CHAPTER SIX
Nangangalay na ang leeg ni Janina sa pagtanaw sa cellphone niya sa tokador. Ilang gabi na niyang pinapanalangin na sana naman ay pansinin na siya ni Kairu pero wala pa rin. Siguro ay pati ang May Kapal ay pinarurusahan na rin siya dahil sa pagwawalang bahala niya sa pagmamahal ni Kairu.
Araw araw ay nag hihintay siya sa labas ng opisina nito pero palagi na iyong naka lock. Hindi siya naalis doon hanggat hindi nalabas si Kairu para kumain kasama ang mga business partners nito. Hindi na siya makahuma tuwing may kasama itong malalaking personalidad. Napansin lamang niya na hindi ito kumakain mag isa at dahil doon ay hindi siya makalapit.
Sa huli ay nadaan siya sa St. Francis upang kumustahin ang mga dati niyang pasyente bago umuwi. Tinotoo niya ang salita na mag leleave siya upang muling mapasakanya ang atensyon at pagmamahal ni Kairu.
Dahil wala siyang magawa sa bahay ng araw na iyon at ayaw naman niyang istorbuhin ang kapatid sa kwarto nito ay naghalikwat na lamang siya ng mga lumang gamit na nasa luma niyang aparador. Napalupasay na lang siya ng makita ang picture album nila ni Kairu na puno ng mga compiled shot’s nila since college.
"Kairuuu..." naiiyak na bigkas niya habang binubuklat ang mga pahina. Pinapabayaan lang niyang umagos ang luha at pumatak ang mga iyon sa mga larawan. Bawat pahina ay nagpapaalala sa kaniya ng pagmamahal, pag aalaga, pag iingat at pagtatangi sa kaniya ng lalaking minamahal. Nakita din niya ang larawan nila noon na kinuhanan sa kanilang garden three years ago. Birthday niya noon at si Kairu ang nag plano ng isang surprise birthday party para sa kanya.
"Sorry na..." nanghihinang bigkas niya habang hinahaplos ang mukha nito sa larawan. He was hugging her in the picture and her head was on his chest. That was the position she missed. Being inside Kairu's arms while listening on his heartbeat makes her existance worth living.
"Come back my Kairu. I promise I'll be good this time" kasabay ng pag iyak at pag hikbi ay ang pagyakap niya sa album. Nang tumunghay siya sa tokador ay nakita niya ang picture frame nila ni Kairu. Katabi ng frame ay nakalapag ang wrist watch na regalo nito sa kanya. Sa kama niya ay ang unan na pasalubong nito galing sa France. Napapikit na lamang siya dahil sa pagsakit ng dibdib habang nakikita ang mga bagay na nagpapaalala ng pagsinta nito sa kanya. Naramdaman niya ang kwintas sa kanyang dibdib at napahagulhol pa lalo ng makita ang singsing na galing kay Kairu. Ginawa niyang pendant ng kwintas ang singsing na hindi niya mailayo sa sarili mula nang maghiwalay sila nito. Si Kairu lamang ang tanging nilalang na may karapatang magsuot sa daliri niya ng singsing na iyon.
Napagawi ang tingin niya sa isang kahon at pigil na pigil ang pag palahaw na inalis ang takip nito. Sumakit ang lalamunan niya sa pagtitis ng hikbi ng makita ang mga bookmark. Dahil malalaki at makakapal noon ang mga libro niya ay nakasanayan na siyang bigyan ni Kairu ng ibat ibang klase ng bookmark. Sa likod ng mga iyon ay may mga mensahe ito para sa kanya.
Natatawang binanasa niya ang note nito sa likod ng isa sa mga bookmark.
'Dont skip any meal you bookworm. If you wont eat three or more meals this day there would be a buffet infront of your classroom!'.
That was the time when she was still studying and Kairu already have the company in his hands. Alam nito na palagi niyang nakakalimutan ang pagkain,lalo na ang tanghalian kapag nawiwili siyang sumubsob sa medical book. Kairu would appear infront of the school laboratory with 'take-outs' on his hand and they would end up eating it on the bench.
Tumingala siya at pilit na itinaboy sa isip ang mga magagandang alaala na ngayon ay dumudurog sa puso niya. Masaya sanang balikbalikan ang mga ganoong tagpo pero hindi sa panahong ito dahil natutunaw siya.

BINABASA MO ANG
Cure The Doctors Heart💓
RomanceOnce in a while we meet the love of our life not knowing how to value and appreciate them properly. How will you give your heart to someone when you can't give him your time? How could you stay faithful to someone who can't see your worth and the lo...