Chapter 6

2.5K 335 9
                                    

WLIJAW#CHAPTER 6

Chapter 6



I was looking at the doctor infront of me. Nakatingin din siya sa akin.

"What?" kunot noo niya sa akin.

"Bakit ako ang binili mo sa auction?"

"Why not?" he chuckled.

"Hindi ka din matinong kausap ano?" I pointed my fork at him, matapos niya akong yayain na magkita kami sa coffee shop ng hospital eh i-aanalize lang pala niya ang mukha ko.

Mas lalo lang siyang humalakhak sa sinabi ko. Lalakeng-lalake ang itsura nito sa doctor's suit niya, his eyes however tell you that he is Chinese. Ok, Pinoy eyes are chinky too pero may difference pa din pag Chinese ka talaga.

And he is too Chinese. Muli kong binasa ang nameplate niya na naka-pin sa doctor's suit niya.

Dr. Jaylord Consunji,

Urogynecologist

Napatango tango ako. He isn't bad. Mukha naman siyang edukadong mayaman na doctor. Then he is also a Consunji so given na talaga na mayaman siya.

Napatawa naman siya sa pagtango-tango ko. Parang alam na kinikilatis ko siya.

"Stop laughing, hindi mo naman siguro ako type diba?" I even narrowed my eyes at him.

He grinned at me. "Who knows"

"Kalokohan" sabi ko sabay subo sa huling tinidor ng cake.

"Or madami ka lang pera talaga?"

"It was for the charity, baka dahil doon kaya kita binili sa auction" nagpangalumbaba niyang sabi sabay tingin na naman sa akin.

I just raised him a brow.

"Nakakamangha—," he said before his name was called on air.

"—Paging Dr Consunji, please proceed to the ER"

"I have to leave you now interesting being" sabi niya sabay tayo.

"Ano ako specimen sa microscope?" Taray ko sa kanya.

"I will call you again" he smiled at saka ako iniwan.

Hinabol ko tuloy siya. "I am busy hoy hoy, hindi lang ikaw ang busy sa buhay. Let's consummate that one week—,"

"—Consummate I like that" he said sabay hinto pa. Iba ang naglalaro sa mga mata niya.

I rolled him my eyes at sinundan siya muli nang maglakad pa siya ulit palayo. "Ibang consummate I mean, pero ganon na din iyon, minus the fucking state"

Nagtatawa siyang naglakad sa sinabi ko hanggang sa makapasok kami sa lift. Wala naman akong balak sumunod sa kung saan siya pupunta pero parang napaka interesting ng buhay ng doctor na ito.

When we arrived at the ER floor na nakapagtatakang nasa second floor ay huminto siya saka niya ako hinarap.

"Thanks for dropping me by but you are not allowed here Miss Gomez"

"Oh" nagulat kong sabi, bakit ko ba siya sinundan kasi.

"—Doc" a nurse came hurrying him to get in.

"I'll call you" he said sabay kindat pa bago tumalikod. Napakamot ako sa leeg ko, hindi ko alam kung sa yamot o dahil hindi ako sanay na may kumikindat sa akin nang walang dahilan.

Nagkibit balikat nalang ako at umalis din, alangan naman na tumambay ako sa hospital?

I went directly to the Gomez towers. Pinapapunta kasi ako ni Mandy doon sa kadahilanang hindi ko din alam.

"Hi" sambit ko nang madatnan ko siyang sub-sob sa paper works niya.

She smiled at saka tumayo para bigyan ako ng halik sa pisngi.

"Why did you call for me?" I asked nang bumalik siya sa mesa niya only to close her lappy got her keys and bag and said "Let's go"

"To where?" Kunot noo kong sabi.

"Sa Quiapo" sabi niya sabay hila sa akin palabas.

"To where, excuse me?" Ulit ko.

Humalakhak siya. "May kilala akong may powers doon, alam mo yung gumagawa ng potions, medallions, anting-anting and the like?"

"You believe in those kind of stuff?" I asked.

"Oh believe me I believe in everything" She giggled at kinatok ang office ni Kuya Yuri without even glancing at his secretary. Diretso bukas siya pagkakatok not minding who will possibly be inside with Kuya.

She really is the queen of the Gomez Family. Naisip ko paano pala kung may kausap na importanteng tao si Kuya?

But then, Mandy is Mandy.

"Boyfie" malambing niyang sabi and like what I've said ay may kausap nga si Kuya Yuri.

"Yes babe?" He said at tinignan din ako na lumitaw mula sa likuran ni Mandy.

"Gen?" he said.

We both kissed him at ginaya ko nalang din si Mandy na inignora ang kausap ni Kuya.

Sometimes Mandy is a friend to all and sometimes she is also snob.

"Mandy why aren't you greeting me at all?" the man who Kuya was talking to earlier spoke.

"Kasi Eric hindi kita trip ngayong araw" Mandy said but then she went to kiss the guy's cheek after lalo na nang tinawanan siya nung lalake.

"Hmmn, magpa-check up ka kaya, baka buntis ka na naman" halakhak nung lalake at saka ako tinignan. I saw him somewhere already.

"Ay tigilan mo ako Mr, Riviera wala ako sa mood" Mandy said sabay palo ng bag niya sa lalake.

"Saan punta niyo?" Kuya said kaya naputol ang pagpalo-palo ni Mandy sa tumatawang lalake.

"Kay Mistika" Mandy said.

"How many times do I have to tell you to stop going there already" Kuya said.

"Nako, tigilan mo ako at dahil sa gayuma kaya ka patay na patay kay Dayz" Mandy blurted out kaya napatawa ako ng wala sa oras.

"What the hell Amanda Marie" Kuya said.

"Joke," Mandy said pero iba ang ngisi niya.

"At ikaw, kaya di napunta si Dayz sa iyo ay dahil din sa gayuma" baling niya sa lalakeng, Eric ang pangalan.

"What the hell Amanda Marie?" Gaya-Gaya na sinabi ni Eric sa sinambit ni Kuya kanina lang.

"Joke ulit" Amanda said laughing deliciously.

Parehong natahimik ang dalawang lalake sa harapan namin.

Ako naman ay nagtataka. There seems to be an untold story.

"Anyway all I was saying is walang makakapigil sa akin na puntahan si Mistika kuya, babush na, aalis ako buong araw at kasama si Gen"

"You are crazy" I said nang makapasok kami sa kotse ni Mandy. Saka lang ako nakapagsalita kasi iniwan namin yung dalawa sa malamig na ere. They seemed to have lost focus after that gayumi confession.

"Oh believe me, if Kuya Yuri is the manipulator in the family, I am the magician" Halakhak ni Mandy.

Ang weird ng babae na ito and she is my half sister!

WHEN LOVE IS JUST A WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon