Chapter Eight

788 18 0
                                    

ZYRES❤️

"Hhhmm....sir nurse pwede na po ba akong lumabas?", tanong ko sa nurse na nakatalikod.

"Hindi pa pwede." Sabi nang malamig niyang boses. At saka tumingin sa akin. Pagkakita ko sa kanya lumunok ako ng laway at pumikit-pikit ako. Am I dreaming or hallucinating? Kinagat ko 'yong labi ko.

Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka. Ahhh! Franco!? My gosh siya ang new nurse ng campus pero hindi ako sigurado. I can't believe he's the one to take the responsibility on me, right now.

•_•

Napako ang mga mata ko Kay Franco na nanatiling nakatalikod sa akin. Pero hindi eh, baka kamukha niya lang o…ano? No, I am perfectly not dreaming. The built of his back and his stance were way too familiar. Hindi ako pwedeng magkamali.

By the moment he turned his back to face me again, doon ko lang nakumpirma kung sino talaga itong nurse na ito. Bahagya ko pang nasampal ang sarili ko.

Shocks!

He smiled, "Zyres okay ka na?"Sabi niya habang naglalakad papalapit sakin. Shut!

"Franco? Ikaw ba yan?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya nang bahagya pagkatapos ay bigla nalang akong niyakap.

"It's been a year Zy!"
Natutuwang sabi ni Franco.

Nakitawa na rin ako saka siya niyakap pabalik, "God! At first I never had known it was you."

"What?" Tugon niya. "May iba pa bang mas gwapo keysa sa akin?" Tumawa ako saka siyang tinampal.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. I mean, hindi lang ako makapaniwalangnandito ka." Again, tawa lang ang naging tugon niya.

"Good. Akala ko may mas gwapo pa sa akin, HAHAHA—" Natigil sa pagtawa si Franco nang bigla na lang bumukas at iniluwa noon ang lamanglupa.

Nanlaki ang mga mata ko nang matalim na dumapo ang paningin niya kay Franco, "May mas gwapo pa naman sayo eh. Kaharap mo."

"Steven?!" Suway ko sa kanya.

Tumikhim si Franco kaya sinamaan ko kaagad ng tingin si Steven, "Well, uhmmm—no comment." Nagpigil ako ng tawa dahil kitang-kita sa mukha ni Steven ngayon ang inis.

"Steven, bakit ba basta ka na lang pumapasok nang hindi man lang kumakatok?" Tanong ko pero saglit niya lang akong binalingan ng tingin.

"Ayos lang naman na mag-usap kayo rito. Pero, pwede na PO ba siyang lumabas?"tanong niya kay franco na puno ng sarcasm ang mukha. Pinagdiinan pa talaga niya ang salitang 'po'. Nang-iinsulto ba siya?

I just blowed out a deep sigh.

"Oo naman." Sabi ni Franco at tiningnan ako.

Nginitian ko siya at tumango, "Bye Zy. Take care, kung hindi kaya ng iba na alagaan ka ay 'wag ka ng umasa. Hmm?" Franco habang nakangiti, inirapan ko lang siya at tumango.

"Oo na."

"Mabuti, tulungan—"

"Hoy, bilisan mo nga babae. Para kang pagong." Biglang singit ni Steven nang akma akong tutulungan ni Franco. "Tumabi ka nga."

Mr. Arrogant (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon