Chapter One

14 3 0
                                    

     "Sure ka na ba talaga diyan, Sha?" tanong ng kaibigan kong si Lyn.


"Sigurado na ako dito. Napag-isipan ko na rin naman ng ilang araw and my decision is final." sabi ko.

Halata ko ang lungkot sa kanyang mata. Ilang beses na niya akong tinanong tungkol rito at ilang beses na rin niyang sinubukang kumbinsihin ako upang magbago ang aking desisyon.



Ngunit sa kabila nito ay talagang buo na ang desisyon ko. Magtratransfer na ako ng school for my Senior High School.


I will transfer for the reason na the strand I want to take isn't available sa school kung nasaan ako ngayon. After a week, completion na naming ng Junior High School. After that week, I'm finally saying goodbye to this school.


.........



The day has finally came. It's already our completion day. Sa bunga ng pagsisikap ko, napabilang ako sa mga With Honors ng aming batch.



I was already hopeless na hindi ako makakasama sa honor roll but God heard my prayers and finally, I am one of them.



I ran towards my Papa holding my certificate. The smile on his face was the most beautiful thing I saw today. Napawi lahat ng hirap na ginugol ko dahil sa mga ngiting iyon.




"Congrats, anak! Sabi ko na sayo e, makakaabot ka." he said and he hugged me.



"Proud na proud ako sayo." dagdag niyang sabi. It made my heart melt.



But then as I saw my classmates with their parents, 'di ko mapigilan na malungkot.



Feel ko may kulang. Ay hindi pala feel, talagang may kulang.



Napansin siguro ni Papa na biglang nagbago ang ekspresyon ng aking mukha and I know that he knows the reason why. I can't help but to be jealous of others.



I wish you were here. Sana nakita mo kong umakyat sa stage. Sana nandito ka rin para icongratulate ako.




Sana......



.........


It was already May 2019. 2 months after completion. And today, pupunta ako sa school kung saan ko itutuloy ang Senior High School ko.



Matinding pangongonsenya ang ginawa ulit sakin ni Lyn sa kadahilanang ayaw niya talaga sanang lumipat ako ng school.





"Shaaaaa....." paawa niyang sabi.




"Oh? Miss me?" tugon ko.




"Gaga, syempre miss na kita. Bakit kase magtratransfer ka pa? Hindi ba pwedeng di-"



"Hindi ba pinag-usapan na natin 'to? Buo na talaga desisyon ko Lyn." sabi ko.




"Oo na, oo na. Wala naman na akong magagawa ." malungkot niyang sabi.





"Ikaw talaga. Kain tayo mamaya. After kong mag-enroll. Game?" anyaya ko.




"Haynaku Sha, kung hindi lang talaga mahal e.... Bakit ako hihindi diba? Sige, text me na lang if tapos ka na." tugon niya.





"Yiee. Sige hehe. Love you bespren!" sabi ko.




"Love you more, Sha."





Binaba ko na ang aking cellphone at sinimulan ko nang mag-ayos.



........



Always Into YouWhere stories live. Discover now