Chapter 2: Short Chap.

42 3 0
                                    

Ivy's POV

Nakatingin pa rin ako sa lalaking naglalakad malayo sa kinaroroonan ko nang bigla akong tawagin ni Cristal.

"Uyy beshie"

"B-bakit?"

"Ang sabi ko tara na sa NBS"

"Ah ok"

"Ok ka lang ba besh?"nag-aalalang tanong sakin ni Cristal

"Oo naman"sagot ko

Kinalimutan ko ang lalaking yon at sumunod na sa NBS. Imposible naman kasing makita ko sya dito.

'Baka namamalik-mata lang ako'

Tumuloy na kami sa NBS at bumili ng mga pwedeng gamitin sa projects.
Habang iniisip ko kung ano pa ang pwedeng magamit ay nakita ko na may book sale ngayon na nakalagay sa isang sign.

Agad kong hinila si Cristal papunta sa book section at sinimulan ng pumili ng mga wattpad books.

"Huy te, pumunta tayo dito para bumili ng gagamitin sa school. Hindi para sa mga wattpad. Kung hindi Anime, Kpop kung hindi naman kpop wattpad naman. Besh baka gusto mo namang humawak ng librong hindi puro kalandian o patayan"

"Ang lalim naman nun besh. Tsaka minsan lang naman magka-sale eh para rin marami akong mabili"

"Huh? Anong sale pinag-sasasabi jan besh??"

"Di mo ba nakita yung sign dun? May sale daw ang NBS ngayon hanggang end of october kaya sulitin na natin. May nakita ako kanina nabili nya yung isang book ng 50php eh ang real prize nun nasa 400 "

Nanlaki ang mata nya at dali daling naghanap ng mga magaganda at bagong labas na libro.

"Bakit ngayon mo lang sinabi beshie?? Edi sana marami na kong nahanap na libro ngayon"

Napakagaling Kanina lang kung ano-anong pangaral ang sinabi tapos ngayon dinaig pa ang mangtotroso sa paghuhukay sa mga libro. Napailing na lang ako at hindi na sya pinansin.

Pagkatapos non ay pumunta kami sa isang restaurant dito lang din sa Mall.

"Beshie anong gusto mo?"tanong sakin ni Cristal ng makahanap na kami ng mauupuan.

"Kahit ano lang besh basta libre mo"

"Tsh. Ayan tayo eh"sabi nya at nginisian ako.

Tinawanan ko lang sya.

"Ice cream na lang besh"

"Yung manggo chocolate??"

"Yup"

Umo-ok lang sya at pumunta na sa counter para umorder.

Habang nag-aantay ay tumingin ako sa labas. Sa tabi kasi kami ng bintana nakapwesto kaya kitang-kita ko ang mga taong naglalakad sa labas.

And while watching the people outside I don't know why but I suddenly felt like something unexpected is going to happen....

Di ko alam kung saan ko nakuha ang pakiramdam na to pero feeling ko talaga may mangyayaring kakaiba. Nakaramdam ako ng kaba and at the same time some excitement.

Dumating si beshie at sinimulan na naming lantakan ang ice cream.

"Kaya di ako nagsasawa dito eh. It freaking taste so good~"

"Alam mo beshie di ka pa rin nagbabago. Simula nung bata tayo, simpleng ice cream lang masaya ka na. Pag-naiiyak ka dahil sa mga bullies o sa mga family problems mo kakain ka lang ng ice cream tapos parang bula na nawawala lahat ng lungkot mo. Yung tipong parang wala kang problemang pinagdaraanan. Yung tipo ring masasabi ko na lang na sana oll"
















Tanging tango na lang ang isinagot ko sa mahabang lintantanya nya dahil busy na ko kakalantak ng ice cream.

Heaven~~ @_____@




A/N:Sorry for the short and late update. Busy pang po talaga ako please do understand me. Para na kong mamatay sa sobrang hirap ng math. Malapit ko na rin pong ipasalvage ang hudas na nag-imbento nyan.

My Ideal Boyfriend Comes To RealityWhere stories live. Discover now