"Feeling ko may mumu dito. Uwi na tayo." Pangungumbinsi ko kay kuya.
Tinignan naman ako nito ng masama at inirapan. Binuhat nya ang malaking brown box sa may paanan ko tsaka pumasok sa pintuan ng unfamiliar na bahay na kanina ko pa tinitignan. Light yellow ang kulay ng mga pader nito samantalang dark brown naman ang pinto, gate at ang linings ng bintana. Kung titignan ay parang normal na bahay lamang talaga ito at ako lang itong nag iinarteng babae na kanina pa nagpupumilit umuwi sa DATI naming bahay.
Wala naman talagang problema ang bahay na ito. 2 floors ang meron, Malawak naman, presko ang kulay, tahimik ang subdivision, palangiti naman ung mga taong nakita ko kanina noong papunta kami dito, mahangin, may mga puno, hindi naman sya mukhang haunted.
'Pero sinabi mo kanina na feeling mo may mumu.' Sinabi ko lang iyon.
Ayoko lang talaga kasi lumipat ng bahay. Ang hassle kasi. Sobrang komportable na ako sa bahay naming dati ah. Doon ako lumaki tapos biglang boom lilipat daw kami kasi linipat si papa at mama sa ibang branch nila at sa kasamaang palad, sobrang layo non sa bahay naming dati kaya no choice kami kundi lumipat. Alam ko naman, naiintindihan ko. Sadyang nasa in denial stage pa talaga ako na kinakailangan talaga naming lumipat.
Pati syempre kami ni kuya, kelangan lumipat ng school. At iyon talaga ang pinaka mahirap sa lahat. Mahirap makibagay, minsan kasi hindi mo na alam kung nagbabago ka talaga o binabago ka ng iba dahil lang sa gusto mong maki isa sa ginagawa ng nakararami.
Minsan hindi mo na rin kasi makikilala ang sarili mo lalo pa kung kinain ka na ng kagustuhan mong makibagay. Darating sa point na akala mo ikaw pa yan, na tama pa pero ang totoo, sadyang hindi mo na lang talaga alam ang tama sa mali. Nakalimutan mo na ang pinagkaiba ng dalawa. Ang alam mo nalang ay ang mahalaga, may kasama ka.
Ang tanging kaibigan ko noon, nawala sa akin dahil mas gusto nyang magkaroon ng madaming kasama kesa sa tunay na kaibigan.
"Ano Vien, dyan ka lang ha?!" Sigaw ni kuya na nakasilip mula sa pangalawang terrace ng second floor na nasa right side ko. Kwarto nya siguro un tapos ung nasa right ung akin.
Sinigaw pa talaga ung pangalan ko. Kupal talaga. "Oo na, eto na ser papasok na." sagot ko. Pero ako lang malamang nakarinig nun. Mahina kasi ang boses ko eh. Un ang madalas na reklamo nila sakin. Kinulang raw ako sa volume.
Pumasok na ako sa loob at bumungad sa akin ang mga karton at bags naming na nakabalandra sa sala. Naka ayos na dito ang sofa at dalawang single sofa na dark blue na nakatanggal na sa balot. Naka plastada na rin ang mini rectangle glass table na nakapatong sa dark brown rectangle shaped na carpet pati ang flat screen sony tv na nakapatong sa nakabalot pang wooden tv cabinet.
"Oh anak, umakyat ka na sa kwarto mo. Magugustuhan mo iyon panigurado. Kami na bahala dito, magpahinga ka muna at mamaya kailangan nyong mag enroll ng kuya mo." Bungad ni mama na kakalabas lang sa uhmm kusina ata un.
Oo kusina nga, may bitbit kasi syang isang pitsel ng juice at isang garapon ng stick – o. Inilapag nya ang Pitsel sa mini glass table at inihagis sa akin ang stick- o na masaya kong sinalo. Nakangiti akong tumango sa kanya at uumakyat na sa itaas. May dalawang pintuan sa kaliwang pader at isa naman sa kanan ang bumungad sa akin. Ang naunang pintuan sa kaliwa ay Mint green, ang isa naman ay black. Sa kanan ay dalawang painting, at sa gitna nito ay ang putting pintuan na malamang ay kwarto nila mama. Puti kasi paboritong kulay ni mama. Wala skl.
Alam ko namang ung huling pinto ang kwarto ko pero naisip ko muang guluhin si kuya kaya naman marahas kong binuksan ang mint green na pintuan. Agad kong nakita ko ang gulat na mukha na kuya, hawak nya ang t-shirt nyang red, na sa tingin ko ay kakahubad nya lang, na ginamit nyang pantakip sa upper body nya.
YOU ARE READING
Capital University
Teen Fiction"If hating me will help you survive, then go hate me, Allycia Vien... Hate me and survive." -Sedah Alchious Dalcian