"Oh tama na yan! 'Wag nga kayong lingon ng lingon dito, para namang ngayon nyo lang nakita ang ka gwapuhan ko!" saway nya sa mga kaklase naming kanina pa lingon ng lingon sa pwesto naming.
Nakaupo kasi kami sa pangalawang row bago ang dulo, sa may left side na dikit sa pader. Naka upo ako sa tabi ng bintana kung saan kitang kita ko ang open field at aninag ko naman ang soccer field na nasa kanan.
Napabuntong hininga ako. Mukhang nagulat ang mga kaklase namin, oo namin syempre kaklase ko na rin sila no, sa pag pasok ko kung kelan 1 week na ang nakalipas pagkatapos ng pasukan. Malamang ang nsa isip ng iba ay 'Nag- enjoy ata si ate ghOrl sa bakasyon kaya nag pa- extend pa'
Kung sabagay, I actually expected this to happen.
Kahit ako naman, kung ako ang nasa posisyon nila ay ganoon din ang iisipin ko.
Napailing ako. Hindi ko na lamang ito ibi big deal. Ang mahalaga ay nakapasok na ako at maging matino ako estudyante. Kahit matino lang, hindi na mabait.
Tama. Ang importante mahalaga.
Napalingon ako kay Justin nang mahina nitong siniko ang tagiliran ko. "Pagpasensyahan mo na sila ha, ngayon lang nakakita ng tao yang mga yan eh." Pagpapagaan nito sa loob ko. Napangiti naman ako.
"Okey lang... Pinag- iisipan ko na ngang ibenta sa kanila ang signature ko eh, malay mo bumenta." Pagbibiro ko.
Peke naman syang tumawa. "Wow naman, HA-HA-HA. Next Joke please."
Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para magsalita kaso dumating na ang teacher namin kaya naman pinili ko nalamang manahimik.
Babaeng naka pink fitted dress ang nakatayo ngayon sa harapan, hula ko ay nasa mga 20s to 30s na ito. Maputi sya at matangkad, meron itong black wavy hair na hanggang bewang nya at bangs. Ang ganda nya, mukhang koreana.
Kung wala lamang itong suot na name plate ay malamang mapagkakamalan ko itong college student.
Mapapa sana all ka nalang talaga.
"Sya si Ma'am Venice, mabait yan 'wag mo lang asarin patungkol sa pagiging single nya. Biglang nambubuga ng apoy 'yan." Pag papakilala nya. Napalingon naman ako sakanya para tignan kung nagbibiro ba sya sa nambubuga ng apoy kaso seryoso nga sya kaya naman ibinalik ko nalamang ang tingin ko kay Ma'am na nakangiting nagkukweto sa nangyare sa kanya nitong weekends.
Medjo kinabahan tuloy ako. Ang ganda kasi ng ngiti nya.... Parang hindi tuloy tama.
Parang may something.
'Bright smiles can hide your deepest secrets'
Kahit kanina noong papasok palang kasi sa building namin, habang pinagmamasdan ko ang paligid ay parang nakaramdam ako ng kakaiba na para may mali.
YOU ARE READING
Capital University
Teen Fiction"If hating me will help you survive, then go hate me, Allycia Vien... Hate me and survive." -Sedah Alchious Dalcian