Chapter 3

27 1 0
                                    

( XYRO POINT OF VIEW )

pasukan

Year 2018

Tok... Tok... Tok...

"Beshie...." tawag ng isang kilalang boses sabay katok sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ako nagkakamali kung sino ang umagang umaga ang kumatok dito. Si Sedny nga ang kumatok dahil nga sa bestfriend ko siya, kaya labas pasok na ito sa bahay namin.

Wala naman ding problema si mama kay Sedny mabait naman ito. Si sedny ang bestfriend ko na kakitaan mo ng kabaklaan hindi gaya ko na sa postura ko ay hindi mahahalataan na meron akong kabaklaan na kasarian. Oh.. Yes hindi ako baklang bakla kumilos hindi gaya ni sedny na walang maitatago.

Kembot dito, kembot doon yan ang kilos ng nag-iisa kong bestfriend. Si sedny ay kaklasi ko mula elementarya hanggang high school na kami. Hindi sa pagmamayabang kung lalaki lang ito ay marami itong mapapaiyak na babae dahil sa hitsura nito. Sa pagpasok ni sedny sa kwarto ko ay dito na ako bumangon sa kama.

"Besh... Ano na wala ka bang planong pumasok? Come on besh! first day of school ngayon oh. Lutang lang ang peg mo? Ano na ba ngayon. Eyebags mo besh oh" sabay turo sa mata ko

"Kung pwede sanang mabenta yan ipakilo na natin yan. Sandamakmak ang kita natin niyan. Baka yan pa ang ikakayaman natin?" Sabi nito habang ako naman ay nakaupo na sa kama dahil sa gising na nga ako sa pagkatok niya ng pinto at daling pumasok.

Hindi na ako nag lock ng pintuan dahil alam ko na pag ito ay magbisita ng bahay deretso na sa kwarto, wala ng inaantay na sagot sa mga katok nito. Routine na kasi ni sedny. Katok tapos pasok agad. Napatitig ako bigla sa orasan ng makita ko ay 7:45 am na pala.

"My god besh bakit hindi mo ako tinawagan?" Pagkasabi ko sa kanya. Sabay kuha ng tuwalya ko at pumasok nga ako sa banyo.

"Wow... Kasalanan ko pa talaga besh ilang beses na kaya akong tumatawag sayo" Malakas nyang sigaw dahil nakapasok na ako sa banyo.

"Pudpud na nga itong daliri ko sa kakapindot at pati lingwahe ng phone operator ay nakabisado ko na. Bakit pa kasi e silent ang cellphone?" Tanong pa ni Sedny.

"Paano mo nasabi na silent ang phone ko ehhh. Hindi naman ako nag silent ng phone." Sagot ko dito habang nagmamadaling maligo.

"Sure ka hindi ka nagsilent ng phone. Eh anong tawag mo dito sa phone mo. Kitang kita ko dito ang silent mood tapos sasabihin mo na hindi naka silent." Sambat nito uli.

Wala akong masabi dito kaya nanahimik nalang, naalala ko na ginamit pala ito ng kapatid ko kagabi kaya siguro hindi ko namalayan na naka silent pala ito.

"Besh bilisan muna anong oras na? Baka maaga na tayo para bukas at hindi ngayon?" Pasigaw nitong sabi.

"Malapit na!!! Bakit nagmamadali ka may traffic ba?" Pasigaw na rin kanya dahil nga ay nasa banyo ako.

Medyo may kalayuan sa aming bahay ang pinapasukan namin ni sedny. Walang traffic dito kadahilanan ay probinsya nga naman.

"Alam mo naman first day of school maraming bago ngayon. Kaya bilisan muna ng makakita naman ako ng aawrahan sa school." Anito.

"Ang lande mo parin talaga besh. Akala ko ba papasok sa school? Sagot ko dito "Lalaki lang pala ang minamadali mo" dagdag ko pa sabay labas na ng banyo.

Nakatapis lang ako ng tuwalya hindi na ako nahihiya kay sedny dahil nasanay na ako sa ganito.

"Besh... Hanggang tumatagal sumasarap ka?" Anito habang nakatingin sa katawan ko.

"Baliw ka sa dami ba namang titigan mo yong ano ko pa?" Sagot ko sa kanya sabay punas ng hand towel sa ulo ko.

"Bakit mo kasi pinapabakat yang ano mo. Ehh bakla ako malamang ma aattract parin ako." Sagot na naman nito.

Petals BL Series (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon