahat nang exam ngayon. At dahil last day of examination, I need to celebrate.

Love noteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon