Chapter Five

8 3 0
                                    

It's January 25 and it is my birthday. I received some greetings from my friends and the whole ABM sang a Birthday Song for me.

Saktong that day, naging half day lang ang pasok namin that's why I called Papa and told about it.


"Uwi ka agad ha. And magsama ka na ng kaibigan mo dito." Papa said in the call.

"Po? Meron bang pagka-"



"Just go home and bring some of your friends here anak. I will hang up na. Bye"


As what Papa said, nagtawag ako ng classmates ko and friends ko from the other section including Ryan.



I didn't expect na may surprise palang inihanda si Papa and kinakunchaba niya pala si Lyn, Sharine and Niana.


My birthday became special this year. Nag-absent pa si Lyn para makapunta which is hindi ko inexpect. I received gifts na hindi ko man lang napansin kanina because they were too good on hiding.


After the party, I sent them home kase mag-gagabi na.

"Hay nako. Uwi na ka Ry! Anong oras na, pagalitan ka pa ng Mama mo." suway ko kay Ryan. Siya na lang ang natitira na nandito sa gate ng bahay namin and ewan koba kung bakit hindi pa 'to umuuwi.

Imbes na umalis na, he just smiled and lumapit siya sa akin. May kinuha siya sa kanyang bulsa and he grabbed my hand and placed something.

"Happy Birthday!" he said.

Tumingin ako sa kanya and I smiled. "Magtatampo na sana ako sayo e, akala ko wala kang regalo sakin." pabiro kong sabi.

    
     "Thank you, Ry! I appreci-"

Hindi na niya pinatapos ang sinabi ko and he hugged me. Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko and I didn't say any word dahil sobra akong natameme.


Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin and he spoke, "Uwi na ako. Chat nalang kita pag nakauwi na ako. Happy Birthday ulit."

Pagpasok ko ng bahay, I helped to fix and clean everything before I went to bed. Tinignan ko yung mga regalong natanggap ko kanina. Habang inaayos ko na lahat, biglang nagring yung phone ko.

I was expecting that it was from Ryan but hindi. It was an unknown number.

"Hello, who's this?" tanong ko.

"It's Carlo. Happy Birthday Aisha." he spoke.

Carlo? Ah, Ryan's classmate. But wait, where did he get my number?

"Ahh. Thank you!" sabi ko.

It was just a short talk then after that, I decided to sleep na rin.

.......

Kinabukasan, sabay pa rin kaming naglunch ni Ryan. Habang kumakain, he spoke.


"Crush ka raw ni Carlo. Nagchachat kayo?" he asked.


Ako? Gusto ni Carlo?


"Hindi, pero he called me last night." I replied.


"He called you? What did he told you? Umamin ba siya? Liliga-"


"Maygad Ry, he just greeted me. Para kang ewan." sabi ko. "At tsaka, wala namang masama kung liligawan niya ako, pare-"


"Wag siya. Babaero yun." sabi niya.

Well, biglang nag-iba and atmosphere when we talked about Carlo. Ayoko man mag-assume pero may part talaga sa akin na nagcrecreate ng hopes from him. Aish. Bakit nga ba Aisha?

Always Into YouWhere stories live. Discover now