Chapter 5: Liers Go To Hell

409 14 3
                                    

GELLA POV

Papauwi na ako ngayon sa bahay. Hay... Parang ayaw kong umuwi... Sigurado nagkakagulo na naman doon.

Parang mmk lagi ang pangyayari sa bahay.. Iyakan, away... Name it all.

Si Dad may babae. Dahil dito,ang mama ko ay naglalasing.Yung negosyo namin wala na. Si Kuya hindi pa umuuwi matapos ang pagaaway nila ni Daddy. Wala na ang masaya at tahimik na pamilya.

Oh diba ang heavy drama.Pumasok na ako ng bahay kahit wala akong gana.

" Andito na ako" anunsiyo ko pero walang sumagot.

" Ma?" tawag ko at nakita ko si mama na tulalang nakatingin sa bintana.

Hai.... Ayan na naman siya. Naawa na ako kay mama. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at nasasaktan ako para sa kanya.

" Ma.." Tawag ko sa kanya.

" Oh... A-anak... Kumain ka na." sabi nito at saka nagulat sa pagtawag ko.

Tinignan ko ang nakalapag sa mesa mga bill sa bahay sa tabi ng pagkain.

" Kamusta ang skwela anak?" tanong nito habang linalagyan ng kanin ang pinggan ko.

" Ah...Ok lang po." sabi ko at tsaka nilagay na ang bag ko sa sofa.

Napansin ko ang date ng mga bayarin para sa bahay.

Tsk... Malapit na ang due.... Baka maputulan kami ng tubig at kuryente..

"Pagbutihan mo anak ha... Uhmmm..kailan nga pala ang exam mo?" tanong ni Mama.

"Ah... Sa susunod pa na buwan." pagsisinungaling ko.

Ang totoo next week na.. Ayaw ko lang bigyang problema si Mama...

Medyo malaki kasi ang babayaran ko sa school sa tuition eh..

Speaking of that... Kailangan kong gawan ng paraan.

" Ah ganun ba... Kain kana anak." sabi nito at ngumiti.

Pero alam ko na nasasaktan parin si Mama. Tinatago lang niya sa akin...

"Alas 7 na... Siguro nag over time na naman si Papa mo.." sambit ni mama at saka tahimik na kumain.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara at tinodor.
Ha! Over time sa babae niya siguro! Tsk.

" Yung kuya mo... Nag text ba sayo o tumawag?" tanong nito.

" H-Hindi po eh." nakayuko kong sambit..

Hindi na nagsalita si Mama at kumain na lang kaming dalawa.

*The Next day*

Waaaaaahhhhh... Im super duper early ngayon.

Report ko na kasi sa Science mamaya.

Aba! Bihira lang magbigay ng second chance si Mam. Lalo na at may crush na ito.

Hala! Speaking of crush....Hindi ko pa nasabihan si Cedric na hindi ko ka ano ano si Asungot.

Nagmadali akong pumunta sa bag ko at hinanap yung phone ko..

" Teka asan na ba yung phone ko?" Tanong ko sa sarili at hinalungkat ang bag ko.

"Ay! Eto lang pala." sabi ko at tsaka binuksan yung phone..

Pero pagkabukas ko isa lang ang number sa phonebook.

(0____0) Wah! Bakit isa lang?! Asan na yung iba?! Hindi ko pa naman memorize ang number ni Cedric dahil kakapalit lang ng number nito. Pati na rin yung iba. Super hina ako sa numbers..

Say I Love You and You are DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon