The Last Time

1 0 0
                                    

CHAPTER THREE



Janina’s heart is beating so loud, she can’t hear anything around her. Masama iyon bilang doktor dahil kailangan ay nakafocus siya palagi sa kaniyang ginagawa. Ngunit mula pa lang ng magising siya ay kakaiba na ang tibok ng kanyang puso.

“What’s happening?” she unconsciously muttered.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag at ini-on iyon. She immediately called her sister. Baka may nangyari sa bahay nila o kaya ay sa isa pa niyang kapatid na kasama ng mga magulang nila sa flower farm.

“Hello sis! Himala nagamit mo ata ang plan ng cellpnone mo? Kikita na sayo ang Smart!”

“May nangyari ba Cassie?”

“Hah? San?”

“Sa bahay? Kay Mama at Papa? Sayo? Kay Mariole?”

“Huh? You’re weird sis. Pero may nangyari nga, nabiktal yung string ng gitara ko. Pabili naman bago ka umuwi.”

“Napaka ayos mo talagang kausap Cassie. Kanina pa ako kinakabahan dito.”

“Huh? Baka may surprise na naman sayo si kuya Kairu kaya ka ganyan.”

“No! Kairu can’t be the reason of this negative feeling. Parang may nangyaring masama eh.”

“Hala? What if something bad happens to him?”

“Wag kang magsalita ng ganyan!”

“Aray ate. Wag kang sumigaw doktora nasa hospital po ikaw.”

“Im sorry. I’ll hang up.”

“Oy  ung string!”

“Oo.” Nang matapos ang usapan nilang magkapatid ay tinawagan niya naman si Kairu. Pigil ang hingang hinintay niyang sagutin nito ang cellphone pero ring lang iyon ng ring. Ilang beses pa niya itong tinawagan ngunit ganoon pa rin. She called his bandamate Blue and he picked it up.

“Hello Blue? Pasensya na sa abala pero alam mo ba kung nasan si Kairu? He’s not answering my call.”

“Ikaw ba yan Janina? Pasensya ka na ha, kakagising ko lang kasi. I’ll try to call him too.”

“Ah.. eh… sige salamat.”

Si Lee namana ng tinawagan niya.

“Lee do you know where Kairu is?”


“No but last Wednesday kasama namin siya ni Cloud.”

“Hindi ko siya ma contact eh. He didn’t even text me this morning.” Kairu texts her ‘I love you’ three times a day.

“I’ll try to call him.”

When the call ended, she felt numb. Kairu can’t be in danger. She’ll die.


...


Kairu's POV

“Kairu ? Nakikita mo ba ako? Anong masakit ?” nanlalabo ang paningin ni Kairu habang nakatitig kay Cloud.

Naramdaman niya ang pagkirot ng ulo at nang hawakan niya iyon ay saka lang niya napagtanto na may benda pala doon. He tried to get up.

“Huy, wag kang magulo ” pilit na inihiga siya nito.

“What happened Cloud?”

“Anung what happened? Kutusan kaya kita diyan? Isipin mo!”

Cure The Doctors Heart💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon