Kabanata 1

36 1 0
                                    



Kabanata 1
First Love

"Vida! Si Anwell Naglalakad na papuntang locker!" Sigaw ng kaklase ko galing sa corridor.

Lunch time ngayon kaya nasa labas ang mga kaklase ko. Dali dali akong lumabas ng Classroom at dinungaw ang kabilang hallway kung saan nandun ang mga locker. Kitang kita ko rito kung paano seryosong maglakad si Anwell. Naka Engineering uniform ito. Long sleeve polo, Maroon na coat at Black slacks.

Anwell Truesdalle Gozon. My one and only ultimate childhood crush.

Hindi naging madali ang pagpapapansin ko kay Anwell. 9 years old ako ng nagka crush ako sakanya. Ngayong 19 years old na ako, todo pa cute at todo papansin ako rito. Halos sakanila na ako tumira dahil araw araw akong naroon para makita sya.

In short sa murang edad malandi na ako!

Almost a decade of loving him, I learned how to love him in different ways. 

Nung una ko syang nakita sa bahay nila akala ko simpleng paghanga lang.  Hindi ko pinag tuonan ng pansin 'yon dahil alam kong hindi naman magtatagal. I was naive and a kid. 

Siguro kung may pageant lang ang pagiging marupok at matyaga magmahal baka nasa 1st runner up na ako.

Wala namang kaso sa both parents namin ang nararamdaman ko kay anwell. I may be vocal at my feelings but I know my Limitation. Hindi naman daw siya naiinis sa mga ginagawa kong panliligaw. 

Halos alam rin ng buong Cypress University, ang school namim about sa nararamdaman ko kay Anwell. 4th year college na si Anwell , habang ako nasa 2nd year college palang. Mas matanda siya saakin ng 3 years sa edad.

Napatingin ako kay Anwell, hawak hawak niya ang cupcake na ginawa ko. Sinipat sipat nya 'yon bago tumingin sa gawi namin. Agad na nag tama ang paningin namin, kumaway at ngumiti kaagad ako. Seryosong binalik nya ang cupcake sa loob ng locker.

Hindi ko mapigilang ngumiti, ilang taon ko na siyang nililigawan. Daig nya pa ang babae at hindi pa ako sinasagot.

"Hanep ka talaga Vida, kakaiba ka talaga dumiskarte!" Sigaw ni Roy.

Napatingin ako kay Anwell na nagsasarado ng locker nya, saktong tumunog ang bell kaya nagsipasukan na kami. Tourism ang course ko at Engineering naman ang kay Anwell.

Pumasok ako at nagsimula na mag discuss ang prof namin. Halos tulala lang ako sa buong time niya. Iniisip ko kung anong susunod kong gagawin kay Anwell. Araw araw akong nagbebake ng Cupcakes at Cookies kay Anwell.

Nilalagay ko iyon sa locker nya. Araw araw din may notes roon. Pagka uwi naman minsan dumisiretso ako sa bahay nila , idinadahilan ko si Marcus pero sya lang ang sadya ko.

Araw araw din akong may 'goodmorning|night'  message sakanya. Kulang na nga lang ay mag apply ako bilang katulong nila para napapansin nya ako lagi.

"Okay class, dismissed." My prof said.

Inayos ko ang gamit ko at napatingin kila Roy. saktong tumingin sila saakin kaya kumaway ako. sila Roy ang pinaka kaibigan ko rito. Anim kami sa grupo, Si Roy, Inigo, Gab, brylle, Agatha at Ako.

Si Roy, Inigo at Brylle ang ka-course at blockmates ko. Habang si Gab ay Business Management at Architect naman si Agatha.

"Tara lunch." Yaya sakin ni Brylle.

Tumango ako at sinabit sa balikat ko ang bag ko. Naglalakad kami sa field at todo kwentuhan sila Roy sa gilid ko. Dumating kami sa Cafeteria, Madaming tao roon kaya naghanap muna kami ng upuan. Buti nalang meron sa dulo kaya pumunta ako roon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Way to your Heart (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon