17

244 5 1
                                    

Days have passed and we are becoming more busy than the past days. Lahat kami ay tutok na tutok sa sari-sarili naming computer.

*ding* sino kaya tong nag chat?

Ms. Arlene:
Hi Riley, please check the file that I'll send you. Gagawan mo yun ng caption for our facebook post and for the photo editing you can ask Matthew for help.

Tama ba yung nabasa ko? Ask Matthew for help? Hmmm This is going to be a loooooooong day.

Noted Miss.

-----------------------------------------------------

Matthew:

What if you try adding some
texture to the picture so that
it will look more alive?

Stop ordering me, i know
what I'm doing.

"Suggestion"

👍

( We've been like this for 30 minutes, gosh ang hirap niyang katrabaho. Masira sana keyboard niya, kala mo naman kung sino. Kung di lang busy si Kris, di ako sa kanya hihingi ng tulong as suggested by Ms. Arlene. )


Ms. Arlene:
@/Riley @/Matthew any updates?

Still working on it Ms.

Matthew:
About to finish..

Ms. Arlene:
I'll check it by 2, ok.

Noted :)

Matthew:
👍

Time check: 1:30 pm

Still have 30 minutes. Tapos na ko magisip ng caption, but he's still doing some finishing touches.

Are you done?


Matthew:
Wag mo ko madaliin.

( apaka talaga!!!!!!! )

Bago pa mag 2pm ay sinend na namin kay Ms. Arlene yung pinapagawa niya. We're just waiting sa kung anong sasabihin niya if ok naba or may babaguhin.

"Riley, Matthew come here." Tawag samin ni Ms. Arlene

Lumapit na kami. Hindi naman ako kinakabahan pero i know that somethings not right here.

"Im going to be straight forward with you two, This isn't connected to each other. Maybe some are connected but the whole doesn't have the feels the reader should get." Sabi ni Ms. Arlene, tahimik lang kami sa harap niya waiting for more

"Work as one, not the other way around." Payo niya samin. Hindi naman siya galit, nag advice lang.

"We'll do our best Ms. Arlene." Sabay naming sabi ni Matthew, napatingin pa kami sa isa't isa pero agad din namang binawi

"Mag Lunch na kayo but i need the revised copy by 4pm." Sabi niya

"Ok po." Sagot ko, tumango lang si Matthew at sabay na kami tumalikod pero as usual ay nauna na siyang maupo sa pwesto niya.

Inunlock ko na yung laptop and may nakita akong message, chineck ko na rin yon bago ako kumain.

Matthew:

What if you try adjusting your caption
to my artwork.
"Suggestion"

👍

Boss ka GHourL? Tinignan ko yung pwesto niya, wala na siya sa doon. Malamang ay nasa pantry na para mag lunch. Wag sanang sumakit tiyan mo sana.

Ang sabi naman samin ay connected ang ibang parts so konting revisions lang siguro to, i just need to focus on his artwork more.

"Kain na tayo." Pag-aya sakin ni Kris na tinapik pa ang balikat ko

"Una na kayo. Need na kasi to ni Ms. Arlene mamayang 4." Paliwanag ko sa kanya

"I'll wait for you na lang. Need help?" Sabi niya, sana talaga ito na lang kapartner ko e hindi yung bwisit na Matthew.

"Uy wag na. Mag lunch kana doon." Pagpapabebe ko

"No. Usog ko lang upuan ko, dito muna ako sa tabi mo." Oh god. Help me. Please.

"Ahmm ok?" Natawa kong sagot

20 minutes and I finished doing my task. Kris tried helping me but i refuse because him staying here is enough knowing that I am not on my self today. Sinend ko na kay Ms. Arlene yung gawa kong caption.


"So, lets go?" Tanong niya

"Ok." Sagot ko, kinuha ko na yung baon ko then nagpunta na kami sa pantry.

---------------------------------------------------

Pagdating namin sa pantry, pumunta kami sa pwesto nila Ate Mae para maki-table.

Seat Arrangement:

              Me  
               □     □
Kris □                □ Mae
               □     □
            Matt  Alex

"Tapos mo na yung ginagawa mo?" Tanong ni Ate Mae

"Sa awa ng diyos." Sabi ko na natatawa bago magsimulang kumain

"Grabe yan! Hindi man lang ako pinapansin kanina habang kinakausap ko siya." Pagmamaktol ni Kris

"I'm busy, baka kapag kinausap kita e di na ko matapos doon." Sagot ko naman

"Diyan nagsimula Lolo't Lola ko." Pangasar ni Kuya Alex

"Shhhhhh." Pagpapatahimik ko sa kanya sabay kain

Habang kumakain ay nagtatawanan at nagtatanungan lang kami.

"Anong mga ayaw mong pagkain?" Tanong sakin ni Ate Mae

"Hmmmm mga laman loob. Atay, isaw, lahat! Ang pinaka weird na nagustuhan ko lang Dinuguan." Sabi ko

"Ako, wala ata. Parang halos lahat kinakain ko naman." Sabi ni Kris na nagiisip pa din kung meron ba siyang di kinakain

"Ohhh. Any food na merong bagoong isda is a big No for me." Pahabol ko

"Why tho? Ang sarap kaya. Lalo na pakbet!" Paglaban ni Ate Mae

"Lalo na yung Okra." Sabi ni Kuya Alex

"Seriously Kuya Alex, Okra?" Arte ko pang nandidiri

"Oo nga. Masarap kaya." Pamimilit ni Kuya Alex

"You should try it sometimes." Sabi ni Kris

"No. Ayoko kasi nang amoy ng bagoong. Yung okra naman, di ko malaman kung gusto niya bang maging gulay o slime. Basta di ako kakain niyan." Pagpapaliwanag ko sa kanila

Natawa naman sila sa sinabi ko.

"Damang dama mo yung pageexplain ha." Ate mae

"Ang arte." A comment from someone who hasn't been paying attention nor belong in our conversation.

I was shocked by the sudden comment. It caught me offguard.

I get my things then walk out living them.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Right but WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon