CHAPTER 30

85 8 0
                                    

(Chapter 30: EXAM ft. Lights off)


NEIL MORISSON CRISTOBAL

"Lil'sis, ang aga mo naman." puna ko nang makasalubong ko siya sa isang bench dito sa Paaralan.

Hindi siya kumibo dahil abala siya sa pagbabasa ng libro.

"Aba, iyan yung libro na pinahiram sa akin ni Oyan nung nakaraang taon. Paano napunta sayo iyan?" gulat kong tanong.

Mabilis niyang isinara ang libro at nakasimangot akong tiningnan.
"You know what? Mas mabuti kung umalis ka na sa paligid ko kasi plano kong talunin ka sa ranking. Kapag nakikita kita na walang ginagawa, pakiramdam ko masyado mo akong minamaliit."

Napairap ako sa kawalan bago hinipan ang bangs niya na natatakpan ang makapal niyang noo.
"Nako, walang tatalo sayo. Ang kapal ng noo mo, mukhang maraming laman." asar ko na ikinainit ng ulo nito saka hinampas sa mukha ko yung libro at pinasakan ako ng papel sa aking bibig.

"Ayan, isaksak mo sa malaki mong bibig. Nang matahimik ka, pakboy!" sigaw nito bago tumakbo palayo.

"Duwag ka, Namshen! Lalampasuhin kita sa Nationals bukas!" naiinis na sigaw ko bago kinuha yung papel at inihagis iyon sa mga nakakita.

"Oh, ano titingin pa ha?" maangas na tanong ko.

Plano ko pa naman pagbigyan siya kaso mataas ang lipad ng kapatid ko kaya bahala siya, sabi rin naman ni Papa ay seryosohin ko ang Deal nila.

















AUGUSTINO CASTILLO

"Baby ko.. Say ah~" masayang sabi ni Celine bago isubo sa akin yung cake na binake niya. "Ano? Masarap ba?"

Tumango ako bago muling nagbasa.

"Hay nako, sana hindi mo na lang ako pinapunta rito sa room niyo kung hindi mo ako papansinin." nakanguso na sabi niya.

Umiling ako bago siya tingnan.

"Pasensya na, ayoko lang mababa ang makuha ko sa Nationals para bukas. Alam mo namang big deal sa lahat ng magulang ang Exam na iyon." paliwanag ko.

Natahimik ito bago tumingin sa iba kong ka-blockmate na kanina pa kami pinagmamasdan.

"Gusto niyo? Ayaw ng boyfriend ko kaya ipapamigay ko na." nakangiting paanyaya na sinang-ayunan ng karamihan sa lalake kong ka-blockmate at kaagad na nagsilapitan kay Celine na feel na feel ang atensyon na nakukuha.

Nang maubos niya ay saka siya bumalik sa tabi ko at sinabayan ako sa pagbabasa.
"Pareview ako, ayoko bumagsak bukas." pakiusap niya bago inihilig ang ulo sa aking balikat.

Itinaas ko ang braso ko para maalis ang pagkakapatong niya bago tinuro yung mga binigyan niya ng cake.

"Doon ka sa kanila, huwag ka rin magreview." turo ko.

Sumimangot siya at akmang tatayo ng akbayan ko siya.

"Para sa akin ka bumagsak." sabi ko sabay kindat sa kanya.

Nagpipigil siyang ngumiti kaya isinarado ko yung libro at inabot sa kanya.

"Bago ka kiligin, siguraduhin mong hindi ka babagsak bukas. Dapat sa akin ka lang bumagsak." huling sinabi ko bago siya hilahin palabas dahil masyado ng matagal ang tingin ng mga nakapaligid sa amin.












NAMSHEN EMERALD CRISTOBAL

"Mababa pala ang alcohol tolerance mo." napapailing na sabi ko habang kaharap si Zild dito sa Library. Kasabay ko siya magreview para bukas.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon