12

156 3 0
                                    

"Riley, are you busy?" tanong sakin ni Ate Carla

"Nope ate, why?

"Pa-help naman si Mae magcheck nung mga stocks natin sa stockroom." pasuyo niya sakin

"No problem." pagsangayon ko

"Tara na Riley." inaya na ako ni Ate Mae papuntang stock room.

"Lezgooo!"

Pagdating namin ni ate, tinanggal na niya ang lock at pumasok na kami sa loob.

"Wooooah, ang laking kalat nito ate ha?" natatawa kong sabi

"Shhh. wag ka maingay, baka may makarinig sayo" sita niya sakin habang natatawa rin

"Totoo lang naman." medyo mahina ko nang sabi

"Mas magulo pa to nung kakarating ko lang dito sa kumpanya, ako na lang nagmalasakit na ayusin pakonti konti pag wala ako masyadong ginagawa." sabi ni ate habang binibilang yung ibang stocks

"Alam mo, tutulungan na lang din kita dito kapag wala rin ako ginagawa." sabi ko habang nagliligpit nung iba pang kalat

"Napapansin ko pala ha, kayo ni Kris, medyo malapit kayo?" intriga ni ate sakin, like enebe

"Parehas lang siguro kami ng trip, kaya naging close kami agad." paliwanag ko sa kanya

"weh?"

"Issue ka naman masyado te." natatawa kong sabi

"Pero alam mo yung opposite attract?" ano na naman kaya tong sinasabi ni ate

"Ano naman yan ate?"

"Kayo ni Matthew." sabi niya na natatawa

"Kulang na nga lang magsuntukan kami non, kay Kris mo na lang ako asarin." sabi ko

"Sus, kanina pa-arte-arte ka pa pero... bagay talaga kayo ni Matthew ha." kulit ni ate

"Malapit na ako mawalan ng galang sayo ate." natawa kaming dalawa sa sinabi ko

Pagtapos namin ni Ate Mae, bumalik na kami sa pwesto namin, tahimik silang lahat na nagtatrabaho, hindi nga ata nila napansin na nakabalik na kami e. Lumapit kami ni Ate Mae kay Ate Carla para sabihing tapos na kami sa pinapagawa niya.

Pagkaupo ko ay binuksan ko agad yung computer ko. Dami na agad notifications ah. Tinuloy ko muna yung trabaho ko para di ako matambakan, mahirap na. Anong oras naba? hmm. 6pm na pala. Habang nagpapaka-busy ako sa trabaho, nag vibrate yung phone ko. Sino naman kaya ang nag-txt? tss

-----------------

From: Unknown

Good day Sir/Maam, i would like to inform you that there will be a last batch of enrolees on monday, 10 am. If you didn't get the chance to join our University, you shouldn't miss this time. See you there! :)

-----------------

Omygashh!!!!!!! Since Friday na ngayon, sasabihin ko na lang mamaya, bago ako mag-out, kay Ms. Arlene na hindi ako makakapasok sa Monday. They will understand naman, sinabihan naman nila ako na magsabi lang kapag kailangan ako sa school.

7:05 pm

Tapos ko na lahat ng gagawin ko. Magpapa-alam na ako. Tumayo na ako at pumunta sa pwesto ni Ms. Arlene

"Hello po Ms. Arlene" pagbati ko

"Oh, Hello rin Riley. What's up?" cool niyang bati sakin

"Magpapaalam lang po sana ako kasi hindi po ako makakapasok sa monday kasi may enrollment po ako non." malumanay kong sabi

"No problem. Good luck sa enrollment mo." and she smiled at me

"Thank you po." sabi ko saka bumalik sa pwesto ko at naupo.

7:15 tagal pa mag-uwian. Nag-iisip ako ng pwedeng magawa nung bigla kong nausog yung inuupuan ko, naalala ko, may gulong nga pala. Owwww. I have an idea na. Inusog ko yung upuan ko sa pwesto ni Ate Mae,

"Tapos kana Gurl?" tanong ko sa kanya

"Kakatapos lang, aayusin ko na lang dito." sagot naman niya

umusog ako ulit sa kabila niya, sa pwesto naman ni Kris,

"Hi Papa!" pagbati ko sa kanya

"Heh. Papa ka diyan?" sagot niya habang nakatitig pa rin sa ine-edit niyang picture.

"Patapos kana? Ang ganda na niyan ah." No landi involved, maganda naman kasi talaga yung artwork niya.

"Finishing touches na lang, tas save na." seryoso pa rin siyang nakatitig sa screen

Ayoko na magsalita, baka sabihin niya papansin ako and baka magalit kasi imbes na naka-focus lang siya sa ginagawa niya, nanggugulo pa ako. Konting oras na lang naman maguuwian na rin.

"Ayan, na-save ko na. Wag kana sumimangot diyan." natatawang sabi ni Kris

"Bat naman ako sisimangot?" takang tanong ko

"Baka kasi uwing-uwi kana, nandyan naba school bus niyo?" panga-asar pa niya sakin

"Heh, ewan ko sayo." sagot ko sa kanya

"Tama na landian, uwi na tayo." yaya samin ni Ate Mae

"Lezgo!" pagsangayon ko

Tumayo na rin si Kuya Xander at Matthew. Nagpaalam na kami sa iba at saka lumakad na palabas. Habang papunta kami sa elevator, umakbay sakin si Kris. Ganyan siya lagi, pa-fall, hmp, char hahaha. Nasanay na ako sa mga galawa niya, di na ako awkward sa kanya, kaya nga kami laging inaasar. Paglabas namin ng building ay nagpaalam na ako sa kanila, ako lang kasi ang naiiba ang daan pauwi.

"Oiii! Mag-message ka kaya kung nakauwi kana." sermon sakin ni Kris, kasi nung nakaraan niya pa sinasabi sakin yan, sa tagal ng byahe ko, super antok na ako pag-uwi noh!

"Pag-naalala ko." sigaw ko habang naglalakad na patalikod sa kanila, humarap lang ako saglit para kumaway

Right but WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon