Chapter 4

3 1 0
                                    



Lakad dito, lakad doon. Saan na ba kasi yun? Kanina pa ako paikot ikot dito sa sm pero ni anino ng mcdo ay hindi ko pa rin nakikita.

Kinuha ko ang cp ko mula sa bulsa ng hoodie ko at tinignan kung may message man lang bas a akin ang mga malalanding kasama ko kanina.

Psh, mga malalandi talaga.

Dismayado kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa, wala man lang 'saan ka na?'

Nakalimutan na ata talaga ako. Mga tarantado. Bahala kayo, uuwi ako mag isa. Kaka- reunion lang naming tatlo tapos ganto bigla gagawin nila saakin? Saying lang ang drama ko kay Justin kanina, jusq feel na feel ko pa naman kanina ang pag e emote tapos kakalimutan lang din nila ako dahil lang sa mga babaeng hindi naman nila kilala? Wtf?

Okey, fine. Edi ako na selosa.

'Paano kung nasa mcdo na pala sila at hinihintay ka nalang nila doon kasama ang mga paborito mong pag kain? Tapos mag so sorry sila sayo pero magpapabebe ka kaya bibilhan ka nila ng mcflurry para mapatawad mo na sila.?' Pangungumbinsi ng malikot kong utak.

Napailing naman ako. Wag ka nang umasa okey. Kahit na limang taon kong hindi nakasama si Justin. Napakalayo sa personality nya ang bagay na naiisip ko, lalong lalo na si kuya no. napaka kuripot pa naman ng taong 'yon.

Sa sobrang busy ko sa pag iisip ng walang kwentang bagay ay hindi ko nmalayan na nakatayo lang pala ako dito sa gitna ng 'hindi ko alam kung saang parte ng sm'

Wtf? kelan ako huminto sa paglalakad?

Gutom na siguro talaga ako. Malapit na ako sa pagiging lutang.

Inilibot ko ang paningin ko sa taas na palapag para tignan kung may mcdo ba akong makikita at sa kabutihang palad, meron nga. Sa wakas, makakakain na rin ako.

Nakangiting sumakay ako sa escalator na nasa malapit lang sa pwesto ko. Hindi ko na muna iisipin sila kuya. Malalaki na sila, kaya na non ang mga sarili nila at isa pa may pera naman akko eh. Hindi naman siguro ako maliligaw dito.

Pag pasok ko sa mcdo ay pumila na agad ako. Mabuti na lamang at hindi naman gaano kadami ang tao dito kaya naging mabilis lang ang pag order ko.

Nag order lang ako ng mcflurry, chicken sandwich with regular coke at isang bff fries. Nag decide ako na hindi mag order ng kanin kasi baka mamay pag uwi ko eh sinipag pala si mama kaya nag luto sya ng tangalian. Sayang naman kung hindi ako kakain lalo pa't si mama ang nag luto diba?

Nang makuha ko na ang order ko ay sa may cr malapit ang napili kong pag pwestuhan. Kakaonti lang kasi ang mga taong nakaupo malapit dito at isa pa, hindi ako agad makikita nila kuya dito dahil hindi ito kita kung nasa may pasukan ka ng mcdo banda.

Muli kong sinuot ang hood ko at ng sign of the cross bago ko sinimulang balatan ang ng chicken sandwich na in- order ko.

Kain lang Vien, wag mong alalahanin ang mga kasama mo. Kinalimutan ka nila, remember?

Isusumbong ko talaga sila kay mama mamaya, pati kay papa pagkauwi nya.

Sa kalagitnaan ng pag papak ko sa fries ko ay napahinto ako nang may marinig akong ungol.





Anak naman ng tokneneng. Seryoso ba 'to?



Sinubo ko muna ang isang pirasong fries na nasa kamay ko at nilinis ang mga daliri ko ng tissue tsaka nakiramdam ulit.





Capital University Where stories live. Discover now