CHAPTER 2

2.6K 346 19
                                    

WLIJAW#CHAPTER 2


Bago ko pinasibad ang kotse ay tinignan ko muna ang HeavensHQ. Ang building na pagmamay ari ni Light.

Katatapos lang ng year end party at ginusto ko talagang pumunta sa office niya para kumustahin sana siya dahil sa pagkakatalo niya sa bidding.

Buti nga sa kanya! Nang dahil sa kanya ay napainom ako kagabi dahil sa sama ng loob. Ngayon ay masakit pa ang ulo ko dahil doon.

Nakakainis lang that he was ready to spend millions for my sister, ganoon niya ito ka gusto. Ganoon ka swerte si Gam.

I was also sure he was at work kasi doon naman na kasi siya nakatira talaga. Walang baka-bakasyon sa kaniya.

I sighed and finally went ahead. Desidido akong umuwi at mag empake. Kasi may one week akong obligasyon sa nanalo sa bidding. Ni hindi ko nga kilala iyon, pero binili parin ako. Ano naman kaya ang trip non?

"Hello" Mandy answered. Since siya ang may pakana ng bidding ay siya na ang tinawagan ko habang nagmamaneho.

"Gen? Ang gaga-aga!" She whined. I smiled. Si Mandy lang talaga ang ayaw paistorbo sa umaga pero never iyan na na-late. She hates tardiness.

"Good morning" bati ko.

"What is this call all about?"

"Chill, ano nga ulit ang pangalan nung nanalo sa bidding?" I was too wasted lastnight wala na akong naintindihan.

She chuckled, "It's Dr. Jaylord Consunji"

"A doctor? How boring" I scoffed at tinawanan pa ako lalo.

"I'll forward you the details later, tinatamad pa ako sissy"

"Fine, mwahhh" I said sabay baba ng cellphone ko. Nag-park ako sa isang tingin ko ay tindahan ng alak.

Vini et al. (Wines and others)

Isang matandang babae ang bumungad sa akin.

"Happy new year hija" she sweetly smiled. Tinignan ko ang display rack niya at halos wala ng laman ang mga iyon, naubos siguro para sa bagong taon.

"Happy New year" bati ko din, may pag ka supladita ako pero di naman ganon ka-snob lalo na kung maayos naman ang kausap ko.

"Wala na talaga halos laman hija, pinapaubos ko na kasi gusto ko ng magretiro"

Sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng idea. Tutal lasengga naman ako.

"Are you interested in selling the place?"

Sandali siyang napatanga, kumunot ang kulubot na niyang noo bago nagsalita.

"Ikaw pa lang ang nagtanong niyan sa akin"

Ako naman ang kumunot ang noo. "Would you rather shut it? I think selling wines and spirits is amazing"

"Hindi ko kasi naisip na ibenta" the woman said half-smiling.

"Ah," tanging nasabi ko. Umikot pa ako para mapagmasdan ang tindahan. It wasn't really bad. Sayang kung isasara.

"Wala ka po bang pamamanahan? You know, sayang naman"

Napailing yung babae. Halatang nagiisip. Kaya hindi ko na siya kinulit pa.

"Two bottles of good Prosecco please" Sambit ko nalang.

Tahimik lang ang babae habang hinahanap sa hanay ng mga alak ang gusto kong bilhin.

"Are you a naturalized Filipina?" mamya ay tanong nito nang nilalagay niya sa paper bag ang mga bote.

WHEN LOVE IS JUST A WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon