Consulting the Oracle

123 5 0
                                    

REMINDER: Please refer at the last part of this chapter for the meaning and/or pronunciation of the italicized word (s).

-------------------------------------------

Nerissa's POV

FRIDAY

'Nerissa, I'll be going to the cafe. Do you want to come?' tanong sa akin ni Theo. Katatapos lang ng Microbiology class ko and last subject na 'to. At last! Pumunta pa talaga siya dito sa building namin?

'Sige, last subject ko naman na yung Microbio eh.' sagot ko at nagsimula nang maglakad.

'Where did you get that?' he asked tapos itinuro yung necklace. Ito yung nakuha ko last night. I don't know, I just feel like wearing it.

'Ah! Wala, nakita ko lang 'to somewhere.' sagot ko naman at hinawakan iyon. 'Bakit mo naman natanong?'

'Uhm. It's... cool. Haha!' sabi niya at inakbayan ako. 'Halika na nga!'

'Oy! Oy! Oy! Chancing na 'yan bregs!' sabi ko naman ng pabiro at pilit na tinanggal ang pagkakaakbay ng braso niya sa akin.

'Tss. Get in.' sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto sa may shotgun seat.

'Do you like my car?' tanong niya sa akin nang makapasok na ako.

'Hmm. It looks nice.' I answered. Honestly, maganda naman talaga yung kotse niya kaso lang hindi ito yung mga type ko. It's a Porsche Cayenne anyway.

'I don't think you do.' sabi niya.

'Uy! Hindi naman sa ganun!' I said. Mukha namang nalungkot siya kaya nagisip nalang ako ng knock knock joke.

'Ay! May knock knock ako!' no reply.

'Knock knock!' masigla kong sabi.

'Who's there?' sagot niya lang ng mahina.

'Theo!'

'Theo who?'

'THEOng ngiti ako'y nahuhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil! Ang panga--' kanta ko naman at may hand action pa.

'Okay na! Okay na!' sabi niya.

'Ihh! Yay!' sabi ko tapos pinisil yung cheeks niya at ginulo naman ang blonde niyang buhok. Tumawa nalang si Theo at napailing.

~

'Nerissa?!' napatingin ako sa babaeng nakaupo sa may dulong part ng cafe na ito. Si Mitch.

'Hi!' bati ko sa kanya at kumaway.

Lumapit siya sa amin ni Theo at halatang nagulat siya.

'You know each other?' tanong niya at nagpalipat lipat ang tingin niya sa akin then kay Theo.

'Yeah. We're friends, good friends.' replied Theo and umakbay na naman sa akin.

*cling*

I suddenly looked at the door of the cafe dahil bigla na lamang na bumukas ito. And, sa hindi inaasahan, iniluwa noon si Trevor.

'Trevor! Late ka na naman!' sigaw ni Mitch. Seriously? Halos five feet lang ang layo nila sa isa't isa kailangan sumigaw? Haha!

As usual, nakasimangot na naman ang aroganteng lalake na ito. Nginitian siya ni Theo ngunit hindi niya lang ito pinansin. Naalala ko lang yung nangyari doon sa party. Kaso lang mukhang kinalimutan na nila iyon.

'There's no need to yell at me Michellasandra.' sabi ni Trevor with no emotions or anything. Tapos, pumunta na siya sa may pwesto ni Mitch.

'Kailangan pa ba talaga ako dito? I guess not, Theodore is here. And, it seems that he has brought someone with him. What's your name again?' he said then took a swig from his beer.

TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon