7

237 3 0
                                    

Monday

Maaga ako pumunta sa school kasi pinababalik ako para maayos course ko. Pagdating ko ay dumiretso na ako sa auditorium kasi may seminar. Pagtapos pa nitong seminar kami makakapagusap sa masscom faculty kaya naghanap na ako ng magandang mauupuan. Hindi ko naman inaasahan na tatagal pala ng dalawang oras yung seminar. hays pero atleast natapos na, makakausap ko na sila. Pagpasok ko sa faculty ay naupo na ako ulit sa tapat nung head, si Ms. Olivar

"Kamusta? ayaw mo ba talaga mag mass com? sayang naman kasi." tanong niya sakin

"naku maam, hindi po kasi talaga maisip na mag masscom." sagot ko sa kanya

"desidido ka na nga talaga. sige, tatawag ako sa head ng Entrepreneurship, si Ms. Lee."

" thank you po, maam "

kinuha na niya yung phone niya at denial na siguro ang number ni Ms. Lee. pero walang sumasagot kaya tinawag niya ang assistant head nito. base sa paguusap nila, mukhang wala roon si Ms. Lee, at babalik mamayang 1 pm, 11 am pa lang. hays. tsk. sinabi rin nila na wala dito ang entrep faculty, nasa kabilang branch na kailangan pa bumiyahe, dalawang sakay. aga agang pagsubok pero tinuloy ko. bumiyahe na ako papunta sa isa pang branch nung school at nagtanong kung saan banda yung faculty at doon nag antay.

30 minutes na ang nakakalipas matapos mag 1pm pero wala parin dito si Ms. Lee. Ano kayang balak ni maam. Inuugat na ako kakaantay dito. Hays. Bago mag 2 ay dumating na rin si maam. pinapasok na niya ako sa loob at kinausap.

"Good afternoon po maam." pagbati ko sa kanya

"Good afternoon din, kanina ka pa ba? dami ko kasing inasikaso." sabi ni maam

"Hindi naman po maam.' pagsisinungaling ko.

"So, para paka sa concern mo, namessage na sakin ni Ms. Olivar yon. I'll check kung meron pang slots."

"ok po maam." inaantay ko lang na makita niya iyon. pano pala kapag wala ng slot? ano na mangyayari sakin?

"Ahmm Mr. Tan, im so sorry pero wala na tayonh slot sa Entrepreneurship, kahit sa Marketing ay full na rin."

"Hala maam. ano po kayang pwede kong gawin?" kinakabahan ko ng tanong. hindi pwede to. pano na ako

"Sa ngayon, wala. Pero may chance pa na magka-slot kasi unstable itong list na to kasi hindi natin sure na lahat ng enrolled ay desidido na. we'll post an announcement about this matter." sabi ni maam

"ok po maam, salamat po." lagot ako kay mama nito.

sumakay na ako pauwi samin. pagbaba ko ng jeep, may tumawag sakin, Kuya Raymond, pinsan ko.

: Enrolled kana ba?

me: Hindi pa nga e, puno na daw ang slots. pero may chance daw na magkaslots, ipopost na lang daw nila.

: Hmmm. kailan naman kaya nila ipopost yon?

me: Hindi ko lang alam. August pa naman ang pasukan

: matagal pa pala. Ay nako, sayang ang oras, may dalawang buwan ka pa para magantay, mag-intern ka muna dito samin.

me: Pwede naman kuya pero magpapaalam muna ako kay mama, di pa nga niya alam na hindi pa ako enrolled e.

: Sabihin mo na agad kay tita ha. tapos mag ready ka ng CV na ipapasa mo dito sa work kapag pinayagan ka

me: Sige kuya. Salamat

binaba na niya yung tawag. di ko napansin na nasa tapat na pala ako ng bahay. pumasok na ako at sinabi na kay mama yung nangyari sa school. pinagalitan niya ako kasi syempre kung mas maaga kong naasikaso yon baka enrolled na ako. pinaalam ko na rin sa kanila yung trabaho na sinabi nung pinsan ko. sinabi niya lang na paano yung enrollment ko, pero desisyon ko rin naman daw kaya bahala daw ako basta magaaral pa rin ako.

Right but WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon