Short one, but here you go...
------------
Nerissa's POV
"Malayo pa ba Trevor?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong huminto sa paglalakad. "Almost half an hour na tayong naglalakad oh..."
"Pagod ka na ba?" he asked.
"No I'm not." I said sarcastically and started to walk again... "AAGH! TREVOR! ANO BA! IBABA MO AKO!!!" he suddenly carried me like a sack on his back!
"Psh. As if naman ayaw mo." he said in a low voice.
AFTER 30 MINUTES
Ibinaba na ako ni Trevor at bumungad sa amin ang isang bahay kubo na napaliligiran ng kawayang bakod. Kumatok si Trevor sa pinto at may lumabas naman na isang babaeng kung tatantsahin ay nasa mahigit singkwenta anyos na. Lumapad ang ngiti nito at agad na niyakap si Trevor.
"Iho! Matagal na tayong hindi nagkita! Akala ko'y nakalimutan mo na ako!" sabi niya habang may mga luha na dumadaloy sa kanyang pisngi na may kaunting kulubot.
"Nanay Marietta naman oh! Of course, I missed you po!" napalingon ako kay Trevor dahil ito ang pinakaunang beses na nakita ko siyang ganoon kasaya. Kamag-anak niya kaya si Nanay Marietta? O kaya naman---
"Ikaw talagang bata ka! Oh, sino naman itong magandang dilag na kasama mo?" tanong niya at ngumiti sa akin.
"Si Nerissa po Nay. Nessa, this is Nanay Marietta," pagpapakilala ni Trevor.
"Hello po." I said and smiled.
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Nanay Marietta at parang may kakaiba doon. Naku naman!
"A-ah! She's just a friend." biglang sabi ni Trevor at tsaka hinila na kaming dalawa ni Nanay paloob ng kubo. Tumingin na lamang sa akin si Nanay at umiling.
Just a friend? Okay.
"Umupo muna kayong dalawa diyan at ikukuha ko kayo ng maiinom. Nerissa iha, 'wag kang mahihiya ah? Feel at home!" Nanay Marietta sure is full of energy.
"Marami pa tayong pupuntahan Nessa!" Trevor whispered, "Mag-eenjoy ka, panigurado..."
"Oy oy oy! Anong bulungan 'yan? Kayo ah... Hmm." nagulat na lamang ako sa biglang pagsasalita ni Nanay Marietta na may dala dalang dalawang basong... Dooleb?
Agad na tumingin sa malayo si Trevor habang lumapit sa amin si Nanay at iniiabot ang inumin. Pagkatapos ay naupo na siya sa kahoy na silya.
"Alam mo ba 'tong si Trevor nung bata ay naku, sobrang kulit!" sabi niya naman.
"Nay!"
"Maupo ka lang diyan Trevor. Nerissa alam mo ba, isang beses sumakay 'yan sa isang baboy ramo na mas malaki pa sa kanya, kaya ayon nahulog siya sa putikan!" pagkekwento niya at tumawa. Napatawa na rin ako habang ang katabi ko naman ay halatang namumula na sa inis.
"Isang beses naalala ko nga, grabe ang pag-iyak ng batang 'to! Ganito kasi yung nangyari---"
"Nay Marietta naman!" pagmamakaawa ni Trevor.
"O sya. 'Wag na nga. Nerissa, kailan pa kayo nagkakilala ng batang 'to?" tanong sa akin ni Nanay Marietta.
"Ah, hindi pa naman po ganoon katagal." sagot ko naman at uminom ng dooleb.
"Hm."
~
Kanina ko pa nahahalata na tahimik si Trevor kaya naman ay binasag ko nalang ang silensyo sa paligid.
"Trev--" pagkasabi ko pa lamang niyon ay agad siyang napatingin sa akin at mukhang nagtatanong ang mga kulay kape niyang mga mata. Kumunot ang kanyang noo at tumingin sa malayo. "--or, bakit kanina ka pa tahimik diyan? Aren't you happy that you've seen your Nanay nanayan after centuries?" I asked. Nalaman ko rin na si Nanay Marietta pala ang nag-alaga kay Trevor nang bata pa siya hanggang 14 years old.
"Shut the hell up Nerissa." he said coldly. What happened to him? Kanina, nang-aasar lang siya tapos ngayon parang wala siyang kasama? However, instead of showing him that I was irritated by what he told me, I tried to be more patient with him. I bit my bottom lip before speaking.
"Hey, where are we going? Sabi mo, mag-eenjoy ako!" I said full of enthusiasm as I tried to give out a cheerful smile.
"I'm taking you home." he answered with his eyes fixed in front.
I seriously want to wander around this place. It seems like... I belong here.
"Uy! Trevor, we forgot about Marikko and Sebastian! Kawawa naman yung mga bata." Inaaya kami ng mga bata kanina and mukhang nawala sa isip namin. Ito kasing si Trevor.
"Leave them."
Tumigil ako sa paglalakad at hinila ang braso niya upang magkaharap kami. This simple action took a lot of guts, I swear.
"Tell me Trevor, what is bothering you? Kanina pa ako andito, pero parang wala kang kasama." sabi ko ng mahinahon, "A while ago you were joking and teasing and then magbabago na naman, magiging arogante ka na naman! Dadalhin mo ako dito tapos ikaw pa yung galit? I am asking, how were you feeling pero instead of---"
Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla nalamang niya akong hinalikan. He kissed me. And he is kissing me...I can smell his breath at hindi ko maiwasang ibalik ang mga halik na binibigay niya sa akin. God, what is happening to me? Stop this nonsense Nerissa, now!
"Trev---"
"Shush."
Ugh, I give up. My hands started trailing up to his silky hair and clutched some of it. Habang ang kanyang kamay ay pumunta sa may bewang ko naman. Tumingkayad na lamang ako ng kaunti dahil higit na matangkad talaga siya sa akin.
"Look, I'm sorry Nessa... Sana maintindihan mo ako." he whispered as our lips parted.
I hugged him tightly and heard his heartbeat. He did the same so I l-like it. Despite of all the things that happened, I don't know, but I think I... I like him.
--------------------
A/N: HALLOO! Thanks guys sa patuloy na pagbabasa at pagboboto, pag-add sa RL, and for supporting this story. Hopefully, matapos ko po ito. So, wait up for the next chapter and all. :*
BINABASA MO ANG
Track
FanficA girl who always keeps herself away from the large crowd might be thinking she's alone, but you never know someone might just be following you. Experience the roller coaster of emotions and know more about Ms. Bluewaters and her TRACK.