13

140 3 0
                                    

Monday

"Bakla, aabot kaya tayo?" sabi ko sa kaibigan ko, si Mark or Marie sa gabi HAHAHAHAA nagpresinta kasi siyang samahan ako kasi wala rin siyang ginagawa sa bahay nila at enrolled and tutulungan na rin ako.

"Patience, Bakla. Patience. Tingin ka muna sa mga boys diyan oh. Tignan mo yung nandon malapit sa garden oh." sabi niya. Feeling ko talaga sumama lang to para makakita ng boys e. Pero medj bongga naman yung tinuro niya, moreno na parang may 1 month na sa gym.

"Yoko muna sa ganyan sez. Nasasaktan pa ako." emote ko sa kaniya

"Di ko naman sinabi na makipaglandian ka don, tinuro ko lang sayo kasi ako ang lalandi sa kanya." taas kilay niyang sabi sakin

"Ay ganon ba, sorry naman." natatawa kong sagot

Tawanan lang kami ng tawanan, chikahan tungkol sa mga boys habanng nagaantay kami na matawag name ko. Kanina pa kami dito mga 11 am, malapit na mag 1 pm. Bago pa man ako matawag, 1:30, naglagay sila ng sign sa pinto na ubos na ang slots. Nagkatinginan kami ni Mark, lumapit siya sakin. Nagpapanic na ako inside. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Try natin kausapin sa loob sis, baka pwede ka pang maisingit kahit sa ibang course." pagpapakalma niya sakin, sumangayon na lang ako sa kanya at kumatok na sa pintuan. Binuksan naman agad ang pinto at pinapasok kami. Pinakausap kami sa nagaasikaso ng enrollees.

"I'm sorry sir, pero full na talaga ang slots sa lahat." sabi niya samin

"Ma'am, please. Kailangan ko pong makapag-enroll. Please." sabi ko habang namumuo na ang luha sa mata ko

"Sorry talaga sir, lumagpas na nga kami sa dapat na meron lang sa isang section e."

After niyang sabihin yon, na-blanko na ang pagiisip ko. Paano ako uuwi. Huminga akong malalim para pigilan ang mga emotion na nararamdaman ko. Tumayo na ako, ngumiti at nagpasalamat pa rin. Inaya ko na lumabas si Mark. Naglakad na kami palabas sa school.

"Alam mo sis, pwede pa yon e. Ano ba naman yung magsingit sila kahit isa tutal lumagpas naman na sila sa bilang." galit na sabi ni Mark, ganyan siya lagi kapag feeling niya naapi kaming magkakaibigan

"Hayaan mo na sis. Baka hindi talaga para sakin ito." sabi ko sakanya habang nakangiti

"Hindi kasi yan pwe-"

"Chat mo na lang sila Lian kung pwede sa kanila, dumiretso tayo don." pagputol ko sa kanya. Malapit lang kasi dito bahay nila Lian, isa pa naming kaibigan. Ayoko muna umuwi.

"Sis, pwede raw. Makakasama din pala si Maris." update sakin ni Mark

"Nice. Tara na." pag-aya ko sa kanya

Gusto ko na lang mawala sa isip ko, kahit saglit, yung katotohanang hindi ako makakapag-aral ngayon dahil sa kapabayaan ko.

"Gusto mo mag ice cream muna, siz?" tanong sakin ni Mark nang may madaanan kaming bilihan

"Mamaya na lang pag magkakasama na tayo." plain kong sagot sa kanya

Tuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa bahay nila Lian, kumatok na kami at di rin naman nagtagal ay pinapasok na niya kami.

"Bakla, kamusta ka?" tanong sakin ni Lian

"Ayos naman ako. Asan na pala si Maris?" Pagiiba ko sa topic

ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin si Maris.

Right but WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon