"Asan ka na ba kuya? Nandito na ako sa admission office." Pag papaalam ko kay kuya na nasa kabilang linya. Sumandal ako sa gilid ng pintuan ng admission office at sumimangot.
Sabi ko na dapat hindi ako pumayag sa kahunghangan ng kapatid ko eh. Ganito kasi yan, kanina pagbaba namin ng kotse sa parking lot nagulat kami noong makita naming na walang katao tao sa lugar. Ang akala talaga naming ay bubungad sa amin ang sandamakmak na estudyante dahil nga mag u uwian na pero wala kaya naman sa guard nalang kami nagtanong kung saan matatagpuan ang admission office.
At ang kinainis pa naming ay ang sabi nya diretso lang daw tapos makikita raw agad naming un. Kingina, kanina pa kami diretso ng diretso dito sa hallway na parang walang hangganan pero ni anino ng pintuan ng admission office ay hindi pa rin naming Makita kaya naman napagdesisyunan ni kuya na maghiwalay daw kami para mas mapabilis ang paghahanap tutal daw ay parang wala rin naman kaming mapagtatanungan dito ng matino. Sa kalaunan ay um-oo nalang ako dahil halatang badtrip na rin si kuya sa kakaikot.
["Talaga? Buti naman, asan ka ba?"] Balik na tanong nito.
Linibot ko naman ang paningin ko sa paligid para makapagbigay ng landmark nang sa ganoon ay mabilis nyang mahanap ang pwesto ko ngayon.
"Hindi ko alam kung anong tawag dito pero uhm isang malaking soccer field and nasa harapan ko ngayon, sa left side ng field may hallway, sa right side naman ay open field. Bahala ka na mag hanap, panget." Saad ko sabay patay ng call. Mahahanap nya rin naman ito, tsaka hindi rin naman ako makakapag enroll ng wala sya eh. Nasa bag nya lahat ng requirements naming kaya no choice rin ako kundi ang intayin sya dito.
Ipinasok ko ang cellphone ko sa bulsa ng jeans ko at isinuot ang hood. Naglakad ako papalapit sa soccer field habang nakapasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng hoodie.
Mabuti nalamang ay hapon na kaya naman makulimlim na kahit papano. Gantong mga panahon masarap mag laro ng soccer eh. Habang papalapit ako sa field ay mga tao akong napansin sa hindi kalayuan, mga soccer team ata kasi naka uniform pang players eh. Ang mga lalake ay naka squat na para bang pinarurusahan sila nang lalakeng nakapameywang at nakatayo sa harapan nila. Malamang sya siguro yung captain nila.
Nakakapagtaka, bat hindi ko sila napansin kanina. Sabagay masyado silang malayo mula sa pwesto ko kanina para makita ko sila. Hindi na ako ganoong lumapit sa kanila at kinuha ko nalamang ang isang bola na malapit sa gawi ko. Hindi naman siguro nila ito mapapansin tutal naman madami pang bola ang nag kalat sa paligid.
Lumapit ako ng onti sa pwesto ko kanina para madali lang akong makikita ni kuya at doon pinaglaruan ang bola sa paa at tuhod ko. Basics lang ang alam ko sa soccer, tinuruan lang ako ng kaibigan ni kuya noong grade 10 ako. Perks of having a brother, wala kang ibang choice kundi samahan sya sa lahat ng lakad nya at maki vibe sa mga trip nya dahil nga panganay sya. Hindi naman sa nagrereklamo ako, na enjoy ko na rin kahit papano hanggang sa nakahiligan ko na lahat ng nilalaro nya. Kawawa naman kasi si kuya, kelangan kong ipadama sa kanya na mahal ko sya kahit panget sya.
Sa totoo lang hindi naman talaga kami nag aaway ni kuya, lagi lang asaran. Kapag kasi alam na nyang napipikon na ako, sya na agad ang titigil bago pa kami humantong sa cold war. Parang sila mama at papa lang, si papa lagi ang nanunuyo kasi parehas kami ni mama na pikon samantalang si papa at kuya naman parehas na maingay at maloko. In short, tarantado.
Pero may one time na nainis talaga ako kay kuya at sa naging girlfriend nya. Well, mostly para sa gf nya talaga ang inis ko. Hindi naman sa hadalang ako sa relasyon nila pero parang ganon na nga, hindi ko lang kasi maintindihan dito sa gf bakit pinagkakamalan nyang banko de oro ang kapatid ko tapos gusto nya kung anong Makita nya, makukuha nya. Like wtf. hindi auction house ang bahay namin.
Lagi nalang tuwing pumupunta sya sa bahay naming, magpaparinig sya sa kuya ko kapag may nakikita sya sa gamit ko na talagang nagagandahan sya, 'Ohmyghad baby, is that the limited edition Gucci sling bag? It is so beautiful! You know baby, I really love those kind of bags lalo na ung mga limited edition kasi feeling ko kapag meron ako non, I'm so special.!" Special Child.
Noong una ay wala naman akong pake kahit na gumaganon ganon sya sa bahay naming. Ulitin ko ha, SA BAHAY NAMIN. Kahit pa tuwing red days nya? Sa amin sya tumatambay, tapos kung ano ano ang pinabibili nya kay kuya kasi raw nag ke crave sya. Tanginang yan, nire regla lang sya, hindi sya buntis. Daig pa nya ung naglilihi eh. So ano? Nakakagutom ung pag labas ng dugo?
Buti na nga lang at palaging wala sila mama at papa sa bahay tuwing umaga dahil sa trabaho nila. Madalas gabi na talaga sila kung nauwi kundi iiyak talaga si ate gurl kapag pinagsalitaan sya ni mama.
Sa sobrang kapal ba naman ng mukha nya, kinuha nya lang naman ung sling bag ko at noong kinompronta ko sya patungkol doon ay pinalabas nya lang naman sa lahat ng classmates namin na inggitera raw ako kasi inaangkin ko raw ang bag nya. Like sis, wtf? Kaano ano mo si satanas?
Sa sobrang inis ko sakanya, ginupit ko ung oh- so- long- hair nya hanggang leeg. Pero hindi naman lahat, kawawa naman sya kapag ganon. At ang ending naming? Syempre sa guidance office. Okey lang naman though kasi nakipaghiwalay naman sa kanya si kuya eh. Win win situation kahit na nagrounded ako for 2 weeks.
Sinipa ko ang bola mula sa likod pataas at sinalo ko ito gamit ang dibdib ko. Pinadausdos koi to sa tuhod at pinatalbog lagpas sa ulo ko bago sinipa papunta sa goal na nasa harapan ko lang.
"Whoa! Angas."
Agad akong napalingon sa pinanggalingan ang boses. Naka orange t-shirt ito na pinatungan nya ng black jersey at tinernuhan nya ito ng black and white stripes short. Nakatingin ito nang diretso sa akin habang pumapalakpak, tumayo ito mula sa pagkakaupo nya sa basketball at binaba ang headset na suot nya.
'kanina pa ba sya dyan?' tanong ko sa isip ko.
Tsk, as if naman masasagot nya 'ko.
Sinuot ko ulit ang hood ng suot ko na natanggal kanina habang nilalaro ko ang bola at tuluyan nang humarap sa lalakeng parang brownies ang buhok. Nakakgutom tuloy.
"Ang galling mo naman!" Puri nya.
"Uhm thanks"
Kumunot ang noo nito na para bang nagtataka. "Ang hina ng boses mo, pero ang lakas ng sipa mo."
"Uhm thanks ulit?"
"You're welcome!" Sabay tawa. Para syang si kuya. Mas maputing version ni kuya.
Tumalikod ito at yumuko para kunin ang bola nya tapos humarap ito ulit saakin nang nakangiti. Ang lively nya. Bagay sakanya ang palaging nakangiti.
"Bat ka pala naka civilian? Batas ka rin dito?" Tanong nya na nagpatawa sa akin. May naalala lang akong kababata na batas ang tawag sakin, kahit noong 12 kami ganoon pa rin tawag nya sakin eh. Parang sira lang.
Kaya lang naman batas ang tawag nya sakin kasi mas matangkad ako sa kanya. Pandak kasi ung labanos na yun eh. Kamusta na kaya yun? Maliit pa rin kaya?
I composed myself with my own thought. "Sorry." Pagpapaumanhin ko dahil sa biglang pag tawa
Saglit na nanlaki naman ang mga mata nito bago ngumiti. "HALAH HINDI, OKEY LANG UY. TAWA KA PA"
I shake my head. "Hindie okey na." sabay ngiti. "Mag e enroll palng kasi kami kaya ganto. Hindi batas, okey?" Saad ko
Tumango naman ito nang nakanganga na parang bata. Parang kakatuto lang nya ng pinagkaiba ng addition at subtraction.
"Okey! So pwede pahingi akong number?" sabay ngiti ng malawak.
And this time, ako naman ang napanganga sa sinabi nya. Wow boi, why so fast?
Tangina kakakita nya palang sakin, tapos number agad. May lakad ba sya? Bat nagmamadali?
speEdie.jPeg
Magsasalita palang sana ako nang may nauna sa akin. "JUUUSSTIN KAIIROOO SANDOOOVVAL!!!"
Wtf?
YOU ARE READING
Capital University
Teen Fiction"If hating me will help you survive, then go hate me, Allycia Vien... Hate me and survive." -Sedah Alchious Dalcian