Almost the Queen

5 0 0
                                    

CHAPTER FIVE

“I need to talk to him.” Inaaway na ni Janina ang sekretarya ni Kairu para lamang payagan siya nitong makapasok sa opisina nito.

Nalaman niyang naging matamlay na daw ito ng minsang matawagan niya si Elisha. Ito lamang sa mga kaibigan ni Kairu ang nakakausap niya ng matino tungkol sa huli dahil ayaw naman siyang kwentuhan nila Blue.


“Maam, mahigpit na bilin po kasi niya na ayaw niyang magpa istorbo…” hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pinanlisikan niya ito ng mata.

Wala syang panahon ngayon para makipag sagupaan sa sino mang haharang sa kanya papunta kay Kairu.


“Tatabi ka ba o hindi?” mukhang nasindak naman niya ito dahil umipod ito sa isang sulok. Magaling lang siya manindak pero ang totoo ay hindi naman siya marunong makipag away. Her entire life, she was never involved on a fight.


Binuksan niya ang opisina ni Kairu at nagulat siya ng lingunin ang paligid.

Napakarangya ng mga kagamitan doon at halatang high tech ang kabuuan ng opisina.

Pero wala siyang panahon para mamangha sa mga bagay na iyon dahil iisang tao lamang ang nais niyang makita.



Lumakad siya sa maluwag na pasilyo na nalalatagan ng puting carpet. Salamin ang divider ng bawat sulok ng kwarto kaya natanaw agad niya ang seryosong seryosong si Kairu.

Nagwala agad ang puso niya pagkakita sa mukha nito. He is sitting there flawlessly while reading intently. Mabilis na pinapasadahan ng mapanuring mata nito ang isang pahina sa makapal na folder na nasa mesa nito. His hair grew a bit at bagay naman iyon kay Kairu na nagmukhang half Korean. His pointed nose complements his smart eyes and perfect lips. How she missed caressing his beautiful face. Tumigil ito sa pagbabasa at pinindot ang intercom na nasa mesa. Nagsalita ito doon.

“Didn’t I say I don’t want to be disturbed?”


“Pasensya na po sir.” Ang sekretarya nito ang nasa kabilang linya. Napailing na lang ito at muling nagbasa. Nakagat niya ang labi upang pigilan ang nagbabadyang pag iyak.




What happened to her Kairu? Ni hindi man lang siya nililingon nito.





“Kairu.” Tawag niya dito pero parang wala itong narinig. Lumapit siya sa harap nito at umupo sa visitors chair

“Kairu.” Still he didn’t take off his eyes from the papers.

Nakaramdam siya ng matinding awa sa sarili pero doble noon ang naramdaman niya para sa binata. Unti unti ngayong napasok sa isip niya kung gaano kahirap ang ipinaranas niya kay Kairu.


Itunulak niya ito sa isang malamig at malungkot na lugar dahil kahit magkasama at magkaharap sila ay hindi niya ito noon nakikita.

Nabalot ng mabigat na pakiramdam ang buo niyang pagkatao at pakiramdam niya ay napakalayo na nito kahit na magkarapa lang siya.

She tried reaching for his hand but the moment she lifted her hand he immediately sat flat on his chair making a wide the distance between them. Buhat nito ang isang dokumento kaya natatakluban noon ang mukha nito.


Parang dejavou na lang ang nagaganap ng maalala niya kung paano siya nito suyuin dahil sa kagustuhang makita ang kanyang mukha.


“Can I see your face?” her voice was shaking with full emotion. Wala siyang balak na pigilan ang kanyang luha pero dahil sa pagkabigla nang ibagsak na lamang basta ni Kairu sa mesa ang hawak ay napatanga na lang siya.

Cure The Doctors Heart💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon