Chapter 3: Transferee

39 2 0
                                    

Ivy's POV

"Kailangan ba talagang magkakaiba kulay ng damit mo?" Tanong sakin ni Krystal nang makita nya ko.

"Kesa naman sayo naka-all black. Ano may patay? Libingan? Ganern?"

Napasimangot naman sya sa sinabi ko kasi tama naman talaga ako.

"Buti sana kung yang all black na damit mo eh yung maangas. Ang kaso hindi muka kang namatayan na aatend ng libing sa istura mo"

Pano ba naman kase takteng yan naka-dress na black tapos may balabal pa sa braso. Tapos naka-stilettos na black din. Sino'ng hindi mag-aakalang hindi eskwelahan ang punta nya kundi sa sementeryo? Kulang na lang magsuot sya ng shades at sombrerong itim. Nakaklurkey si ateng.

Naglalakad kami papasok ng Academy ngayon ni Krystal. Hindi pa kasi binibigay yung mga uniform namin. Lintik na kasi yan. Dapat nung bakasyon pa binigay yun eh pero dahil nga sa makupad kumilos ang staff nganga kami ngayong mga studyante nakakabanas pramis.

"Besh shet muka ba talaga akong aatend ng funeral?"tanong nya habang nalinga sa paligid namin.

"Oo"

"Totoo?"

"Oo nga bakit ba paulit-ulit ka??"

"Eh kasi naman besh look oh pinagtitinginan ata ako ng mga studyante huhu"sabi nya na parang onting-onti push na lang iiyak na sya.

Napatingin naman ako sa paligid. Tama nga sya pero nagtataka ako kasi handi lang sya ang tinitignan ng mga studyante.

'Pati ako'

Shet problema ng mga tao dito? Yung iba nagbubulungan pa. Kakagigil tusukin ko mga mata nila jan eh.

"Wag mo na lang sila pansinin. Yan kasi nagsuot-suot ka pa ng ganyan pati tuloy ako nadamay"

"Iihh sorna nagmamadali na nga kasi ako kanina. Baka iwanan mo pa ko. Mabilis ka pa naman mainip."

"Sino'ng di maiinip eh mas makupad ka pa sa pagong" sabi ko sa kanya at umirap

Ngumuso na lang sya at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa room namin.

-- -- --

Kasalukuyan kaming nakaupo sa upuan namin at hinihintay ang teacher namin para sa unang subject.

"I heard there's a late transferee and he'll be our classmate daw"

"I know gurl sabi may nakakita na daw sakanya nasa guidance pa daw kasi inaayos yung mga papers ata"

"Oo nga ang sabi nung friend ko from other section he's gwapo daw hihihi"

"Ang conyo mo girl haha pero totoo gwapo daw?"

"Oo nga naka-glasses pero di daw sya mukang nerd ahihi"

"Talaga?? Gosh I can't wait to meet him!"

"Ako din! Tapos chinito daw yiee kinikilig na talaga ko!"

Nagkatinginan kami ni Krystal habang nakikinig sa mga kaklase namin na nag-uusap tungkol sa transferee na gwapo at chinito daw.

"Besh you heard diba? May gwapong transferee daw yiee"

"Oh tapos?"

"Chinito pa daw at nakaglasses yie diba yun yung mga tipo mo?"

"Lakompake"

"Ang Killjoy mo naman besh gusto ko lang naman malaman kung gwapo ba talaga"sabi nya at humagikhik

"Oo na lang para matapos na yung kalokohan mo"

Humarap na ko sa harapan at saktong pumasok ang teacher namin. Kaya tumayo kami para batiin ito.

"Good morning Mr. Sherman"

"Good morning class before we start I'll introduce you your new classmate. He's a late transferee that's why he wasn't with us yesterday"

Umugong ang bulungan sa classroom ng marinig ang sinabi ng teacher namin. Kaya agad silang pinatahimik. Pagkatapos sumanyas sya sa labas ng pinto.

At pumasok ang isang lalakeng matangkad,chinito, at nakasalamin. Makinis ang balat at maputi. Pumunta sya sa tabi ng teacher at humarap sa amin.

'Tama nga sila ang gwapo nya at parang......pamilyar ang muka nya'

"Please introduce yourself iho"sabi ni sir at magalang na tumango ang lalaki sa kanya.

"I am Clyde Blake Hamilton. You can simply call me Blake. I'm turning 17 this year nice to meet you all"sabi nya at bahagyang yumuko.

"Hala shet ang gwapo nga nya!"

"Angas ng pangalan bro"

"Oo nga eh. Tsaka maitsura din"

"I can die right now!"

"Gurl help nahulog ata panty ko"

Napataas ang kilay ko sa huling narinig ko.

'Gusto mo ipulupot ko yung panty sa ulo mo para di mahulog?'

"Mr. Blake here will be part of your section so please be nice to him"sabi ni sir samin at tumango naman ang mga tukmol kong kaklase.

"You can take your sit now Mr. Blake. There's no seating arragement yet so you can choose where you wanna sit."

Tumango ito at naghanap ng mauupan. Kaya umingay ulit sa classroom dahil nga sa kanya.

"Dito ka sa tabi ko umupo blake"

"Anong jan? Dapat dito!"

"Blake may seat pa dito sa tabi ko oh!"

"Dito ka na lang pakopyahin pa kita!"

Tang'nang yan. Ang ingay nila. Parang mga haup na nakawala sa selda. Sarap busalan ng mga bibig.

Habang inis na inis ako sa mga nasa takas mental sa paligid naramdaman kong may umupo sa gilid ko na bakante.

Hindi ko na dapat papansinin kung hindi ko lang nakita yung muka ni Krystal. She looked like she saw a freaking ghost.
At dahil takot ko na lang sa multo hinarap ko ang nasa tabi ko

Hindi ko alam na mas nakakagimbal pa pala ang makikita ko.

'Pakshit naman ba't dito pa umupo toh?!"

Ang umupo lang naman sa tabi ko ay walang iba kundi si Mr. Transferee.

Saglit kaming nagkatinginan ngunit sya ang unang umiwas at tumingin na sa harapan.

At hindi ko na kailangan tumingin sa paligid para makita ang mga matatalim na tingin ng mga haliparot sa classroom.



Hays. What a Life



A/N:Finally updated thank u for reading and don't forget to voment!

My Ideal Boyfriend Comes To RealityWhere stories live. Discover now