Empira Ball - Part 1

110 4 0
                                    

Nerissa's POV

SATURDAY

Kagigising ko lang ngunit mas pinili kong manatili sa aking kama. Kinuha ko ang isang libro sa ibabaw ng side table at nagsimula ng magbasa.

Hindi pa nakalipas ang isang minuto nang may tumawag sa akin. Unknown Caller. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Nang napatingin ako sa oras bigla nalang akong napatalon mula sa aking higaan dahil hindi ko namalayang alas dos na pala! Mukhang napahaba ata ang tulog ko.

Naalala ko naman ang nangyari kagabi.

I just got out of the bathroom when my dog suddenly started barking. Pepsi usually barks if there's a man or an unusual sound. I saw him near the window. Blustery winds started to blow along with the howling sound that sent chills down my spine. Lumapit ako sa kanya para kargahin siya ngunit napatigil ako because there were mud splatters on the floor.

Saan kaya iyon nanggaling? Lumabas ako patungo sa terrace ngunit wala naman akong nakita. As of now, I only know one thing. May ibang nakakapasok sa kwarto ko... Pero, lagi ko namang nilolock ang glass door. Hindi ko na alam kung ano ba ang meron sa apartment na ito.

Iniling ko ang aking ulo para mawala ang lahat ng iyon sa isip ko. Hindi ko mapigilang hindi matakot sa mga pangyayari. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Habang naghihilamos narinig ko naman ang pagtunog ng door bell.

I looked through the peep hole at sa hindi inaasahan walang tao sa labas. Binuksan ko ang pintuan nang may biglang nagsalita.

'Pinapabigay ni Mitch.'

Nagulat naman ako at napatingin sa kaliwang bahagi ng hallway. Si Trevor. Pero...paano niya nalaman na dito ako nakatira? I never told him, he never asked.

Nakasandal siya sa pader habang hawak hawak ang itim na sobre. Lumapit siya sa akin at iniabot iyon.

'Ano 'to?' I asked as I got the envelope from him. Nahalata ko namang napatitig siya sa akin. Ngayon ko lamang naalala na naka shorts lang pala ako at loose white shirt. Medyo revealing siya. Is it my fault? I didn't know he was coming. Agad naman siyang umiwas ng tingin. Napakagat na lamang ako sa aking labi at hiniling na sana ay maging invisible na lang ako.

'Would you just open it? May kamay ka.' suplado niyang sagot.

Binuksan ko iyon at nakita ko ang isang imbitasyon sa...

'Empira Ball?'

'Yeah. So, pupunta ka ba?' tanong niya.  'I mean, Mitch wants you to come.' pagpapatuloy naman ni Trevor.

Hm. Party na naman. Hindi ba sila nasusuka sa paulit-ulit na party?

'Sige, I'll try.' I replied.

Muli akong tumingin sa invitation. Empira Ball. 

Venue: Villa Roman de Primave

Time: 7 pm

When I looked up, wala na si Trevor. Hindi ko man lang napansin na umalis na siya. And hindi man lang siya nagsabi. A guy with an obnoxious attitude really!

Bumalik na ako sa loob at naupo sa sofa.

Pupunta ba ako? Siguro mga 8 pm pwede na akong umuwi. But wait, ano yung Empira Ball? Is it like a Masquerade Ball? O kaya naman parang Crillion Ball at may Joaquin Manansala na magpapatunay na mayroon ngang Cinderella-like story sa totoong buhay---

*ring ring ring*

Unknown Caller. Ito na naman yung tumawag sa akin kanina.

'Hello, who's this please?'

TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon