Ivy's POV
Sabado ngayon at kasalukuyan kaming nasa mall. Specifically sa isang sikat na botique para sa mga pambabaing damit. Nandito kami ngayon dahil nagpapalibre sakin si Krystal dahil daw sa naunahan nya ko kahapon makarating sa school.
Mukang kahit anong pagmamadali kong umalis kahapon ay wala ring saysay dahil nahuli ako sa paggising. Ang resulta ay naunang nakadating si Krystal kaysa sakin. Normaly sya ang nanlilibre kapag ganito pero ang sabi nya ay naghihirap na daw sya kaya ako naman daw ang dapat na manlibre.
Sa totoo lang hindi ako naniniwalang naghihirap na sya at kailangan pang magpalibre. Alam kong may gusto lang syang bilhin kaya nagtitipid sya.
Pwede naman kasi syang manghingi na lang kila tita ng pambili pero hindi nya ginagawa kasi gusto nyang pinag-iipunan ang mga bagay na gusto nyang bilihin. Isa sa mga bagay na parehas kami.
Para kasi samin ay mas malaki ang value ng nga bagay na pinaghihirapan makuha kaya mas iniingatan.
Pero kung bibigyan mo kami ng libreng concert ticket ng EXO, sino ba naman kami para tumanggi diba?
"Besh look at this bagay ba sakin?"tanong ni Krystal pagkalabas nya sa dressing room suot ang isang black dress.
Sinuri ko sya mula ulo hanggang paa."Hmmn bagay naman anong ipapartner mong sapatos jan?"
"Uhm heels? I don't know, ikaw sa tingin mo anong bagay na parter nito?"
"3-4 inch black ankle strap would be nice with that"
"Sige try ko maghanap sa heels section. Don't worry besh ako nanaman magbabayad sa sapatos ikaw lang dito sa dress"
"Alam ko, wala naman talaga akong balak na bayaran pati yung sapatos mo eh" ngingisi-ngisi kong sagot sakanya.
Aba naman sabi nya dress lang wala sa usapan namin na pati mga accesories at sapatos nya ako rin magbabayad. Maubos nya pa allowance ko eh.
"Wait ako rin maghahanap ako ng damit ko. Samahan mo ko mamaya ah"
"Bakit hindi ka ba dito bibili? Bat magpapasama ka pa?"
"Di ko type magdress. Dun ako sa kabila mas gusto ko mga damit dun"
"Una ka na alam ko nanaman san yun eh. Tsaka binigay mo nanaman yung bayad sa dress. I don't need you here anymore wahahah"
Sinamaan ko sya ng tingin. Piste tong babaeng toh pagkakuha ng pera wala ng pake sakin. Ayos yan.
"Nakikita mo tong kamao ko? Baka gusto mong tumama to jan sa pagmumuka mo?"
"Wala na bang ibabawas yang kabrutalan mo? Syasya larga na hahanap pako ng sapatos ko"
YOU ARE READING
My Ideal Boyfriend Comes To Reality
RomanceMy ideal man is a guy with chinito eyes, has a nerdy glasses,who's a silent type but has a killer smile IF you're lucky enough to see. A guy who has the same taste of music like me. Who has an enchanting singing voice. Has a great skill in dancing...