The Chase

5 0 0
                                    


CHAPTER FOUR

“No! Kairu…”

“Ate! Ate gising!”

Napabalikwas siya nang bangon ng marinig ang boses ni Cassie kasabay ang pag alog nito sa braso niya. Napahawak siya sa kanyang pisngi nang maramdaman ang pagpatak ng luha doon. Napanaginipan niya ang pagbalik niya sa hospital noon para kay Kairu pero wala na ito.

“Ate naman ilang araw ka nang ganyan. Hindi mo naman inaamin na may problema ka kahit pati ako ay nagigising sa pagsigaw mo habang nananaginip ka. Ano bang napanaginipan mo?”
nakakunot noo nitong iniabot sa kanya ang dala nitong tubig. Tinanggap niya iyon pero hindi siya uminom.

“Kairu and I… we .. we broke up.”

“Sus! Ate panaginip lang yan! Mahal na mahal ka kaya non.”

Napatanga siya sa sinabi ng kapatid.

“Ho-hoy ate?” tinampal siya nito sa braso.


“Aray!”

“Don’t tell me… break na nga kayo?”

Alangang tingin ang isinalubong niya sa nanunuring mata nito at nagulat siya ng tumawa ito.


“Ikaw ate ha? Muntik mo na akong mapaniwala!” hinampas hampas pa siya nito ng unan.

Kung sana nga lang ay panaginip lang na hindi siya nito sinundo at inihatid pauwi.

Kung sana ay panaginip lang na wala na itong text sa kanya mula ng maaksidente ito.

Kung sana ay imahinasyon lamang ang hindi nito pagpaparamdam sa kanya sa loob ng tatlong araw.

Muli ay nag unahan sa paglandas sa kanyang pisngi ang mga luha na hindi pa pala nauubos sa kanyang mga mata.

“Ate… totoo ba? ” nag aalalang tingin ng kapatid niya sa kanya. Tumango na lamang siya habang niyayakap siya nito.

“I can’t believe this!” bulalas nito pero maya maya ay tinitigan siya. “But I think I know the reason.”

“Alam ko. Ako nga. Ang tanga ko e. I was so occupied with...”

“Sayang ang pagdo-doktor mo kung ngayon mo lang narealize na kaylangan ang time sa isang relationship.”


“Hindi naman napag aralan yan.”


“Yun na nga, ‘coz it comes naturaly ate. Hindi mo kailangang pag aralan kung paano bibigyan ng oras ang boyfriend mo. Kung tutuusin nga mas mahirap pa dun yung mga pinasa mong subjects sa Med.” napabuntong hininga na lamang siya sa sinabi nito.


“I can save little child and even babies. But I didn’t save our relationship.”

“So what now?” inihiwalay siya ng kapatid mula sa pagkakayakap dito at pinakatitigan siya nito.


“I will resign.” Hinampas siya nito sa balikat. “Ouch!”


“Hindi yan ang solusyon diyan! Pag nag resign ka ba babalik siya?”

“No?”


“No! Baka nga lalo ka niyang iwan dahil wala ka nang trabaho.” Pinanlakihan niya ng mata ang kapatid. “Joke lang yun syempre pero ate. I have a suggestion.”

“Ano?”

“Court him!”

“Huh?”

Cure The Doctors Heart💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon