Chapter 4

19 1 0
                                    

Sa School
___________

Nilakad ko ang School Campus at tinungo ang wholeway. Dito palang makikita muna ang iba't-ibang mga estudyante mapa-lalaki, babae at mga bakla pero kaunti lang ang bakla dito. Nasa tapat na ako ng Grade 12 section at tiningnan ang mga nakasulat sa bulletin board.

Tinitigan ko ito at inisa-isang binasa ang bawat nakalagay na pangalan doon. Pinagmasdan ko mula una hanggang dulo kong saan ako belong na section. Actually private school itong pinapasukan ko kaya madali lang malaman ang section mo kasi two section lang, which is Section A and B. Halos sa  section A. ay pawang mga matatalino at piling matalino naman ang iba. Sa B naman ay ang halo-halong ugali ng mga estudyante.

Inulit ulit kong binasa ang nakasulat doon, pero sad to say magkaiba na naman kami ng section ni Sedny. Una palang inakala kong magkasama na kami sa iisang section pero mali na naman ako. Iniisip ko na sana nandito ang pangalan nya sa section A. Para magkasama kami. Hindi kasi kami mapaghihiwalay. Ibinaling ko ang tingin sa section B. Tama at doon nga nakasulat ang pangalan nya.

Alam ko kasi ang mga ugali ng Section A puro pa social dahil nga naman matatalino ito kaya may ipagmamalaki. Hindi sa nagmamayabang ako pero may ikakabuga din kasi matalino naman ako sa ibang subjects. Paalis na sana ako ng may kilalang teacher akong nakita at kinausap ko ito.

"Maam Jean!" Tawag ko dito.

Dahil nga sa dito na ako nag-aaral noon pa ay kilalang kilala na ako ng mga teacher dito maliban lang sa mga new teacher.

"Alam ko ang sasabihin mo?" Aniya.

"Hindi ko pa nga nasasabi ang kailangan ko eh alam nyo po agad Ma'am?"-Ako

"Taon-taon nalang na iyan ang lagi mong sinasabi kaya kabisado ko na ang linya mo. Every first day of school." Sagot naman nito. Napangiti nalang ako dito.

"Ohhh siya sige. Kulang pa naman ang Section B kaya pinapayagan na kita na diyan ka." Dagdag pa nito at sabay alis.

"Thanks Ma'am jean." Pahabol na sabi ko.

Pumasok na nga ako sa loob ng B section. Pagkapasok ko palang ay isang kilalang boses ang aking narinig.

"Xy, bakit ka nandito e diba nga sa section A ka dapat? Wala naman sa listahan ng B section ang pangalan mo?" Sabi ng isang boses lalake.

"Hayyy.. Naku! Hindi pa ba kayo sanay kay Xy. E diba nga naman hindi yan mapaghiwalay sa jowa niya." Ani ng boses ng ikalawang lalake.

"Sino  pa ba? Edi si Xyro at ang kanyang kabiyak na si Sedny." Ani naman ulit ng unang lalake.

Narinig ko nalang ang hagalpak ng tawanan at hiyawan dito. Hindi na ako nakipag talo pa kasi nga naman kilalang kilala na nila kami ni Sedny. Paborito kami sa mga tukso dahil sa hindi kami mapaghihiwalay na mag bestfriend.

Sa tagal naming magkaibigan halos nagtataka na ang lahat ng mga kaklasi ko, kung ano nga ba talaga ang estado naming dalawa. Ngunit para sa amin ay magkaibigan lang at hanggang doon lang iyon.

"Baliw ka talaga Patrick." Sagot ko naman sa isang lalake na cousin ni Sedny.

Naghanap na ako ng bakanteng upuan kung saan ay para sa aming dalawa ni Sedny. Gaya rin ng dati iisa kami ng room pero magkalayo ng inuupuan. Kampanti na kami na magkasama. Hindi ko kasi maiwan si Sedny sa kadahilanang siya lang ang nakakaalam ng mga sekreto ko. Isa na rin doon ang halos gabi gabing napapaginipan ko ang mga taong hindi ko mga kakilala.

Nakahanap na ako ng bakanting upuan ang isa ay nasa first raw at akin naman ay sa pangalawang raw. Ilang minuto lang ay dumating na rin ito sa room. Lingon dito, lingon sa kaliwa kahit saan saan siya nakatingala mahanap lang ako. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko at tinawag sya.

Petals BL Series (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon