ALIPIN

74 2 0
                                    

Maling tao sa maling mundo.
Maling pag-ibig sa piling mo!
Salang kalabanin ang kung sino—
Hindi ka kabilang sa mundong ito!

Yakapin ang pagkakamali.
Mamuhay ng pakubli.
Itago ang pag-hikbi.
Dahil ikaw ay tiwali!

Sa mundong puno ng mga mata,
Bibig na mapanghusga!
Kakayanin mo bang huminga?
Ang hangin ng pagkadismaya!

Tanggapin ang pagiging-alipin—
Ng mga salitang di kayang kalabanin!
Iwasto ang sarili, hindi ka pa rin tatanggapin!
Isa kang alipin, ng mga salitang 'di kayang kalabanin!

Mapang akit na mga mata;
Katawang mapang halina!
Ngiti, na nag-sisilbing mitsa ng huling pag-hinga—
Kakayanin mo ba?

Subukang takpan,
Ibaling sa iba ang nararamdaman.
Ipakitang hindi naaapehtuhan,
Ng makamundong kamunduhan!

Sala mang maituturing,
Ang mag-mahal ng isang alipin!
Ipapain ang sariling hain—
Ipipilit ang maling panalangin.

Jhems-lo

PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon