Tulala akong naglalakad papunta sa bahay. Pinipigilan kong umiyak dahil ayaw kong tanungin pa ako nila mama. Natatakot ako sa mga salitang pwede kong marinig mamaya. Hindi ko alam kung pano iintindihin yung huling message ni mama.
Nakarating na ako sa tapat ng gate namin. Mahigit limang minuto na akong nakatayo rito, naghahanda sa mga pwedeng mangyari. Huminga muna akong malalim bago kumatok, isa, dalawa, at bago pa ako kumatok sa pangatlong beses ay lumabas na si mama para pagbuksan ako. Pagkabukas ay nagdalawang isip pa ako kung papasok ba ako.
"Tara na at kakain na tayo." sabi ni Mama sa malumanay nitong boses
Pumasok na ako at nagmano.
"Sa kwarto muna ako ma." sabi ko habang nakayuko at saka pumunta sa kwarto
Pagkapasok ko ay sinara ko na ang pinto at humiga sa kama kasabay ng pag-iyak. Hindi ko na napigilan ang kanina pang pilit tinatagong mga luha. Paghahabol ng hininga dahil sa pagpigil ng mga tunog na pwedeng marinig nila mama, pero mukhang hindi ata successful; may kumatok
"Nak, papasok ha." sabi ni mama mula sa labas at saka binuksan ang pinto
Nakatalikod ako sa direction niya ngayon. Tuloy pa rin ako sa pagiyak. Umupo si mama sa bandang likuran ko.
"Tama na yan, nak." sabi ni mama habang hinihimas ang likod ko
"Baka hindi talaga para sayo yung school na yon. Malay mo naman sa susunod na taon kung mapunta ka sa mas magandang school."
Nagpunas ako ng luha
"Ma, bukas na lang po ako kakain."
BINABASA MO ANG
Right but Wrong
RandomI just realize that i have feelings for him, But, It's too late.