Chapter 1

5.6K 398 25
                                    

WLIJAW#CHAPTER 1

Masyadong madaming magagaling sa mundo.

Masyadong maraming competetive.

Masyadong madaming deserving.

I think I am one of them, I work a lot, I try my best to excel, to be good, hoping to be on top but as if, everything I do is not enough.

There will always be that someone who excels more than you did.

Lagi nalang.

Nakaka-frustrate,

Nakaka/bitter

In my case, they are my sisters. Hindi lang iisa.

Tatlo sila.

But there is one of them who doesn't do anything.

Nothing at all...

yet she is loved by all.

What does she have that I don't when literally we are alike?

Why does Giada Amelie seem to have all despite the facts that she did nothing but trouble?

Hindi naman ako galit kay Gam, kapatid ko siya eh. Hindi naman niya ginagawa on purpose ang mga kabalbalan niya, because as one of her sisters kilala ko naman siya. Na ganun siya.

Pero hindi ko maiwasan mag hinanakit.

She has all the attention. Kung magiging pasaway ba ako, babaling sa akin ang mga attention nila? 

Would it be worth it becoming like her? Tutal magkamukha naman kami.

Would it make me finally bitter-less?

"Viv? What are you doing here?" Ask the man that I like so much. Siya na walang bukang-bibig kung hindi si Gam lang. Nabali ko tuloy ang lapis na pinaglalaruan ko sa desk niya.

"Where is Gam?" he added. I'd like to roll my eyes. He is too obvious.

"Why are you looking for her  ako naman ang nandito?" I spat sabay tayo.

Tumawa lang siya. He laughs so easily, na para bang wala itong problema. Kung sabagay ako lang naman yata ang may problema.

"You speak better Filipino than her" mamya ay komento niya.

"Siya lang naman ang baluktot ang dila sa amin" I readily answered which made him laugh harder.

"Kinda cute actually" he said and looked at his wristwatch.

"So?" He asked after. 

Tinataboy na ako.

 Kung ako ba si Gam ay ganito din siya?

"I'd like to be a bunny" diretsahang sagot ko.

Light Miller is the owner of a Caliente Bunnies Magazine, yung parang Play-boy magazine sa Pilipinas.

Nang marinig niya ang sinabi ko ay tinignan niya ako mulo ulo hanggang papa. Ang sama!

"Are you serious?" Diskumpiyadong sabi niya.

"Hoy!" Inis na turan ko sa kanya nang tumawa na siya ng tumawa. Nakakababa ng morale.

Hindi ko maiwasang masaktan, mapikon, mainis, halo-halo na. I don't know if he saw it in my face kasi tumigil na siya sa pagtawa pagkatapos.

"Damn, you really are serious!" Sabi na nito pagkatapos na inirapan ko lang naman bilang pagsagot.

Hinila niya ako at inakbayan. Naamoy ko tuloy ang pabango niya. Lagi nalang syang mabango. Never pa siyang mabaho sa pang-amoy ko. Pinapaligo yata nito ang pabango eh.

Kikiligin na sana ako kung hindi lang niya ako dinala sa may pintuan ng office niya.

Pinapalayas na ako!

"Genevieve Amelie, you know," he paused bago bumuntong hininga.

"Don't I look ok?" I asked. 

"Oh, no no , not that silly" agad na sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Gam was a bunny and you two look a like, hindi na pwede" 

Hindi ako umimik.

"It's not because you don't look ok, magkamukha kayo ni Gam remember?" konsola niya pero hindi niya alam na mas lalo akong nainis.

"Teka nga, why do you like to become my bunny anyway?" He asked, of course that caught me offguard. Hindi tuloy ako makasagot agad.

"Do your brothers know?" sunod na tanong niya. Hay nako naman.

"Viv?" Untag niya sa akin.

Inirapan ko nalang siya kaya tumawa na naman siya ulit.

"See you around" Sabi nito at saka ako tinulak ng bahagya palabas ng pintuan.

"Magkulugo ka sana yung malaki!" Inis na irap ko pa ulit sa kanya bago ako padabog na umalis.

"Magka-kulugo yon" he corrected habang tumatawa bago isinara ang pintuan.

Now what? Inayawan na naman ako.

I looked at my phone when it signaled a message.

Si Gam.

I rolled my eyes. Pero syempre babasahin ko naman ang message niya. 

She said she's off to Boracay, at ako nalang daw ang magsabi sa pamilya,ano na naman ang trip niya? Pwede naman siya sa group chat?

 But, whatever! Ang importante nagpapaalam na siya. Pati ako nakukunsumi sa kanya kung bigla nalang siya nawawala. Napagkamalan pa akong siya nung pinapantasya niya noong isang gabi sa bar eh nainom lang naman ako. 

How Ironic. Miller likes her, She likes someone else, and I like Miller, hindi ba pwedeng tantanan nalang siya ni Miller at ako nalang ang i-like?

When I was in my car ay bumuntong hininga nalang ako. It is too early to feel stupid. Pero stupid naman talaga ako. Pero keri na, I saw Miller today, that's a start.


WHEN LOVE IS JUST A WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon