Chapter 4:Who Are You?

29 1 0
                                    


Ivy's POV

Isang linggo na rin ang lumipas ng magsimula ang klase namin. At sa isang linggo ring yon ay agad na sumikat ang chinitong transferee.

Kaya nga mas dumami ang mga babaeng laging masama ang tingin sakin.

Kesyo 'nakakainggit daw ako' 'ang swerte ko raw kasi katabi ko yung lalaking yun' at baka naman daw nilalandi ko na.

Kung ako lang ay matagal ko nang pinag-susupalpal ang mga babaeng yun. Pero dahil nga sa wala na kong pakealam at masasayang lang ang oras ko sa kanila ay hinahayaan ko na lang.

'Ang mga taong makitid ang utak ay hindi dapat pinagsasayangan ng oras'

Nasa bahay ako ngayon at naghahanda pa lang para pumasok. Nagmamadali na nga dahil baka maunahan pa ko ni Krystal sa school. Ayaw na ayaw ko pa naman kapag nangyayari yun.

Kasi para syang timang na kulang na lang magpapyesta dahil lang sa naunahan nya ko.

Masyadong 'big deal' sa kanya ang pagkauna nya kasi daw mabagal syang kumilos pero naunahan nya pa ko. Tsk tsk.

Bumaba na ko at dumeretso sa sala.

"Good morning anak. Kain na. Medyo bilisan mo lang kasi hinahanda na ata ng kuya mo ang sasakyan."

"Mag-sasandwich na lang po ako My baka kasi mainip na si kuya, iwanan pa ko" sabi ko at kumuha na ng dalawang tinapay tsaka humalik sa pisngi ni Mommy.

"Bye po my ingat po kayo sa trabaho mamaya"

Dumeretso ako sa labas ng gate at naabutan ang kotse ni kuya na nakaparada at mukang hinihintay na ko.

Sumakay na ako at nagsuot ng seat belt. Pinaandar na ni kuya ang kotse.

"Ayusin mo ang pag-aaral mo Ivy. Kailangan makapagtapos ka para matulungan natin si Mom. Lalo na ngayon na wala na si Dad"

Napatingin ako kay kuya nang bigla syang magsalita.

"Nag-aaral naman ako ng mabuti kuya. Tsaka don't worry sisiguraduhin kong magiging maayos ang trabaho ko kapag nakapag-tapos na ako"

"Very well then" huling sinabi ni Kuya at tumango.

Namatay kasi si Dad just a couple of years ago. Nasaktan din ako syempre dahil tatay ko ang nawala pero tinatagan ko ang aking sarili lalo na't mas nasasaktan si Mommy kaysa samin. Alam kong kahit ipinapakita nya saming okay lang sya ay umiiyak sya gabi-gabi dahil sa pagkawala ni Dad.

Ang magagawa lang namin ng mga panahong yon ay ang pagaanin ang loob nya.

Hindi naman sa naghihirap kami. The truth is may kaya pa rin kami kasi we have our bussiness na naiwan ni Dad kay Mom.

Pagkagraduate namin ni Kuya ay sya daw ang magmamanage nun. Para naman daw makapag-pahinga si Mom.

Gusto ko rin sanang maging parte ng company pero ang sabi ni Kuya ay sundin ko na lang daw ang pangarap kong maging fashion Designer.

Nakarating kami sa parking lot ng school at sabay na bumaba.

Hindi ako nakasabay sa kanya kahapon kasi maaga syang umalis. Kaya nagpahatid na lang ako sa driver namin.

Pagpasok sa gate ng school ay sinalubong ako ni Krystal.

"Good morning besh! Good morning din Kuya Ivan" nakangiting bati nya samin

"Morning"maikling sagot ni kuya at tumango na sakin. Senyales na aalis na sya.

Magkaiba kasi ang ang building ng school namin dahil 3rd year highschool na sya. Habang ako naman ay nasa 1st year pa lang.

My Ideal Boyfriend Comes To RealityWhere stories live. Discover now